M A X I N E "Sir Mateo, kunin ko na po ang… mga bote… ni Ma'am Ma— ma'am!" sabad ni Lourdes na gulat na gulat din nang makita akong gising. "Lourdes? W-W-What is happening here?" tanong ko. Ilang ulit na bang nangyari sa akin ito? Napapadalas na ata ang paggising ko galing sa aksidente. Parang noong isang linggo lang ay nagising ako mula sa sakit ng tiyan dahil sa nakain o nainom ko sa ball, at ngayon andito na naman ako, kagigising lang dahil sa nangyari kanina kay Lourdes. At mukhang kagaya noon ay magkakaroon na naman ng panibagong rebelasyon sa paggising ko. Can I just have a break? Kailan ba kakalma ulit ang mga bagay-bagay? I know my life as a celebrity is never peaceful but it's so much better than dealing with vampires. "Lourdes! Ano?" sambit ko ulit. Bitbit niya kasi ang

