* * * Isang malawak na espasyo na opisina. Pagbukas ng pinto ay unang makakasalubong ang tatlong puting sofa na mistulang sala set ang ayos. Isang mahabang sofa sa gitna habang magkaharap naman sa gilid ang dalawang sofa na tig-isang tao lang ang pwedeng umupo. Sa gitna ng mga sofa ay ang mababasagin na lamesang kulay itim. Sa ibabaw nito ay nakapatong ang kulay pulang rosas na nasa puting porselanang plorera. Nag-iisa lamang ito pero dahil sa maladugo at matapang nitong kulay ay nagbibigay ito ng kakaibang dating sa itim at puting tanggapan ng bisita ng malawak na opisina. Sa unahan ay makikita ang upuan ng CEO ng Axellerate Entertainment. Kulay puti na mahabang lamesa na natatakpan ng mga papeles at dokumentong dapat pirmahan sa kanan, at mga picture frame at disenyong pigurin naman s

