M A X I N E Hindi nga talaga nagsisinungaling si Mateo nang sinabi niya na ang third phase ng vampirization ko ang pinakamaikling yugto. Nasa pangalawang araw pa lang kasi ako ay ramdam ko na ang pagbabago sa katawan ko. My skin looks paler than before, kung dati ay mamula-mula ito, ngayon ay namumutla na ang kutis ko. Naging matalas din ang pandinig ko. Noong una akala ko ay epekto lang iyon ng huling phase pero ngayon na hindi ako naghahanap ng dugo ng tao ay pansin ko ang ingay ng mga sasakyan sa ibaba pati na rin ang mga yabag ng paa ng mga dumadaang tao sa corridor. Kahit na soundproof naman talaga itong penthouse ko. Kaninang umaga nga ay rinig na rinig ko ang tunog ng pumapatak na tubig sa gripo sa kusina. I had to stand up to turn it off tightly at hindi ko na marinig pa. Natan

