Sa mansyon ng mga Severino, nakahanda na ang agahan para sa mag-amang Ernesto at Alora, ngunit maagang pumasok sa kumpanya si Mr. Severino kaya si Alora na lamang ang hinihintay ng mga kasambahay.
Hindi naman matigil-tigil ang ingay ng alarm clock ni Alora. Halos punuin na nito ng ingay ang buong silid hanggang sa mahulog niya ito at tumigil.
Inaantok pa si Alora nang pulutin niya ito at iayos sa kanyang nightstand.
"Thank me for not breaking you. If you're not from Mommy..." Natigilan siya nang maalala ang kanyang ina.
Sandali siyang napatitig sa itim na alarm clock. "Nevermind. Good morning," matamlay niyang wika na tila nakapagsasalita rin ang alarm clock.
Napagdesisyunan niyang bumaba patungong dining area at ubusin ang niluto sa kanya ng kanilang kasambahay.
"Ms. Alora, nagbilin po si Sir Ernesto na dalawang linggo raw po siyang mawawala para sa business trip daw po."
Napatigil si Alora sa pag-inom ng kanyang gatas nang sabihin iyon ng isa sa mga kasambahay na si Sely.
"Talagang hindi ako kinausap ni Daddy pagkatapos ng naging pagtatalo namin. Business trip? Nah. For sure, he is already planning my wedding," wika ni Alora sa kanyang isipan.
"Okay," matipid niyang tugon bago ipagpatuloy ang pag-ubos sa iniinom.
"Ms. Alora, ang asawa ko na po muna ang pansamantalang tagahatid-sundo sa inyo sa school," muling wika ni Sely.
Isang tango at tipid na ngiti lamang ang naitugon ng dalaga. "I'll take a bath first, Ate Sely."
Matapos magbihis ni Alora ay sumakay na siya sa magarang sasakyan na pagmamay-ari ng kanyang ama. Habang nasa biyahe, tahimik lamang siya at nakatulala sa mga nadadaanan nila.
"Dad is not around for two weeks and many things will happen. I need to think of a plan. Right, I will take note of it later in my class," wika niya sa kanyang sarili.
Sakto namang nakarating na sila sa entrance gate ng kanyang school.
"Thanks po. No need to fetch me later. I'll have a group meeting po," paalam niya bago bumaba ng sasakyan.
Mamamalas ng sinoman ang karangyaan ng mismong paaralan at ang mga nag-aaral dito. Makikita ito sa kanilang pustura at ang kanilang mga personal na gamit. Isa na nga sa kanila si Alora.
"Hey, Alora!" tinawag siya ng isa sa kanyang mga kaibigan na si Missy at inakbayan habang naglalakad sila sa hallway. "Are you ready to get fun later?" makahulugang tanong nito.
Hindi agad nakatugon si Alora. Paulit-ulit na tanong ng kanyang isipan kung dahil lang ba sa pera kaya siya maraming kaibigan.
"What's wrong with her?" tanong ng isa pa niyang kaibigan dahil tila blangko pa rin ang reaksyon ni Alora.
Nagkibit-balikat si Missy at pinilit maging maamo sa harap ni Alora. "Aren't you gonna take back your treat, are you?"
Tipid na ngumiti si Alora bilang tugon. "I'm not feeling well. Can we have it next time?" wika niya.
Napansin niyang naglaho ang mga ngiti ng kanyang limang kaibigan na nakapalibot sa kanyang kinauupuan. "My gosh, Alora you promised us!" hirit ni Missy.
"Right, Alora. It's also Kara's birthday. How would you miss this special day for her?" wika naman ni Liana, ang pinaka-kikay sa kanila.
Napalingon si Alora kay Kara na bumalik sa kanyang sariling upuan. Hindi siya nito tinapunan ng tingin at tila nagtatampo.
Mapait na napangiti si Alora at halos maiyak dahil alam na niya kung anong sagot sa tanong niya.
"You can celebrate without me, right?" Makahulugang ngiti ang pinukol niya sa kanyang mga kaibigan. Lalong namula sa pikon ang lima.
"Why are you different today?" inis na tanong ni Missy.
Napatayo si Alora kasabay ng paghampas niya ng kanyang kanang kamay sa desk. Sarkastiko niyang tiningnan isa-isa ang lima. "Right, why am I so different today? Bakit ngayon ko lang 'to ginawa? You noticed that I'm not myself, and I thought you will gonna ask me if I am ok, but what you all care is shopping, shopping, shopping!" Hindi na napigilan pa ni Alora ang kanyang sarili.
Nabigla ang lahat kasama na ang mga kaklase nilang may sari-sariling mundo. Ang lahat ngayon ay nakatingin sa kanila habang hinihintay ang unang klase.
"What are you saying?" hirit ni Kate.
Napalingon si Alora sa kanya. "Don't ask me 'what' because you all know what I mean!" Binalik niya ang sarkastikong tingin kila Missy. "You want money, right?" Kinuha ni Alora ang kanyang debit card at binato kay Missy. "That's what you want so take it!"
Marahas niyang hinablot ang kanyang bag at naglakad palayo sa kanila, ngunit bago pa siya makalabas ng pintuan ay nilingon niya isa-isa ang kanyang tinuring na kaibigan. "I don't need money."
"Woah! That was so intense! Great acting!" pagbasag ni Gelo sa naging pangyayari.
"Alora, it wasn't our intention..." sigaw ni Liana ngunit mabilis siyang tumakbo palayo.
Dinala siya ng kanyang mga paa sa rooftop ng kanyang classroom building. Sumalampak siya at niyakap ang kanyang mga tuhod, at doon niya binuhos ang lahat ng kanyang sama ng loob. Paulit-ulit sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang ama kagabi.
"Anong pinagmamalaki mo? Your so-called friends? Sa tingin mo kakaibiganin ka pa nila kung malaman nilang wala ka ng pera? Don't tell me you have real friends if their only motive is your money. Definitely, not you, Alora."
"You said that because you also want money. That's why you engaged me to someone," wika niya sa pagitan ng kanyang pag-iyak na tila kausap ang kanyang ama. Iniisip niya ngayon na lahat ng taong lumalapit sa kanya ay dahil lamang sa pera, pati ang sarili niyang ama.
Tumingala siya at pinagmasdan ang hugis C na buwan. Alas otso na ng umaga ngunit kita pa rin sa kalangitan ang hugis nito.
"Mom, you said I can count on you, but I can't even hold you," bulong niya sa hangin habang inaalala ang mainit na yakap ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito.
"Your class just started. Why are you talking alone instead of learning?"