Chapter 7: T-tulong

1469 Words
Chapter 7: T-tulong Sinag ng araw ang agad na bumungad ng imulat ko ang mga mata ko. May mabigat na bagay ang nakapatong sa tyan ko at may mainit na hininga ang dumadapo sa mukha ko. Si Miguel. Mahimbing na natutulog habang naka-unan ako sa braso niya’t ang kabila naman ay nakapulupot sa bewang ko. Napangiti ako. Ang gwapo niya kahit san tignan. “Gising ka na?” tanong niya ng hindi dinidilat ang kanyang mga mata.      “hmm, bangon na tayo” akmang babangon na ako ng muling hilahin niya ako pahiga at mahigpit na niyakap.  “Ganito na muna tayo” Hindi na ako pumalag at hinayaan siya sa gusto niyang gawin.           Amoy na amoy ko ang bango ng katawan niya na parang hindi pinag-pawisan sa ginawa niya kagabi. Niyakap ko siya pabalik at mas lalong isiniksik ang mukha ko sa dibdib niya. Ang tagal kong pinangarap na pag-gising ko sa umaga ay mukha niya ang agad kong makikita. Kaso iba na ang sitwasyon namin ngayon, Sweetness. Isa sa pinaka-gusto ko sa kanya. Sobrang sweet niya at handa siyang gawin ang lahat mapasaya niya lang ako. Kahit anong kakornihan ay gagawin niya basta mapangiti lang ako. ILANG minuto rin kaming nasa ganong posisyon. Halos ayaw niya na bumangon pero kailangan na dahil tyan na namin ang parehas na nag rereklamo. “Gusto mo ba ng may pinya?” tinaas ko ang lata ng ilalagay ko sa adobo. Mas gusto ko kasi ang lasa ng pininyahang adobo kesa sa suka’t toyo lang. nakita ko siyang tumango at nakatingin lang sakin. Hindi siya marunong mag luto kaya kesa mag padeliver ay mas pinili ko nalang ang mag-luto total naman kompleto ang gamit sa kusina pati na rin sa mga sangkap. Para kaming mag asawa. Napailing ako. Mag asawa nga pala kami pero apat lang kaming nakakaalam non at kami ang mag-asawa na hindi nag sasama. Inayos ko na ang lahat ng gagamitin ko, habang siya naman ay naka-upo lang at nakatingin sakin. “Pabalatan” nilapg ko ang mga patatas. Isa sa pinaka-ayaw ko sa pag-luluto ay ang pagbabalat ng mga sangkap. Naalala ko pa dati ng bata ako, muntik na maputol ang hintuturo ko ng magbalat ako ng manga. “hanggang ngayon?” tumango ako. Hindi lang naman ito ang unang beses na nilutuan ko siya. alam niya rin kung bat hindi ako nag babalat ng mga gulay. Hindi na siya nag reklamo pa at nag balat na. sakto lang para samin dalawa ang niluto ko. Hindi na ako nag pasobra dahil aalis din naman kami mamaya. Tanghalian na ngayon, parehas kaming na sobrahan sa  tulog dahil sa pagod. Hindi ba naman ako tigilan hanggat hindi siya napapagod. Gusto pa ngang umisa bago kami bungon pero ng sinabi ko na masakit pa rin ang katawan ko ay hindi na siya nangulit pa at inalalayan nalang ako mag bihis. Mabilis lang kaming kumain ng may tumawag sa kanya. Hindi niya sinabi sakin kung anong problema pero agad din siyang umalis ng bahay at hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi. Nag bihis nalang ako para maligo sa dagat. Nag suot lang ako ng isang sando at maigsing short “Catalina,” nakangiti niyang sabi bago pumasok sa kwarto. Samantala ang isa niyang kamay ay naiiwan sa labas ng kwarto. “San ka galing?” I ask him. Hindi naman siya nag salita at nag madali na lumapit sakin at tinakpan ang mata ko gamit ang panyo niya. “wag mong tatanggalin” sinunod ko ang gusto niya. Nanatili lang akong nakaupo sa kama at hinintay na sabihin na tanggalin ko ang nilagay. “Matagal pa ba?” tanong ko sa kanya. Imbis na s**o tang makuha ko sa kanya ay isang dila ang animo’y naramdaman ko sa tuhod ko. “Miguel?” Wala pa rin nag salita. Akmang tatanggalin ko na ang panyo na nilagay niya ng hawakan niya ang likod ng ulo ko at agad na sinunggaban ng halik ang labi ko. Halik na mahinahon at puno ng pagmamahal. “Nililibugan mo nanaman ako!” tuluyan kong tinanggal ang panyo na nasa mata ko at masam siyang tinignan ng isang aso ang tumalon sa higaan. Agad na nanlaki ang mata ko sa aso. Teka, st. Bernard yung aso katulad nang “Surprise!” nakangiti niyang sabi bago binigay ang papel sakin. Papel kung saan nakasulat ang registration ng aso. “Ano to?” tanong ko sa kanya. “Sabi ko sayo dati biilhan kita ng mag babantay sa’yo at makakasama mo sa bahay diba,” sinenyasan niya ang maliit na st. Bernard at agad na lumapit sa kanya. “Kaya ito na,” Ang sabi niya sakin dati ay bibilhan niya ako ng aso na gagawin namin anak habang parehas pa kaming hindi ready. Yung aso ang mag babantay sakin sa tuwing wala siya at bibilhan niya ako non pag aalis na siya. “Sasampa ka na?” walang emosyon na tanong ko sa kanya. Tila naman nagulat siya sa biglaang tanong ko sa kanya at hindi agad naka-imik. So sasampa na nga s’ya. “Cata—“ Panandalian nanaman pala ‘tong saya na nararamdaman ko. Tapos nito ay iiwan nanaman niya ako sa lupa at sasampa. Nailing ako. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang marino, hindi naman pwede na mag stay nalang siya palagi sa tabi ko at mag sama kaming dalawa. “Hindi mo na kailangan sagutin,” putol ko sa sinasabi niya at kinuha ang aso na hawak niya. Bitbit ang aso ay lumabas ako ng bahay at pumunta sa hindi kalayuan. Hindi ko naramdaman na sumunod siya kaya na upo nalang ako sa isang malaking bato bago tinignan ang tuta na bigay niya. Naalala niya pa rin ang plano niya, pati na rin ang aso na gustong-gusto ko. “Hello cutie” napangiti ako ng tumahol ang aso. Ano kayang magandang ipangalan sa kanya? Miguel kaya para Jr? ang sagwa. Siguradong hindi rin siya papaya na maging kapangalan niya ang binigay niyang aso. Napatingin ako sa dagat. Ang payapa ng dagat, pati ang mga alon na mahihina ang hampas pero ang hangin naman ay sobrang lakas. “Sea,” bangit ko bago tumingin sa tuta na masayang nag lalaro sa buhangin. “Sea ang pangalan mo simula ngayon” Hinawakan ko ang ulo ni Sea at tila natutuwa sa ginagawa ko. Pumunta ako sa tubig at unti-unting nag pahila sa alon. Mainit sa balat ang sinag ng araw pero nababawi ng lamig ng tubig  ang init. “Sea” tawag ko sa aso ko. Nakita ko naman ang pag-aalinlangan niya na pumunta sa tubig at kumakahol pa sa tuwing aabutan ng tubig pero tumakbo pa rin niya at lumapit sakin, “Buti ka pa marunong lumangoy” natatawa kong sabi bago siya hinawakan. Ang malago niyang balahibo ay unti-unting bumagsak ng dahil sa tubig pero humahabol pa rin siya sakin kung saan ako napupunta. Pakiramdam ko tuloy ay hindi magiging boring ang pag-ligo ko nang mag-isa dahil nandito naman si Sea. Isang tuta na St. Bernard. May brown na balahibo at bagsak na tenga. Katulad ng gusto ko 2 years ago. Ang sabi kasi ng iba ay maamo ang st. Bernard sa mga sanggol at bata sa bahay. Hindi rin nangangagat kahit malaking aso at sabi ni Miguel ay  mas maganda na ganitong aso ang lagi kong kasama para matakot ang iba na lumapit sakin. Hawak ko lang si Sea na nanginginig na ngayon. Aahon na sana ako ng makita ko sa hindi kalayuan si Miguel, may kausap siyang isang babae at hindi ako nag kakamali. Si Sam. Anong ginagawa niya dito. Unit-unti kong nabitawan si Sea sa tubig ng makita kung paano siya halikan ni Sam. Katulad ng nakita ko 2 years ago. Naulit nanaman. Napakagat ako ng labi habang tinitignan silang dalawa. Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko habang tinitignan silang dalawa na hindi pa rin nag nag hihiwalay. Pinaglalaruan nanaman niya ako. Lumusong ako sa ilalim ng tubig. Yung luha ko, ayaw ko makita na naming ang sarili ko sa isang tao na naging dahilan sa pag-iyak ko dati. Nang idilat ko ang mata ko sa ilalim ay hindi ko na makita ang paa ni Sea. Agad kong inahon ang katawan ko at tignan kung nasaan siya, inanog lang pala siya ng alon at nalayo. Napa-buntong hininga nalang ako at naglagad papalapit sa kanya ng isang malakas na alon ang agad na sumalong sakin. “Sea!” sigaw ko sa alaga ko ng mapunta siya sa malalim. Agad akong lumusong para habulin siya pero mali ang ginagawa ko. Malalakas at sunod-sunod ang malalakas na alon ang sumalubong sakin para mapunta ako sa malayo. Hindi ko na maabot ang lupa! Mula sa ilalim ay tumalon ako para umangat at makakuha ng hangin. Wala pa rin epekto! “T-tulong!” sigaw ko ng umangat ang sarili ko. Tinignan ko ang pwesto nila at muling sumigaw pero hindi niya ako narinig. Hindi nanaman niya ako narinig dahil masaya nanaman siyang kayakap si Sam. Hinayaan ko nalang ang pag lagpas ng luha ko bago pumikit. “Aray,” umiiyak kong sabi habang namimilipit sa sakit ang isa kong paa. Namulikat. Habang pinipilitan na makapunta sa ibabaw ay nawalan ako ng lakas at nag-umpisa mamilipit sa sakit ng paa nang isang malakas na alon muli ang sumalubong sakin. “T-tulong” huling nabanggit ko ng dalawang pares ng kamay ang humila sa bewang ko at tuluyan pagkawala ng ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD