Chapter 4: UNEXPECTED TRIP
SAKAY sa kotse niya ay marahan kong binagsak ang ulo ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Dala ko ang dalawang malalaking bag ko na kulang nalang ay maglayas sa bahay.
Tinignan ko siya na seryosong nag mamaneho. Hindi manlang niya ako pinayagan na magpaalam kay mama na aalis. Basta-basta nalang niya akong hinila kasama ang bag na nakaayos na sa gilid.
“Mag pahinga ka na muna. Matagal pa ang byahe,” aniya.
“Saan ba tayo pupunta?” tumingin lang siya sakin at hindi ako sinagot.
Binagsak ko nalang ulit ang ulo ko bago pinikit ang mata ko. Ang sakit pa ng katawan ko sa nangyari kanina, at isa pa hindi pa ako nakakain. Imbis na kumain ay ako ang kinain ng loko na ‘to.
Nagugutom na ako pero kahit piso ay wala akong dala. Nakakahiya naman na siya ang pabilhin ko ng pagkain, pero diba dapat lang? imbis na pakainin ako ay siya ang kumain. Ako ang kinain.
“Nagugutom ka na ba?” tumango ako.
Iba talaga ang pakiramdam na hindi kumakain sa umaga. Buong araw kang walang latoy at parang gutom, kaya ayaw ko talagang nalilipasan.
“Sorry.” Narinig kong sabi niya bago hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang siya sakin bago diniinan ang paghawak sa kamay ko.
ILANG minuto rin ang tinagal bago kami nakahanap ng makakainan. Puros mga tanim at palayan na rin ang nakikita ko sa daan kaya siguradong nahirapan siya sa paghahanap ng makakainan.
Huminto kami sa isang fastfood. Alam na alam niya talaga kung saan ang gusto ko.
“Ako na ang oorder,” tumango ako bago siya tinalikuran. Alas-nwebe na rin ng umaga. Hindi ganon karami ang mga kumakain at madalas ay take-out ang mga omuorder. Pumwesto ako sa malapit sa bintana.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Wala akong maramadaman na kaba habang kasama siya. siguro dahil sa nangyari at una palang may tiwala na ako sa kanya.
Hindi ko alam. Kanina ay nadala ako sa init ng katawan ko, pati na rin siya at gumawa ng desisyon na hindi ko gaano pinag-iisipan. Paano kung ‘yon lang naman talaga ang habol niya? Pero hindi.
Hindi naman siya gagawa ng ganito kung s*x lang ang habol niya. Kung s*x lang rin ang habol niya bat pa siya magpapagawa ng bahay. Napabuntong hininga nalang ako. Naguguluhan na ako, hindi lang sa sarili ko pati sa nararamdaman ko.
“Kain na,” natigil ako sa pag-iisip nang nilapag niya ang pag-kain.apat na extra rice ang nasa gilid at tag-dalwang manok ang nakalagay sa dalawang plato. May ice cream din sa gilid at dalawang Extra large na fries ang nasa isa pang basket.
Paglapag niya ay agad kong inayos. Katulad ng kinagawian ko na gawin sa tuwing lumalabas kami. Maayos kong isinalansan ang pagkain namin at tinanggal sa plastic na nakapulupot ang kanin.
“Anong iniisip mo bat tulala ka kanina?” umiling ako.
“Wala. Inisip ko na baka magalit sila mama’t papa pag nalaman na umalis ako ng walang paalam.” Totoo.
Kahit na malapit na akong grumaduate ay madalas pa rin akong napapagalitan sa tuwing hindi ako nagpapaalam na malalate ng uwi o may kailangan puntahan. Kailangan bawat kilos ko ay alam nila, pati na rin ang mga pupuntahan ko at kasama.
“Hindi ‘yan. Pinaalam na kita nang nakaraan pa,” tummas ang kilay ko sa sinabi niya. Nakaraan pa? “Kumain na tayo,”
Tahimik lang kaming kumain. Ngayon nalang ulit ako nakakain ng fastfood. Madalas kasi ay nag titipid ako at lagi lang kaming nasa karenderya nila Ria nakain tuwing breaktime.
“Habang wala ako. Anong ginagawa mo?” napatigil ako sa pagsubo ng magtanong siya.
Ano nga ba ang ginawa ko habang wala siya?
Nagkibit balikat ako. “Wala. Nang una’y nag mukmok pero na realize ko rin na hindi naman makakatulong sakin ‘yon,”
“Sorry,” tumango ako. Ayos lang.
Kahit naman paano’y gusto ko pa rin siya makasama. Hindi rin ako makakatakas pa sa kanya dahil kasal na kami-nakatali na kami sa isa’t-isa at wala ng makakatanggal non.
“Wala naman nang magagawa ang sorry. Tapos na yun, hayaan na natin.” Hindi na siya ulit umimik pagtapos ko sabahin yun.
Wala naman mababa sa sorry. Hindi na mawawala sa alaala’t puso ko ang nakita’t naramadaman ko dati. Tapos na yun kaya bakit pa kailangan pa rin pagsisihan.
Natapos kong kainin ang kanin ay napagpasyahan ko nalang ang ipa-take out ang natira. Masyado akong gutumin sa byahe kaya ayos na rin to. Habang inaayos niya ang pagkain ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaki.
Teka. Si Zeus ba ‘yon?
“Tara na” tumango ako at tumayo na. sakto na pagtama ng mata namin ni Zeus.
Napansin ko ang paglapad ng balikat niya. Ang mga tangkad niya na mas llaong umangat at ang pag puti ng mga balat niya. Bat ngayon ko lang to na pansin?
“Anong skin care mo?” tanong ko sa kanya bago siya hinabol sa paglakad.
“Bakit, gagamit ka rin?” taas kilay niya. Inirapan ko siya bago naunang sumakay ng sasakyan.
Namuti lang nang konti akala mo naman kung ano na.
“Joke lang. talagang mamumuti ako, halos buong taon ako nasa ilalim ng barko at nag tratrabaho.”
“Buong taon?” tumango siya bago inabot sakin ang tinake-out niya.
“Simula nang gabi nay un nahiya na akong lumapit sayo. Nang taon na yun ay na-offeran ako ng 11 months na kontrata.” Tumango ako.
Naalala ko ang sinabi ng kuya ni Ria ng mayhandaan sa bahay nila. yun pala ang sinasabi niya na halos ayaw na bumaba ng barko.
“Gusto ko sana tangihan. Kaso pagtapos non, naisip ko nab aka gusto mo mapag-isa,”
“Kaya ba iniwan mo nalang ako basta?” hindi siya nag salita at tumango sakin.
“Ilang buwan kita sinusundan non. Gusto kita lapitan, gusto ko mag sorry pero ang sabi sakin ni Rio sakin na hayaan nalang muna kita.” Si Rio.
Si Rio ang naging saksi nang kasal naming dalawa. Si Rio at Octavia.
“Bakit sumampa ka nang hindi nagsasabi?”
“Nasaktan ako. Akala ko ay pinagpalit mo na ako agad sa kaibigan mo,” nanamlay ang boses niya bago tumingin sa daan.
“Sasabihin ko na sayo ‘yon. Gusto kitang makasama bago ako sumampa at magkaayos tayo pero nang puntahan kita sa inyo. Wala ka daw sabi ni Tita.” Tumawa siya ng mahina. “Tinanong niya pa nga ako kung sino daw ba ako. Gusto kong sagutin na ‘Ma, ako ‘to. Ang asawa ng anak mo’ pero hindi pa pwede.”
“Miguel,”
“Humingi ako ng tulong kay Rio. Nalaman ko na classmate mo ang kapatid niya kaya nag tanong ako. Doon ko nalaman na may kasama ka. Gusto ko siyang sugudin pero ng makita kitang umiiyak,”
“Miguel,” bulong ko. Naalala ko ang panahon na yun.
“Alam ko na ako ang dahilan non. Kung bakit ka umiiyak sa iba. Alam ko na ako ang dahilan kung ba’t tumtulo yung luha mo. Kaya naisip ko na siguro mas mabuti ng di mo ako makita, at hindi magparamdam sayo.” Huminto siya sa pagsasalita at lumunok.
Ramdam ko na ang pangingilid ng luha ko. Kasalanan ko pala. Kasalanan ko pala kung bat siya umalis ng walang paalam. Kung pinilit ko nalang sana sarili ko na ayusin sa magandang usapan ang problema namin dati hindi n asana hahantong sa ganito pa.
“Sorry,” tanging nasabi ko.
“Hindi mo kasalanan. Ako ang may mali. Kung hindi ko lang sana pinuntahan si Sam at hindi kita iniwan sa date natin sana ayos pa tayo,” napayuko ako.
“Mali rin ako nang naging desisyon. Sana pala nang una ay hindi na kita iniwan basta-basta. Karapatan mo malaman yun dahil una sa lahat asawa kita,” hininto niya ang sasakyan bago tumingin sakin.
Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. “Alam ko na pagkakamali ko ngayon. Hindi na ako papayag na maulit ulit yun. I love you, my Catalina”
Hinalikan niya ako sa noo at naunang lumabas nang sasakyan. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako at lumabas na.
Agad na tumama sa mukha ko ang malakas na hampas ng hangin galing sa dalampasigan. Ang huni ng ibon na nag liliparan at ang mapayapang ingay ng alon.
“Saan tayo?” tanong ko sa kanya. Dala niya na ang bag ko at ang isa pang bag na mukhang sa kanya.
“Pampanga. Dalawang taon ang sinayang ko na hindi ka kasama. Gusto ko ipagpatuloy natin ang bucket list natin ng paunti-unti,” nakangiti niyang sabi at hinawakan ang kamay ko.
Sabay kaming nag lakad papunta sa isang di kalakihang bahay. Sakto na ‘to sa isang pamilya at sa disenyo ay hango pa rin sa pinagawa niyang bahay.
“Sayo to?” tumango siya.
“Regalo ni papa yung lupa. Sayang naman kung matatambak kaya pinatayuan ko nang bahay,” naalala ko na. Ito siguro yung sinasabi ng papa niya na ipapamana sa isa sa kanilang magkakapatid.
“Mapera ka na pala. Sugar daddy?” pabiro kong tanong sa kanya bago tumawa. Sugar daddy. Naalala ko nanaman yun. Ang panahon nang akala nang iba na pineperahan ko siya.
“Matagal na sugar mommy,” kasabay ng pagpingot niya sa ilong ko.
Wala naman na akong magagawa. Nandito na kami kaya ienjoy nalang at sabay namin chichikan ang nasa bucketlist namin dalawa.