ALDRIN POV Tamang tama lang talaga na dinala ko ang mama ko sa bahay nila Joyce. Ilang araw na rin kasi niya akong hindi pinapansin at talagang nag resign pa siya sa kanyang trabaho para lamang wag nang makita ang pagmumukha ko. Pero sorry si Joyce, I am not the type of guy na kaagad sumusuko lalo na kapag gustong gusto ko talaga ang isang bagay. Mas matalino pa ako sa matsing. Mabuti na lang din at maayos na ang paghihiwalay naming dalawa ng ex wife ko. Ngayon na wala na akong kahit na isang problema, malayang malaya na akong makipag relasyon kay Joyce. Pumasok ako ulit ng sasakyan at dinala ko ang flowers kay Joyce. "Flowers for you! Sorry sa lahat ng nagawa ko Joyce, naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan ng galit mo at pramis, ito na ang huling beses na maglilihim ako sayo. P

