JOYCE POV Lunch break na sa office ng makapasok ako. Halos lahat ng mga tao sa office, nasa labas. Wala talagang isang natira. Siguro may pakain ang boss namin o isa sa mga ka trabaho ko kaya nasa labas silang lahat. Oh baka kaya naghihintay sila na Wala ako ngayong sa office kaya mayroong pakain. Pag upo ko sa area ko, bigla na namang sumagi sa isipan ko si Nathan. This place also reminds me of him lalo na't sa tuwing birthday ko ay nandito siya, hinahatid ang cake ko. Mas kinikilig pa nga siya sa akin lalo na't sabi niya noon ay gandang ganda siya sa akin lalo na kapag naka uniform ako. Pati pala birthday ko, si Nathan pa rin ang unang pumapasok sa isipan ko. Pero etong office, matagal din ako rito at siguro tama lang na magpaalam na ako. Hindi naman kami mayaman pero may work ex

