JOYCE POV Sunday morning, maaga akong nagising. Sobrang excited lang ako sa araw na ito dahil ma me meet na ni Mama ang parents ni Aldrin. Pero inilihim namin ang lahat kay papa at sinabi namin na mayroon kaming kikitain na kaibigan ni mama. Nasa kwarto ako at tinitingnan kong maigi ang red dress ko. Kailangan na maging representable ako sa mama ni Aldrin dahil first impression ang madalas na tumatatak sa ibang tao. At ayaw ko namang mag mukha akong losyang kapag kaharap ko sila. Pati nga si mama, sinuot din niya ang mga pekeng alahas na binili namin sa divisoria nitong nakaraan. Hanggang dito lang naman ang afford namin. Kung ako naka red dress, siya naman naka blue dress. Alam na alam ko na kung kaynino talaga ako nag mana. Habang kinakabit ko ang earrings kong diamond, bigla nama

