Part 1

4327 Words
It's a fine afternoon at the Polytechnic University of the Philippines. All of the college students are heading their way out of the campus. Katatapos lang ng mid-term examination ng mga BSA students kaya abala ang mga itong pag-usapan ang kahirapan ng kanilang exam. One of this group of students is Ysabelle along with her four other friends. Imbes na isipin pa ang makaubos dugong exam nila'y nagbalak na lang silang gumala sa Farmers at mag-window shopping para na rin makasipat ng mga bagong labas na pocketbooks sa paborito nilang bookstore sa first floor ng farmers' plaza. Habang naglalakad sa kahabaan ng kalye ng Teresa patungo sa sakayan ng dyip, kasalukuyan siyang kinukulit ng ubod nang kulit na kaibigan at classmate niyang si Lorraine na ang patok na dyip ang sakyan nila. Ang tinutukoy ng kaibigan niya ay ang sobrang bilis na bumi-biyaheng pampasaherong dyip. Yung tipong mabilis na pagewang-gewang ang pagpapaandar ng driver sa dyip nito upang maiwasan daw ang traffic. "Rain, Yoroshiku!" pasigaw niyang sabi habang sabik na pinara ang dyip upang makasakay sila ng mga kaibigan niya. Ang Yoroshiku ay isa sa mga tinatawag na patok na dyip. Nalalaman nila iyon sa pamamagitan ng pagtingin sa signboard na nakalagay sa unahang bahagi ng dyip. Paborito nilang pumwesto sa duluhan ng dyip sa may bandang entrance. Ayaw nilang sumakay kung occupied na ang naturang puwesto kahit pa iyon ang inaabangan nilang dyip dahil ang katwiran nila'y hindi rin naman sila mag-e-enjoy kung sa gitna sila nakapuwesto. Dama kasi nila ang bilis at ang bawat pagpalo kaya naman talagang nasisiyahan sila. "Ang galing mo naman, Ysabelle. Nalaman mo agad na Yoroshiku 'to? Ang hirap kayang basahin ng pangalan." ani Lorraine nang makasakay at makapuwesto na sa pinakamamahal nilang dyip. "Siyempre, ako pa! Expert ata 'to." pagmamalaki niya. Ngumiti naman si Lorraine bilang pagsang-ayon. Hindi na ito pumalag dahil nasunod ang pinakahihiling nito sa kanya kanina. "Ano ba'ng mayro'n sa dyip na 'to? Tsaka ano'ng patokang sinasabi niyo?" curious na tanong ni Lui-gi sa kanila na sa kanya nakatingin. First time kasi nitong maranasang makasakay sa ganoong dyip kaya hindi pa nito alam ang feeling. Papuntang Divisoria kasi ang way nito kapag pauwi ito na kabaliktaran ng sa kanila dahil papuntang Cubao ang dyip na sinasakyan nila na dumadaan sa kahabaan ng Aurora Boulevard. "Basta, malalaman mo rin. Sa ngayon, magbayad ka na muna." aniya rito. Wala siyang barya at wala siyang balak magbayad ng buo dahil malamang sa malamang ay magpapalibre na naman sa kanya ang mga ito. Nang magbayad ng buong isandaan si Lui-gi ay inabot niya rito ang nauna ng bayad ni Lorraine at ni Nickie--ang isa pa sa mga kaibigang kasama niya. And as usual, siya at si Sharmaine na naman ang pinakahuling magbabayad. Nagsabi si Sharmaine sa unang ibayad muna ito dahil wala raw itong barya. Pumayag naman ito kahit parang labag sa loob nito. Kinuha niya mula sa kamay ni Sharmaine ang buong isandaang piso at iniabot sa lalaking nakaupo sa tabi ng driver na nagsisilbing "cashier" nito. "Bayad po! Limang Cubao!" nakangiting sigaw niya. Nang mapagtanto ang sinabi niya'y inagaw ni Lui-gi ang pera at ito na ang nag-abot ng bayad sa "cashier" ng dyip. Sinabi nitong apat lang ang kasama sa bayad at hindi siya kasama. Sa ginawa nito'y tumayo siya at iniwan ang puwesto niya sa dulo. Kinontra niya ang sinabi nito at pinilit ang mamang pinag-abutan nila ng bayad na lima ang ibawas sa isandaan habang tumatawang pinipigilan ang kaibigan niyang nagsisisigaw sa patuloy na pangongontra sa sinasabi niya. Sa huli'y sumuko na rin ito dahil sinabi ng lalaki na wala pa raw itong panukli dahil sila pa lang ang pasahero roon. "May utang ka sa'kin, ha?" anito sa kanya pagkabalik nila sa mga inuupuan nila. "Oo na." sabi na lang niya kahit na wala siyang balak magbayad. Ayaw na siya nitong pautangin dahil noong minsan siyang mangutang ay pahirapan siyang siningil nito kaya hindi na siya nakaulit dito. Tatawa-tawa sa kanila ang mga kasama nila pati iyong driver at ang "cashier" nito. Nang mapatingin siya sa dako ng driver ay napasinghap siya sa pagkabigla. Driver ba talaga 'yon?sabi ng isip niya. Hindi kasi ito mukhang driver bagkus ay mukha itong artista o kaya'y isang modelo. Medyo may shade ng brown ang tuwid nitong buhok. Chinito ito, matangos ang ilong at maputi. Maganda rin ang makakapal nitong kilay. Manipis ang mapupula nitong mga labi. Parang may kakaiba sa mga mata nito. Hindi lang niya alam kung ano iyon pero may kakaiba talaga. At isa lang ang masasabi niya sa mga mata nito... very captivating! Nagpatuloy siya sa pagsusuri rito. Napansin niyang maganda rin kutis nito kung ikukumpara mo sa katabi nito. Walang-walang binatbat. Para pa nga'ng mas makinis pa ito kaysa sa kanila ng mga kaibigan niya...at maputi pa! At ang suot nito... kahit simpleng t-shirt at maong shorts lang ang suot nito ay parang ang bangu-bango nitong tingnan. Bukod sa mukhang malinis ito ay napakaguwapo talaga nito. At kung hindi lang ito nakaupo ngayon sa driver's seat ng isang dyip ay iisipin talaga niyang artista ito. "Hoy, Ysabelle! Bakit bigla kang natahimik? Parang kanina lang ay ang ingay-ingay at ang gulo-gulo mo tapos natitigan mo lang si kuya..." nabitin sa ere ang sasabihin nito nang mapatingin din si Rain sa driver. Kakikitaan mo nang pagkagulat at amusement ang mukha nito. "Oh, my god. s**t! Ang guwapo ni kuyang driver!" impit na tili nito sa kanila. Napatingin naman ang iba pa nilang kasamahan sa tinutukoy nito. Napatili ang mga kasama niya nang makita ang driver. Maliban na nga lang kay Lui-gi na napailing lang. "Oo nga, 'te! Nakakakilig naman!" sigaw ni Sharmaine. "Mukhang artista o kaya model!" dagdag ni Nickie. Napailing na siya. Pati kasi si Nickie na hindi mahilig sa boys ay nagawang akitin ng lalaking ito. Lalo pang napatili ang tatlo nang tingnan ang mga ito ng lalaki. Kumindat pa. Natatawa na lang sila ni Lui-gi na kung hindi naging lalaki ay malamang na tinilian din nito ang lalaking driver. Hindi naman sa hindi siya attracted dito, wala lang siyang panahon para makisali sa mga ito at hayagang hangaan ang kaguwapuhan nito. Wala kasi siyang mapapala kung papangarapin niya ang lalaking ito. Driver lang kasi ito. Hindi naman sa minamaliit niya ang trabaho nito pero may mga pangarap kasi siyang gustong matupad na hindi kayang ibigay sa kanya ng driver lang na ito. Kahit na pangarap niyang magkaroon ng asawang guwapo ay hindi naman niya papangaraping makaasawa ng kasingguwapo nga nito pero halos kasing hirap naman ng isang daga. No, thanks. aniya sa isip. "Hoy, Ysabelle! Nakikinig ka ba?" tawag ni Lorraine sa atensiyon niya. Naglalakbay na naman kasi ang isipan niya. Sa kanya nakatuon ang atensyon ng mga kaibigan niya. "Tinatanong ni Zack 'yong pangalan mo." "Sino'ng Zack?" takang tanong niya habang palinga-linga sa paligid. "Si kuyang driver!" kinikilig pa ring sabi sa kanya ni Sharmaine. Napatingin siya sa gawi ng driver sa mahabang rearview mirror nito. Nakangiti ito sa kanya. No wonder he had caught the attention of his most conservative friends. He possessed a face and a smile that would loosen the garters of every girl's undie. Killer smile kumbaga. Zack. Nice name huh? "Zack pala ang pangalan niya. So, paano niyo siya nakilala?" curious na tanong niya sa mga ito. Umaandar na ang dyip nila kahit lima lang silang pasahero. "They asked him." bored na sagot ni Lui-gi. Tiningnan lang ito ng tatlong babae. "Talaga? Nagawa niyo 'yon?" "Bakit. Saan ka ba galing at parang hindi mo alam?" tanong sa kanya ni Nickie. "Mind-strolling" matipid na sagot niya. Napairap sa kanya ang mga kaibigan. Siya kasi ang pinakawalang-kuwentang taong tatanungin kasi wala siyang kuwentang sumagot. Hinding-hindi makakakuha ng kahit anong impormasyon ang sinumang taong magtatangkang magtanong sa kanya. Maliban na nga lang kung sisipagin siyang magtino nang pagsagot. "So, ano na? Inaantay ka niyang magpakilala." balewala ni Sharmaine sa naging sagot niya. "Ako? Bakit ako nasama sa kalokohang ito? Kayo lang naman ang may gusto r'yan" "He asked for your name, Ms. Pakipot." "Wala naman siyang tinatanong. Atsaka sinong pakipot?" "Ako. Ako ang pakipot." sabad ni Lui-gi sabay irap. Natawa siya. Minsan talaga gusto niyang isipin na kasapi rin ito sa "pederasyon". "He asked for your name twice pero hindi ka nakikinig." "Oh, really?" tiningnan niya ang driver na ayon sa mga kaibigan niya'y "Zack" daw ang pangalan. "Hi! Sorry for not paying attention on you a while ago. Anyway, I'm Ysabelle. Nice to meet you!" aniya pagkatapos ay kumaway pa siya. Bumaling siya sa mga kaibigan niya. "Happy?" Tiningnan siya ng mga ito na kababakasan ng paninisi ang mga mukha. Nanahimik na lang ang mga ito at hindi na siya kinibo. Nagtatakang inabala niya ang sarili sa pagmamasid sa mga sasakyang nakasunod sa dyip na sinasakyan nila. "Hindi mo dapat ginawa 'yon." ani Lorraine pagkababa nila ng dyip. "What?" "Ininsulto mo 'yong tao." "Oo nga." sabay na segunda ni Nickie at ni Sharmaine. "What did I do?" aniya tinuro pa ang sarili. "Alam mong driver lang 'yong tao, binanatan mo pa ng Engish." sabi ni Lorraine habang naglalakad sila patungong Escalator. Pababa sila sa 1st floor. Dumaan kasi sila sa MRT Station kaya nasa 4th floor agad sila. "Ikaw pa naman ata 'yong type." Nagulat siya sa sinabi nito. "Ako? Nasisiraan ka na ba? Kayo lang naman 'yong nakipaglapit do'n kaya paano niya ako mapapansin, eh hindi naman ako lumapit sa kanya. Hindi rin naman ako nagpa-cute." "Sa'yo po kasi nakatingin, 'te. Heto na si Rain na halos i-alay ang buong kaluluwa pero hindi pa rin siya pinansin." ani Sharmaine na pinatotohanan ang sinabi ng una. "Urur. Ako lang ba? Kayo nga rin, eh. Kahit pantal lang yang iyo--" kontra ni Lorraine sa sinabi ni Sharmaine na kinontra naman ni Nickie. "Hoy, ang mean mo. Kahit pantal lang 'to wala kang karapatang laitin 'to." anang huli na ang tinutukoy ay ang hindi kalakihang dibdib nito. "Tumigil na nga kayo. Parang lalaki lang, pinagtatalunan niyo pa. Eh, wala naman kayong binatbat sa akin." pagmamayabang niya. And that is true. Among the four of them, hers are really big and proud pero sumunod lang ang sukat noon kay Lorraine. Masasabi rin namang maganda siya sa totoong kahulugan. Lahat naman silang magkakaibigan ay pulos magaganda ngunit kulang-kulang nga lang kung minsan. "Ayan. Ayan! Umandar na naman ang kayabangan at kamanyakan mo." Nagkatawanan na sila. "Kaya ka siguro type ni Papa Zack." "Hay Naku. Tigilan n'yo nga ako. Hindi ko iyon type, 'no? Kaya sa inyo na!" Kinumpas-kumpas pa niya ang kanyang mga kamay na parang may tinataboy. Bigla naman sumeryoso ang mga ito. "Girl, mukhang na-offend mo siya. Mag-sorry ka." pakiusap ng mga ito sa kanya. "Bakit pa? May plano pa ba kayong makita ulit 'yong lalaking 'yon?" "Oo naman ano? Hindi namin palalagpasin ang mga pagkakataong masulyapan ang isang guwapo at yummy driver na iyon." Tinamaan ng kulas nga naman na mga kaibigan niya at talaga ngang may balak magpa-cute ang mga ito sa driver na iyon. "Kaya please lang, Ysabelle. Mag-sorry ka, ha?" "Kayo lang naman ang may balak magpa-cute sa lalaking iyon 'di ba? Bakit kailangan niyo pa akong idamay sa kalokohan ninyo? Hindi naman kayo 'yong nang-insulto 'di ba?" "Kahit na. Mamaya isipin niya, hindi ka namin pinagsasabihan at isipin niya pang tino-tolerate ka namin." Baliw na nga ang mga kaibigan niya. Mas inisip pa ng mga ito ang magiging judgement sa kanila ng Zack na iyon kaysa sa kanya na wala naman talagang intensyon na manlait ng kung sinumang herodes na nabubuhay sa mundo. "Bakit. Hindi ba?" pamimilosopo niya. "Sige na naman, Ysabelle. Isa lang." patuloy na pangungulit ni Lorraine sa kanya. Napailing siya. Talaga nga sigurong interesado ang mga ito sa lalaking iyon. "Fine." sambit niya. Itinaas pa niya sa ere ang kanyang mga kamay tanda nang pagsuko. Biglang umaliwalas ang mukha ng mga ito. Halata ang labis na kaligayahan. Sinabi niya sa mga ito ang laman ng kanyang isip. "Ang wi-weird n'yo." TUESDAY. Nagmamadali si Ysabelle na sumakay ng dyip dahil male-late na siya. Mayroon pa naman silang practical test sa Physical Education ngayon. "Bayad po--" natigilan siya nang ang pamilyar na "cashier" ang nakita niyang mag-aabot ng kanyang bayad. Nakapuwesto siya ngayon sa likod ng driver. Ganoon siya kapag papasok pa lang siya sa school, hindi siya umuupo sa dulo. Napatingin siya sa driver's seat at ganoon na lang ang bilis nang pagtibok ng kanyang puso nang makita ang guwapong driver. Nagkatinginan sila sa salamin. "Hey! Sorry about--I..m-mean--A-ang ibig kong sabihin, Sorry do'n sa ginawa ko no'ng nakaraan. Hindi ko naman intensyon na--" "It's fine." nang tila ma-realize nito ang sinabi nito'y agad nitong dinugtungan iyon. "A-ang ibig kong sabihin, wala 'yon." napansin siguro nito ang pagtataka niya kaya nagpaliwanag ito. "Marunong naman akong umintindi ng English kahit papa'no kaya kung iniisip mong nainsulto ako. Don't. A-ang ibig kong sabihin ay kalimutan mo na 'yon." naiiling-iling ito dahil parang hindi nito alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Nanahimik na ito. Hindi nga naman talaga mukhang offended ito. Nanahimik na rin siya. Naabutan sila ng stop light kaya nakahinto sila. Nang tingnan niya muli ito ay napansin niyang nakatitig ito sa kanya mula sa salamin. She moved her gaze and tried to put her attention on the cars outside the window. Umusad na ang dyip nila na huminto sandali sa may Quezon Avenue para mag-abang ng pasahero. She was curious and at the same time, amused. Curious because there is something weird about him. She just couldn't point it out. And amused with the fact that he has a good accent and he doesn't look dumb. Kahit sa simpleng pag-english nito'y parang mas magaling pa itong mag-english sa kanya. Hindi ito mukhang bisaya. Hindi kagaya ng katabi nito at ng iba pang mga jeepney driver. Mukha talaga itong mayaman. At ang boses nito parang...ang yummy! Bagay nga rito ang boses nito. Pareho silang yummy. "Ganda, hindi ka pa ba bababa?" nakatingin sa kanya si Zack at ang katabi nito. "H-ha?" gulat na tanong niya. It is already her hobby to analyze persons and things. Madalas ay naglalakbay ang utak niya kapag napapalalim na ang analyzation niya kaya natural na ang reaksyon niyang magugulatin kapag pinupukol ang atensiyon niyang mahilig mag-explore. "Baka kako gusto mo nang bumaba. Nasa PUP na kasi tayo." "G-gano'n ba? Sige. Salamat." Isinukbit na niya ang bag niya sa balikat niya at bumaba na. Bahagya niyang tinapik ang kanyang noo. Me and my imagination. Pumalatak siya. "Take Care, Ysabelle." paalam sa kanya ng binata. Tumango na lang siya pero hindi niya ito nilingon. "YSABELLE! Excited na akong umuwi." bungad sa kanya ni Lorraine nang makarating siya sa gym na pinagdadausan ng PE nila. Tinaasan niya lang ito ng kilay. "Sinubukan kong tiyempuhan si PapaZack kaso hindi ko talaga siya matiyempuhan kanina. Traffic kasi at baka ma-late ako." "Praning ka na. Driver lang 'yon, ne." aniya pagkababa ng bag niya sa bleecher. Hindi na niya binanggit dito ang pangyayari kanina sa may dyip noong papasok siya. "Mas okay pa si Sir Wilter do'n, eh." hirit pa niya na ang tinutukoy ay ang super crush nitong educator nila sa PE na humahalili sa professor nila kapag wala ito. Umungol ito. "Wala namang binatbat kay Papa Zack 'yon, eh! Ang supla-suplado pa!" Pinaikot niya ang kanyang mga mata. "Eh, iyon naman ang nagustuhan mo hindi ba?" "Oo nga pero--" "Pakakasalan ko siya." banat nang kakalapit lang na si Sharmaine sa kanila. Hindi siya sigurado kung ang tinutukoy nito ay si Zack o si Kevin na nakilala nito sa detention nang minsang mawala ang registration form nito. Kinailangan kasi nitong mag-assist sa isa sa mga offices sa kanilang university bilang parusa nito at nakilala nga niya ang huli sa Records Retrieval Section kung saan ito nagdyu-duty. "Hell, you're desperate! Ano ba'ng nangyayari sa inyo? Ginayuma ba kayo ng lalaking 'yon? Ako na lang ba ang natitirang normal sa mundong ito?" eksaheradong sabi niya at bumaling sa papalapit na ring si Nickie. "'wag mong sasabihing pati ikaw rin at baka layasan ko na kayo." Natigilan siya nang mapunang parang may sapi ito. Nakatulala kasi ito at hindi umiimik. At kapag ganoon ang hitsura nito'y lalaki lang ang nag-iisang dahilan. "Napa'no ka?" "She saw her first love with his girlfriend." sinagot ni Sharmaine ang tanong niya. "Ikaw talaga, Kimai." Napabuntung-hininga siya. "Ano na ba'ng gagawin ko sa inyo? May sapi na kayong lahat. Ako na lang ang natitirang normal. Makaka-survive pa ba ako?" exaggerated na namang banat niya. Dinagukan siya ni Lorraine. "Gaga. Ang OA mo, ha? Ikaw ata ang abnormal, eh. Lahat halos ng babae rito sa campus natin pinag-uusapan ang yummy driver na iyon. At lahat ay nahuhumaling sa kanya ikaw lang ang hindi." Hinampas niya ito. "Aray!" "Makadagok kasi, eh. Para na rin magising ka sa katotohanan. At hindi lang ako ang hindi attracted sa lalaking iyon. Si Kimai din 'no?" "At least si Kimai, kayang ma-in love. Eh, ikaw?" "Eh, sa hindi pa ako na-iinlove, eh! Bakit ba?" "Ang sabihin mo frigid ka! Yelo 'yang puso mo!" "Hoy, below the belt na 'yan, ah!" napipikong sabi niya. "Tama na nga 'yan! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao rito. Ano ba kayo? Para kayong mga bata." saway sa kanila nang natauhan nang si Nickie. "Opo. Mother Superior." pang-aasar niya rito. Natawa siya nang panlakihan siya nito ng mata. "Kimai, ano nga palang problema mo kay Jacob?" aniya na ang tinutukoy ay ang inaasar nila ditong "first love" nito. "Isa pang 'Kimai' mo sa'kin, lalapain na kita." iritadong banta nito sa kanya para ibahin ang usapan. Ayaw kasi nitong tinatawag itong "Kimai". Ang pangalan kasi nito ay Nickie Mae pero ang nakalagay sa birth certificate nito ay Nickie Mai kaya mula nang malaman nila iyon ay ito na ang pinang-aasar nila rito. Itinaas niya ang dalawang kamay niya. "Oops! Hindi po ako lalaban!" sabay takbo dahil hinabol siya niyo. Tatawa-tawa siya habang lumalapit sa professor nilang tumawag sa kanila atensyon nila. "Creative dancing ang PE natin, Miss Gomez, at hindi habul-habulan." sabi sa kanya ng professor nila. Nakita kasi nitong nakikipaghabulan siya kay Nickie. "Sorry, Ma'am. Don't worry. It won't happen again." "It'd better be." Tumango siya bilang pagsang-ayon. "As I was saying..." Nagdiscuss pa ang professor nila. Tabi-tabi silang apat na magkakaibigan habang mahinang bumubungisngis at nagsisisihan. Pagdating ng 7:30 nang gabi, dinismiss na sila ng last subject teacher nila. Excited na naman si Lorraine. "Baka pagalitan ka na naman ng Mommy mo." paalala niya rito nang sabihin nito ang balak na pag-antay sa dyip ng guwapong driver na si Zack. "I won't mind. Basta ang importante'y makita ko si Zack." desididong sagot nito. "Bahala ka. Pero paano sina Sharmaine at Kimai--este Nickie pala?" sabi niya nang mapansing ready na naman ang huli na lapain siya. "We don't mind. Do you?" "Yes." sagot niya. "E'di mauna ka na." sabi sa kanya ni Sharmaine. "Okay." akmang sasakay na siya sa isa sa mga dyip nang pigilan siya sa bag ng mga ito. Palibhasa'y malalaking babae sina Lorraine at Sharmaine at sila lang ni Nickie ang maliit ay madali siyang nahila ng mga ito pabalik. "Where do you think you're going?" tanong sa kanya ni Lorraine. "Home? Hindi ba sabi niyo mauna na ako? Im just following orders." "May ipinangako ka sa amin." "Na ano?" nagtatakang tanong niya sa mga ito. Wala kasi siyang natatandaan na ipinangako niya. "Ang sabi mo mag-a-apologize ka kay Zack 'di ba?" "Oh, that." humalukipkip siya. "Eh, kung sabihin ko sa'yong nag-sorry na ako?" "When?" "Kanina." "I don't believe you." "E'di itanong n'yo sa kanya." Alam niyang hindi sila maniniwala sa kanya kaya pinabayaan na lang niya ang mga ito. Wala naman siyang magagawa kung ayaw talaga siyang paniwalaan ng mga ito. May pagkasinungaling din kasi siya kaya ayaw na siyang paniwalaan ng mga kaibigan. Kailangan muna niyang magpakita ng ebidensiya bago sila tuluyang maniwala sa kanya. "I will." sabi nito. "Do whatever you please. I don't care." "Hello, Ganda." bati sa kanya ni Zack nang makalapit ang dyip nito sa kanila. Dinedma niya ito. "Hoy, kinakausap kayo. Pansinin niyo." aniya tapos ay sumakay na ng dyip. "Ano? Sasakay ba kayo o tutunganga na lang kayo r'yan?" sabi niya sa mga kaibigan nang mapunang hindi sumusunod sa kanya ang mga ito. "Bilis-bilisan n'yo nga." "Zack, pagpasensyahan mo na si Ysabelle, ha? May PMS kasi siya ngayon kaya ganyan 'yan." pagpapa-cute dito ni Lorraine. "Hoy, ano pa'ng hinihintay ninyo? Sakay na!" sigaw niya sa mga ito. "Okay lang sa'kin basta si Ysabelle. Sumakay na kayo baka matakot pa ang mga customers ko sa kaibigan niyo." wika ng binata na halatang pinariringgan siya. "Ano'ng sabi mo?" mataray na pagpapaulit niya sa sinabi nito. "Wala po, ma'am. Sabi ko po, ang ganda-ganda niyo para magsungit." Nagtilian naman ang mga aning na kaibigan niya. Maging ang iba pang mga pasahero nito'y nakitili at nakikantiyaw sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng kaunting kilig. Parang gustong tumalon ng puso niya palabas lalo na noong tingnan niya ang binata upang irapan at nakita niyang ngiting-ngiti ito habang pinagmamasdan siya na waring pinanonood ang magiging reaksyon niya. Inirapan niya ito nang kumindat ito sa kanya. Naramdaman niyang nag-iinit ang mga pisngi niya. "Ysabelle, alam mo bang hindi kami talagang interesado kay Zach?" mahinang sabi sa kanya ni Lorraine. "Nililigawan lang namin siya para sa'yo. Napansin kasi naming bagay kayo. Saka bihira ang lalaking makakakuha ng atensiyon mo." Bigla siyang nagseryoso. Hindi niya dapat sakyan ang mga ito. May mga pangarap siya at ayaw niyang masira iyon nang dahil lang sa driver na ito. "Tumigil na nga kayo. Wala akong panahon sa mga trip niyo." Hindi na siya ngumingiti kaya tumigil na ang mga ito. Nahagip ng tingin niya si Zack. Napansin niyang hindi na rin ito ngumingiti. Hindi na rin niya makita ang kinang ng mga mata nito na una niyang nasilayan noong una niya itong makita. Parang nakaramdam siya nang bigat ng pakiramdam. Parang biglang nagalit ito. Pero bakit? Napansin niyang may papatawid na sasakyan sa harapan nila. Biglaan tuloy ang ginawang pagpreno ni Zack kaya halos lahat ng pasahero sa dyip ay nagreklamo nang sumubsob ang mga ito sa unahan. Not her. Kapit na kapit kasi siya sa hawakan ng dyip. "s**t!" narinig niyang mura ni Zack. Hindi katulad ng typical driver na kapag nabangga ay PI ang gagamiting mura. Hmm.. may breeding..Nakita niyang nabangga ng dyip nito ang tagiliran ng pulang Vios. Galit na lumabas ang may ari ng pulang sasakyan at akmang susugurin si Zack pero natigilan ito nang makita ang huli. Napakunot noo siya nang makitang tinakasan ng kulay ang lalaking may katandaan na. "MAY problema ba?" ani Zack pagkalabas niya ng dyip na minamaneho niya. Napansin kasi niyang susugurin siya ng matandang lalaking nabangga niya pero kilala niya ito kaya nagpasya siyang lumabas para kausapin ito. "A-ah. Wala 'ho, sir! Okay lang po ang sasakyan ko. Ipapakiusap ko lang 'ho sana na kung maaari po ay wag na kayong magsampa na kaso laban sa akin. Ako 'ho ang mali." pakiusap sa kanya ng matandang lalaki. Napangiti siya. Wala na pala siyang problema. Isa kasi ang matandang ito sa mga taong nagtatrabaho para sa kanila ng kanyang ama. Papasok na dapat siya ng kanyang dyip nang pigilan siya ng isang MMDA. "Boss, pwede ko ho bang makita ang lisensya natin?" magalang na tanong nito. Pero kababanaagan ng pananakot ang tono nito. "I will let you see my license but please, make it fast. If you don't want to lose your job." nagbabantang saad niya rito. Hindi niya kasi maiwasang itago ang tunay niyang pagkatao kapag nakakaharap niya ang mga taong matataas ang tingin sa mga sarili nila. "Aba't ang yabang mong driver ka, ah! Baka gusto mong ipa-impound ko 'yang dyip mo!" galit na banta sa kanya ng MMDA. Inaasahan na niya ang ganitong reaksyon mula rito marahil ay hindi nito matanggap na may nambabastos ditong driver lang ng dyip kaya ganoon na lang ang reaksyon nito. Tiningnan niya ang matandang nabangga niya sa paraang nagsasabi na idispatsa na nang maaga ang feeling pulis na ito bago pa siya mapundi. Because honestly, he's starting to get pissed. "Sir, kung ako sa inyo, hindi ko na papatulan 'yan." babala rito ng matanda. "Bakit sino ba itong hudas na ito para mag-angas dito? Driver lang naman siya, ah!" galit na sigaw ng MMDA. Pinakita niya ang ID at lisensya niya rito. Natigilan ito at biglang namutla. "Sorry 'ho." nahihiyang paumanhin nito. "Pwede na 'ho kayong umalis." Tinanguan niya ito. "Thank you." umibis na siya sa dyip niya. NAGTATAKA si Ysabelle kung bakit iba iba ang naging reaction ng dalawang taong nakausap ni Zack. Nakita niyang galit na lumabas ang matandang lalaki mula sa kotse nito pero nang makita na nito ang binata ay biglang parang naduwag ito. Ganoon din ang MMDA na kanina lang ay galit na galit dito na parang gusto itong undayan ng suntok pero nang makita ang kung anuman ang ipinakita rito ni Zack ay parang biglang naglaho ang tapang nito at sa halip ay parang natakot pa ito. Ano ba'ng ginawa ng lalaking ito at parang takot na takot ang dalawang lalaki sa kanya. Tinakot ba nitong ipapaabang sa gang nito kung mayroon man. O nagiging halimaw ang guwapong mukha nito na hindi niya nakikita kasi nakatalikod sa kanila ang binata? Pero agad niyang pinalis sa isip niya ang na-imagine na hitsura nito nang humarap na nga ito para sumakay na ulit sa dyip nito. Who could ever think of that handsome face as a terrifying monster? "Everything's fine." Ewan niya kung ang sinasabihan nito ay silang mga pasahero nito o siya dahil sa kanya lang ito nakatingin. Sabay-sabay na napabuntung-hininga ang mga kasama nilang pasahero. Napataas ang kilay niya nang mapansing nagpapa-cute dito ang limang babaeng nakaupo sa likuran nito. Umirap siya. Hindi niya napansing nakatingin pala ang binata sa kanya at nakita nito ang ginawa niyang pag-irap sa mga babaeng nagpapa-cute dito. Ngumiti ito saka umiling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD