Prologue

2335 Words
Now playing: When I Met You - KC Conception Irish POV  "Oh, anak, kumusta ka na ba? Hindi ka na tumatawag sa amin. Aba'y nag-aalala na kami sa'yo!" "Ayos lang naman ho ako, ma. Pasensya na, medyo nabubusy lang nitong mga nakaraang araw." Pagsisinungaling ko. "Kayo ho? Kumusta na po ba kayo riyan?" "Maayos naman. Kaso heto, napatawag nga pala ako dahil kailangan sana ng kapatid mo ng pera. Eh nagre-request ng bagong sapatos para sa basketball nila." "Eh di ba ho nabilhan ko na siya nakaraan? Baka naman pwede pa po iyon ma." "Naku eh, pagbigyan mo na. Alam mo naman iyong kapatid mo, baka magtampo. Isa pa, kailangan din ng papa mo ng gamot. Napapadalas na naman kasi ang pagsakit ng tuhod niya." "Ah ganun ho ba? O-osige ho, magpapadala ako. Pero baka sa makalawa pa ho. Ayos lang ho ba? Hindi ko pa nakukuha ang sweldo ko para sa buwan na ito eh. Basta kapag meron na magpapadala ako kaagad." "Osige anak. Hihintayin namin. Mag-iingat ka d'yan ha?" Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang naputol ang linya. Hindi ko mapigilan ang mapapikit sa sobrang pagkadismaya. Kasabay ang isa-isang pagpatak ng aking mga luha. At saan ko naman kukunin ang pambili ng sapatos ng kapatid ko at gamot ng papa ko? Aber? Tumatawag lang sila kapag kailangan nila ng pera. Pero hindi man lang nila tinanong kung kumusta na ba ako? Nakakatulog pa ba ako ng maayos o nakakakain sa tama sa oras? Minsan talaga, napapaisip ako kung bakit sila ang naging pamilya ko eh. Panay pera at sarili lang nila ang iniisip nila. Hindi naman ako tumatae ng pera rito sa Manila eh. Lalo na ngayon, unemployed na ako. Hindi ko na pinaalam sa kanila na umalis na ako sa pinagtatrabauhan ko dahil sa manyakis na amo namin. Huh! Hindi bale nang maghirap ako kaysa magpagamit sa katulad niya. Sa badtrip ko eh mas pinili ko na lang ang maglakad. Eh kahit naman gustuhin ko ang sumakay, hindi ko magagawa dahil wala naman na ako kahit pamasahe. Literal na pulubi na talaga ako. Natigilan ako sa paghakbang at napayuko sa suot kong sapatos. Awtomatikong namilog ang mga mata ko noong makitang humiwalay na ito sa talampakan niya. Kung minamalas ka nga naman, oo. "Bakit naman ngayon ka pa nasira?! Hayst!" Himutok na reklamo ko sa aking sarili bago ito hinubad at itinapon sa gilid. Bukod kasi sa wala na akong pampaayos, eh sigurado ako na wala na ring may gusto pa na ayusin ito. Butas butas na rin kasi at warak na. Kaya kahit pinagtitinginan ng iilang nakakasalubong ay nagpatuloy pa rin ako sa paglakad. Hanggang sa bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumakbo at agad na naghanap ng masisilungan. Ngunit sa hindi inaasahan ay noon naman ako natalisod at kaagad na sumubsob sa sahig. Sa halip na bumangon at tulungang itayo ang aking sarili ay bigla na lang akong napangawa. "Lintik na buhay 'to!" Muling humutok ko habang parang batang ngumangawa. Wala na akong pakialam pa kung pinagtitinginan na ako ng iba. "Bakit naman ganito? Pwede bang kunin mo na lang ako, Lord? Waaaahhhh!" Umiiyak pa ring sabi ko. "Hindi ka kukunin ni Lord, kasi bata ka pa." Bigla akong natigilan sa aking pag-iyak noong marinig ang lalaki na nagsalita mula sa aking likuran. Halatang lasing ito dahil meron pa siyang bitbit na buti ng gin. Mabilis pa sa alas kwatro na napatayo ako. Kahit na ramdam ko ang hapdi sa aking tuhod mula sa natamong sugat sa aking pagkatalisod, ay pinilit ko ang maglakad ng mabilis makalayo lamang kaagad sa lalaking iyon. "Miss! Teka, sandali naman. Hintayin mo ako!" Sigaw nito habang sinusundan pa rin ako. Tumakbo ako sa pinakamabilis na kaya ko. Ngunit dahil sa paika-ika akong maglakad kaya naabutan niya ako. Kaagad na nahawakan niya ako sa aking braso at walang alinlangan na hinila-hila. "Miss, makikipag-inuman at kwentuhan lang ako sa'yo. 'Wag ka nang pakipot d'yan." "B-B-Bitiwan mo ako!" Pilit na nagpupumiglas ako sa kanya kahit na ang totoo'y nanginginig na ako sa takot. Wala na kasing masyadong tao ang dumadaan dito sa area kung saan niya ako naabutan. "Wag ka nang pumalag pa." Nakita kong napangisi ito at parang manyakis na pinasadahan ako ng tingin sa aking kabuuan. Hindi ko napansin kung saan nanggaling ang kanyang kamao nang bigla ako nitong sinikmuraan. Napaubo ako ng maraming beses dahil sa sakit na aking natamo. Kahit na ganoon ay sinubukan ko pa ring makawala sa kanya. Ubod ng lakas na itinulak ko siya papalayo sa akin at muling tumakbo pero kaagad na naabutan niya na naman ako. Nahawakan niya ako sa aking buhok. At agad na hinila ako pabalik sa kanya. "Yan ang mga gusto ko, 'yung mga palaban." Parang nag-e-enjoy pa siya sa kanyang ginagawa. Nakita kong may hinugot siyang balesong mula sa suot niyang pantalon. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang pagkintab nito mula sa ilaw na nagmumula sa may hindi kalayuan. Akmang sasaksakin na sana ako nito noong may biglang bigbike na huminto sa tapat namin. Sa bilis ng pagpapatakbo nito at sa lakas ng kanyang pag preno ay parehas kaming tumilapon ng tarantadong lalaki, dahilan para mabitiwan niya ako. Mabilis na bumaba ang sakay nito bago hinubad ang helmet. Laking gulat ko noong makita ko na babae pala ito. Hindi ko iyon kaagad nahalata dahil nakasuot siya ng helmet kanina. "I'm sorry, I'm late." Wika nito na animo'y kakilala niya ako. Habang nakatutok lamang ang mga mata sa akin. Hindi ko maiwasan ang hindi mapanganga at mapatulala sa kanyang mukha. Hindi kasi pangkaraniwan ang taglay nitong kagandahan. Para siyang isang bidang babae sa mga napapanood kong action movies sa TV. Tumayo iyong lalaki na merong hawak na balesong at susugurin sana siya nang mabilis niya itong sipain sa dibdib. Grabe! Ang cool niyang tignan lalo dahil ang haba ng legs niya. Pagkatapos noon ay walang alinlangan na hinampas nito ng helmet ang lalaki sa kanyang mukha. Dahilan para bumagsak ito at tuluyan na nawalan ng malay. Sa bilis ng pangyayari, hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ang babae. Hinawakan niya ako sa aking beywang bago iginaya pasakay sa kanyang motor. "Sumakay ka na lang kung ayaw kong iwanan kita kasama ang lasing na 'yan." Maawtoridad na utos niya. Napalunok ako noong marinig muli ang boses niya. Sa ganda niya at ng boses nito nakaka-intimidate tumingin muli sa kanya. Kaya walang nagawa na sumunod na lamang ako. Para akong bata na binuhat niya pasakay sa kanyang motor. Sobrang magkalayo kasi ang difference ng height naming dalawa. Nasa 5'2 lamang ako, habang siya naman, tingin ko ay nasa 5'7 ang height niya tapos may heels pa ang boots na suot niya. Pang modelo besh! Noong makasakay na kami pareho ay mabilis na pinasibad nito ang motorsiklo papalayo. Huminto lamang kaming muli noong may madaanan kaming 7-Eleven. Medyo matao na ulit ang lugar at maliwanag na. Sa tingin ko rin ay safe na ako rito kaya siguro dito na rin siya huminto. Mabilis akong bumaba ng motor niya at buong pusong nagpasalamat habang hinubuhad ang helmet na ipinasuot nito sa akin kanina. Muling tinanggal niya ang suot niyang helmet. Kaagad na napayuko ako noong makita na pinasadahan niya ako ng tingin. Hanggang sa paa ko na wala nang kahit na anong suot na sapatos at tanging medyas na lang na butas ang meron. "Paano ba yan. Hindi ako tumatanggap basta ng thank you." Aniya niya. "H-Huh?" "1 bot?" Maarteng tanong nito sa akin bago ako tinaas babaan ng kanyang kilay. "Huh? 1 bot?" Tumango siya. "Oo, 1 bottle of beer. Your treat." Sabay tango nito sa 7-Eleven kung saan kami huminto. Nahihiyang napakamot ako sa batok ko. Gustuhin ko man siyang bilhan o suklian ang kabutihang loob sa ginawa niya pero paano? Eh kahit singkong duling wala na ako. Hindi niya ba nakita. Mukha na akong pulubi ngayon sa itsura ko. Tapos siya itong mukhang mayaman at may pera, siya pa talaga ang nagpapalibre? Magsasalita na sana ako nung basta na lamang niya akong hablutin sa braso at kinaladkad papasok sa loob ng store. Mabilis ang mga hakbang na nagtungo kami sa likod kung saan nandoon ang malamig na beer na hinahanap niya. Kumuha siya ng isa at agad na inabot sa akin. "Bayaran mo na dun." Utos nito sa akin na animo'y magtropa lang kami. Pero nakatitig lang ako sa hawak nitong bote. "S-sorry pero kasi..." "Wala kang pera?" Tanong nito na animo'y nababasa ang nasa isipan ko. Napatango ako. May ilang segundo lang siyang nakatitig sa akin bago napahinga ng malalim. "Alright then." Sabay talikod niya at dumiretso sa counter para magbayad. Paglabas naming muli ng store ay nilagok niya agad ang isang bote ng beer bago inilagay sa trashcan ang bote. Grabe! Parang hindi siya babae kung uminom dahil naubos nito kaagad ang beer! Pero kahit ganoon, andun pa rin ang poise niya, ang elegant pa rin niya kung kumilos. Halos pati paglunok niya ang sosyal! Daig pa niya ang modelo ng isang beer na makikita sa mga TV commercial. "At dahil wala kang pera, wala ka ring pambayad sa pagsagip ko sa'yo kanina, why not sumama ka na lang sa akin?" Magtatanong pa sana ako kung saan niya ako isasama nang basta niya na lang akong hawakan sa aking braso at hinila sa may unahan. Huminto kami sa pang apat na store mula sa 7-Eleven kung saan naka-park ang kanyang motor. "Wait for me here." Wika niya at agad na akong tinalikuran. Ngunit nakakadalawang hakbang pa lamang siya noong muli niya akong tinignan. "At 'wag na 'wag kang magkakamaling tumakas dahil hindi mo ako matatakasan. Do you get it?" Tumango na lamang ako bilang pag-sang ayon. "Good, girl." Ani niya bago tuluyang pumasok na sa store na hindi ko alam kung ano ang mga ibenebenta. Hindi kasi visible sa labas kung anong product ang meron sila. Hindi naman nagtagal iyong magandang babae, maya-maya lamang ay lumabas na ito na meron nang bitbit na paper bag. Walang imik na lumapit siya sa akin. Marahan na muling hinawakan ako sa aking braso at iginaya paupo sa isang bench na nandoon. Noong sandaling nakaupo na ako, ay para bang slow motion sa aking paningin na lumuhod siya sa harapan ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang hawak niyang first aid kit and band aid. Tatayo sana ako para pigilan siya nang tignan niya ako ng masama. Napalunok na lamang ako at hinayaan siyang gamutin ang sugat ko sa paa at tuhod. Pagkatapos niyang linisin iyon ay marahan na nilagyan na rin niya ng band aid. "I'm not done yet." Rinig kong sabi niya. Kunot noo na pinanonood ko lamang ang bawat kilos niya. Hanggang sa maingat na kinuha niya mula sa loob ng isang paper bag, ang bagong kulay puti na may halong light brown na sapatos. Noon din ay isinuot niya iyon sa akin, ngunit bago ito ay pinasuotan niya muna ako ng bagong medyas. "No matter how difficult the journey you go through, I hope these shoes will lead you to a beautiful destination." Nakangiting wika niya habang isinisintas ang huling sapatos na isinuot niya sa akin. Dahil sa sinabi niyang iyon ay basta na lang pumatak ang luha mula sa mga mata ko. Hindi ko kasi aakalain na meron pa palang katulad niya na may ginintuang puso. Willing tumulong sa kapwa kahit hindi niya kakilala o kaano-ano. Pagkatapos noon ay nag-angat siya ng kanyang paningin at sinalubong ang aking mga mata. Mabilis naman na pinunasan ko ang luha sa aking pisngi. "At sana...sa bawat destinasyon na mapupuntahan mo, maalala mo ako." Dagdag pa niya bago tuluyang tumayo. "K." Nakangiting wika nito habang nagtatanong naman ang aking mga mata na napatitig sa kanya. "Just call me, K." Pagpapakilala niya. Inilahad nito ang kanyang kanang kamay. Napalunok ako bago tinanggap ang kamay niya. "I-Irish." Nauutal na pagpapakilala ko bago kami nag-shake hands. "T-Thank you nga pala. Hindi ko alam kung p-paano---" "Irish." Putol nito sa akin at pagbanggit n'ya sa pangalan ko. "Can I have your phone?" Tanong nito. Agad naman na inabot ko sa kanya ang cellphone ko na merong basag na screen. Napailing lamang siya bago huminga ng malalim. Sandaling may tinype siya sa aking cellphone. Pagkatapos noon ay narinig kong nag-ring ang kanyang cellphone. "I got your phone number and here's my number." Wika nito bago ibinalik ang aking telepono sa akin, na ngayon ay meron nang naka-save na numero niya kung saan merong pangalan na... "Girlfriend Huh??? Ano daw? At meron pa talagang heart sa dulo. Namimilog ang mga mata na muling tinignan ko siya. "I'm going to call you tomorrow. At walang rason para hindi mo sagutin." Seryoso ang mukha na sabi niya bago ako tuluyang tinalikuran. "Bye!" Pahabol na kaway pa niya habang naglalakad na pabalik sa kanyang motor. Ako naman ay napahinga na lang ng malalim bago muling naupo sa bench. Nakatulala lang ako sa kawalan dahil hindi ko alam kung saan matutulog ngayong gabi. Plus, iyong mga gamit ko ay nasa baggage counter pa rin ng isang mall hanggang ngayon. Ilang araw na iyong nandoon dahil wala akong ibang mapaglagyan. Muli akong nagpakawala ng malalim na paghinga hanggang sa naramdaman ko na lang ang papalapit na yabag ng mga paa sa akin. Gayon na lang ang aking gulat noong makita si K na nakatayo aking harapan. "K." Pagbanggit ko sa pangalan niya. Habang siya naman ay basta na lang na hinawakan akong muli sa aking braso at hinila ako. Pansin ko lang, ang hilig niyang hilain ako habang hawak ang braso ko. Hmp! "If you don't have a place to stay, you can stay at my place tonight." Tipid na wika niya habang hila-hila ako pabalik sa kanyang bigbike. "P-Paanong---" "No more quesions, please." Noong sabihin niya iyon ay awtomatikong itinikom ko na lang ang aking bibig. Kahit na ang totoo ay labis na kinakain ako ng curiosity ko. Kung papano niya nalaman na wala akong matutuluyan? Guardian angel ko ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD