Parang tumigil ang oras at hindi tuluyang naproseso ng utak ko ang ginawa niya. H-Hinalikan niya ako! Hinalikan ako ni Lucien! "Y-You kissed me?" hindi makapaniwalang saad ko at hinawakan ang labi kung saan niya ako bandang hinalikan. Nararamdaman ko pa rin ang malambot niyang labi roon. Inosente siyang ngumiti. "No, I didn't. Tinikman ko lang yong marshmallow." Hindi ko alam kung ginagago lang ba ako nito o ano. Ginagawa niya lang dahilan ang marshmallow. Parang si Lawrence lang! I can't believe na ganitong paraan nawala ang first kiss ko at mismong kay Lucien pa! Nag-iwas ako ng tingin pero tumama naman ang paningin ko sa isa kong classmate na lalake. Si Charles. Nanlake ang mga mata nito na parang nakakita ng multo. Sa lahat ng classmate namin ay mukhang ito lang ang nakakita ng gi

