Ginamit ko ang isa kong kamay upang itulak siya pero ito nagpatinag. Mas idiniin niya pa ang sarili sa akin. Hinalikan niya ako na para bang wala ng bukas. Ang malambot niyang labi ang nagpakalma sa akin. Para bang ipinahihiwatig nitong ligtas na ako sa ano mang kapahamakan dahil nandito na siya. "I-I'm scared, R-Rence," nauutal kong saad. "I-I thought something bad will happen. I.." Ipinahinga niya ang noo namin sa isa't isa. "Shhh, baby. You don't need to be scared. I'm here. No one will hurt you when I'm here." Mapait akong napangiti. Tama siya... hindi na dapat akong matakot dahil nandito na siya. The man I once loved is here to protect me... Muli niya akong hinalikan. Sa pagkakataong ito ay tumugon na ako sa halik niya, sinabayan ko ang bawat ritmo ng labi nito. Nagsilbing consent

