Matapos ang araw na 'yon ay hindi na ko muli akong ginambala ni Rence kapag nasa school kami. Parang bumalik na sa dati ang lahat. Hindi na ako nito nilalande kapag kaming dalawa lang, hindi na rin ito nagcha-chat ng mga kung ano ano. Kapag naman study session namin ay hindi na ako nito kinukulit. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maasar sa hindi niya pagpansin sa akin. Para kasing may kulang sa buhay ko kapag wala ito. Magsisinungaling ako kapag inamin kong hindi ko siya nami-miss. Nasanay na ako sa pang-iistorbo nito na hinahanap hanap ko na. "Make sure to always join your group. Nandito lang kaming mga teachers para bantayan kayo. If there's something not rigth just tell us," pahayag ni Rence. Pinanood ko itong lampasan ako para puntahan ang mga classmate ko. Napanguso na lang ako

