Nang magising ay mag-isa na lang ako sa kama. Nagtataka akong bumangon, utomatikong hinanap ng mga mata ko si Rence sa buong kwarto pero hindi ko siya makita. Sunod ay maamoy ko ang mabangong ulam na nanggagaling sa labas. "R-Rence?" Tumayo ako. "Rence?" Suot ko na ngayon ang tshirt ni Rence, marahil ay isinuot niya ito sa akin kagabe nang makatulog ako. Hindi na rin ako nakakaramdam ng kahit anong lagkit sa pagitan ng mga hita ko, nilinisan niya rin ako. Lumabas ako sa kwarto upang sundan ang masarap na amoy. Natagpuan ko si Rence na nasa kusina at nagluluto ng kung ano. Wala itong pangtaas na damit kaya kitang kita ko ang maskulado niyang likod na batak sa abs. Mukhang hindi nito napansin na nasa likod niya lang pala ako. Tahimik ko siyang nilapitan at niyakap mula sa likod. Nakuwa

