Napatayo ako nang makita si Rence. "I-Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Hindi naman ito ang klase mo, Professor Lawrence" matapang kong sagot. Sinadya kong diinan ang pagkakasabi ng 'Professor Lawrence.' Kita ko ang pagkunot ng noo ni Rence marahil ay nagtataka siya sa paraan ng pananalita ko. Wala akong pake kahit na isipin niya pang ang disrespectfull ko. Lahat ng kasalanan na maari niyang magawa ay makakaya ko siyang tanggapin at patawarin pero hindi ko kayang palagpasin kung other woman na ang usapan. "I come here to talk to you," seryoso niyang saad. "I tried to text and call you a thousand times yet your not answering your phone." "Bakit mo naman ako tatawagan?" sarkastiko kong tanong. "Kaya ko ang sarili ko kaya hindi ka na dapat mag-alala pa. Kung tungkol sa picture ang gusto mong

