Parang mas lalong sumakit ang ulo ko nang banggitin niya si Lucien. Hindi lang pala nag-iisa ang magiging problema ko kung 'di dalawa sila si Lawrence At Lucien. Hindi naman ako aware na sa L pala nagsisimula ang pangalan ng mga baliw ngayon. Kaya ba alam ni Lucien kung saan ako ihahatid non ay dahil sinabe ni Natasha sa kaniya? "Paano nadamay si Lucien rito?" "M-May gusto rin sa 'yo si Lucien. Sabi niya gusto ka nyang ligawan kaya hiningi niya sa akin ang number mo. A-Ayoko naman talagang ibigay sadyang naakit lang ako dahil sabi niya siya ang gagawa ng mga assignment ko kapag sinabe ko. S-Sorry..." Mangiyak ngiyak akong tinignan ni Natasha, mukhang matagal na siyang nagu-guilty sa pagsisinungaling niya sa akin at pagtulong sa mga baliw na lalaking 'yon. Parang gusto ko na lang sapuki

