Don't Mess With The Billionaire Chapter 22 "UWI NA LANG po tayo sa 'tin, Mama. 'Di na po ako pramis magdadaldal kasi sira-sira po ang sahig no'ng bahay natin tapos may shower pagka umuulan po. Tapos pramis alagaan ko na po mabuti ang plants natin tapos ako rin po maglalako ng gulay para may rice po tayo. Basta po uwi lang tayo, Mama. Ayaw ko po rito. Ayaw namin ni Aragon dito sa kay Mamang Wolf." Hitik sa luha ang mga mata ng batang si Alabama at animo ay walang makapaghihiwalay sa braso nitong nakayapos kay April. Ganito niya nadatnan sa unit ni Pacifica ang triplets. Mistulang dinaanan ng delubyo ang unit ni Cifi dahil sa nakakalat na mga sira-sirang laruan at basag-basag na palamuti na nakayang lurayin ni Alabama. Nadatnan din nila ang kapatid ni Wolf na si Waris at ang pinsan nitong

