Ang mahinang patak ng ulan ay tuluyan nang lumakas, hanggang sa pareho na kaming basang-basa ni Aless habang sakay ng tumatakbong motorcycle. Pero hindi ko inaasahan ang paghabol ng dalawang kotse sa likuran namin at pinaputukan kami na siyang kinatili ko sa gulat at takot. “Aless, may humahabol sa atin at pinapaputukan nila tayo!” malakas kong sigaw para marinig niya. “s**t! Who the f**k is that?!” malakas na sagot ni Aless. “Aless, natatakot ako! Baka tamaan ako! Tamaan tayo!” muling wika ko na nanginig na sa takot at nakuha pang lumingon sa likuran. “Come here, lumipat ka sa unahan!” utos sa akin ni Aless habang patuloy ang pagmamaneho ng mabilis. “What? Paano ko naman gagawin 'yun? Paano ako lilipat diya? Baka mahulog ako at maaksidente tayo!” “Come on, trust yourself! Trust me

