NAGISING ako sa kalagitnaan ng gabi, mahimbing na ang tulog ni Deo sa tabi ko habang nakayakap pa ang isang braso sa akin, at ang mga paa naman ay nakapulupot sa mga paa ko. Seriously, parang ayaw na niya akong pakilosin, halos hindi na ako makagalaw sa kanyang mga yakap, hindi na makahinga ng maayos. “Deo…” Inaantok kong pagtawag, pero tanging mahinang paghilik lang ang isinagot nito sa akin. Napasimangot naman ako at inalis na lang ang braso nito sa katawan ko, mahina ko na ring sinipa ang paa paalis sa paa ko. Nang tuluyan ko nang maalis ay marahan na akong bumangon at pupungas-pungas na lumabas ng kuwarto. Pagbaba ko ng stairs ay dumiretso ako ng kitchen at naghanap agad ng makakain. Hanggang sa nakita ko ang tatlong piraso ng mansanas, kaya agad ko itong kinuha at naupo na ako sa

