NAGISING akong nakahiga sa kama katabi ni Aless na tulog pa at wala nang suot na maskara, nakaunan pa ako sa braso nito, habang ito naman ay nakatihaya ng higa. Mabilis akong bumangon at napatingin sa paligid, para kaming nasa loob ng isang silda dahil puro bakal ang nakapalibot, pero malinis naman ang loob at may foam na nakalatag sa tiles na aming kinahihigaan ni Aless. Nagtataka akong tumayo, hanggang sa napatingin ako sa kabilang silda, may dalawang lalaki ang nakahiga na walang malay at wala nang suot na maskara. Ito ang mga lalaking nakalaban ni Aless kanina. “s**t. Nasaan na ako?” Mabilis akong lumapit sa bakal at sumilip sa labas pero wala akong makita maliban sa tahimik na corridor. Muli akong lumapit kay Aless at malakas itong niyugyog. “Hey, wake up!” I whispered loudly in hi

