Hindi tatantanan? Napangisi lang ako sa sinabi niyang 'yun at pinanood na lang siya sa pagpitas ng mangga. “Mahal ko, ano pala ang gusto mo, 'yung hinog na o 'yung hindi pa?” he asked me, napakalambing ng boses. “Both! Hilaw at hinog ang gusto ko!” excited kong sagot. “Pero pinakagusto ko sa lahat ay walang iba kundi ikaw, Aless Mahal!” malandi kong dagdag. Napalingon sa akin si Aless at napangisi na naman, may kung anong sinabi pero hindi ko na marinig pa. Napapangiti lang akong naghintay habang nakatingala sa kanya. Napaka-hot niya dahil walang suot na pang-itaas na damit kaya kitang-kita ang kanyang mga naglalakihang abs sa katawan at mga muscle sa braso. “Ang hot talaga ng Aless ko.” Hindi ko mapigilan ang mapabungisngis sa baba habang pinanood siya sa pagpitas. Parang ayaw ko na

