NAGISING akong nakahiga na sa kama. Pagmulat ko ng mata ko ay agad kong nilibot ang tingin ko sa loob ng room sa pag-asang wala na ako sa yacht, pero bigo ako dahil nasa rose gold room pa rin ako, nasa cabin ng yacht. Marahan akong bumangon at napatingin sa pulsuhan ko; may nakabalot na itong puting bandage. Lumabas ako ng room. “Where's Aless?” tanong ko sa mga kalalakihan. “Nasa rooftop, ma'am,” sagot ng isang lalaki sa akin. Kaya naman agad akong umakyat ng rooftop. Pagdating ko ay nakita ko si Aless na nakatalikod habang nakatayo sa may railings at nakatanaw sa malayo na tila malalim ang iniisip. Saka ko lang napansin na nakahinto na pala ang yacht, hindi na umaandar. Dumating na kaya kami ng China? Tumakihim ako at marahan na lumapit. Pero hindi pa akong tuluyang nakakalapit n

