Ngayon ay suot ko na ang isang royal blue long sleeve corset velvet dress. Simple lang pero napaka-elegant tingnan, tamang-tama lang sa katawan ko, bagay na bagay sa akin with my luxury diamond jewelries. “Deo, kinakabahan ako sa interview.” “I'm here, hindi mo kailangang sumagot sa tanong kung hindi mo kaya, ako ang sasagot para sa 'yo.” He kissed my hand. Kasalukuyan na kaming lulan ng kotse, si Deo ang nagmamaneho. At ngayong araw ang press conference ni Deo tungkol sa kanyang bagong project na balak gawin ng kanyang kumpanya, pero sinabi niya sa akin na isasama na rin niyang i-announce ang relasyon namin since interested na ang lahat ng mga nakakakilala sa kanya, eh kasi naman nag-trending pa rin 'yung kumalat naming mga picture ni Deo nung ihatid niya ako sa university, doon nagsim

