Trine's Point of View KUMAKALAM ang sikmura ko nang magising kinaumagahan, kaya dali-dali akong lumabas ng kuwarto at dumiretso sa kusina. Mabait naman ang mga katulong, dahil pagkasabi ko pa lang na gusto kong kumain ay mabilis ako nitong pinaghanda. At halos hindi naman ako makahiga sa sobrang pagkabusog matapos kumain. Ngayon ay narito lang ako sa living room at nakaupo sa couch, panay ang amoy ko sa sarili ko dahil hindi pa ako nakakaligo, at gustong-gusto ko nang maligo pero hindi puwede dahil narito ako sa pamamahay ng demonyo. And it's already 08:35 AM, pero wala pa ito, hindi pa rin nakakabalik. Napaisip tuloy ako na baka namatay na ito sa kanyang pinuntahan na transaction. Sana nga namatay na, magsasaya ako kapag nangyari 'yun. “Hays, nakakainis, ang lagkit lagkit ko na!” I mur

