Sila lang dalawa ni Frances ang umalis ng restaurant. Iniwanan na nila ang dalawa dahil mukhang enjoy na enjoy sa isa't-isa ang mga ito habang magkausap at nakalimutan ng may kasama ang mga ito. "Naging invisible tayo tuloy kanina,"untag ni Frances habang nagmamaneho. Napangiti siya. " Bagay sila,"komento niya. Mapanabay na napatingin sila sa isa't-isa. Agad siya napaiwas ng mga mata ng makita kung paano tumitig sa kanya ang binata. Agad na nabasa niya sa kislap ng mga mata nito ang damdamin na meron ito sa kanya. Yeah,tayo lang naman ang pahard to get eh.. You know the rule,wolf! I know,rigth... "Ahm,nabusog ka ba?" pagpukaw nito sa biglang pananahimik niya. "Medyo," tugon niya. Hindi nga siya nakakain ng marami dahiL natuon ang atensyon niya sa dalawang naiwan sa restaurant. Na

