Walang ingay na pinanuod niya ang abalang si Frances sa harapan ng kalan. Nagluluto ito ng hapunan nila. Hindi niya alam kung paano nangyari na magkasintahan na sila nito. Nadaan siya sa halik nito at naging sila na! Sa halik na yun nakalimutan na niya ang golden rule ng kanyang ina! Well,siguro naman mauunawaan siya ng kanyang magulang kung hahayaan niyang tuluyan makapasok na sa puso niya ang binata. Back hug natin,di ba ganun ginagawa ng kasintahang babae kapag busy sa kusina yung lalaki? Pag-alingawngaw ng inner wolf niya. Nangunot ang nuo niya sa sinabi ng inner wolf niya. Saan mo ba natutunan yun? Nakikini-kinita niya na ngumisi ito sa kanya. Ganun naman talaga kapag in love di ba? Napailing na lang siya. Nahagip ng mga mata niya ang pamilyar na bote na kulay asul. Woah,ang ma

