Pinakikiramdaman pa rin ni Cassandra ang binata sa kabilang unit. Naalarma siya ng marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya. Ramdam din niya ang pagkabalisa nito. Ano kaya napaginipan niya? Bumuga siya ng hangin habang nakahalukipkip at nakasandal sa pader. Hindi ko alam,wolf. Mukhang hindi maganda... Hmm,katukin mo kaya siya tapos kamustahin mo? No,wolf..magdududa siya kung bakit ko siya tatanungin ng ganun... Hindi nakaimik ang wolf niya at mukhang natanto nito na maling ideya yun. Pero ano naman kaya napanaginipan nito? Marahas siyang napabuga ng hangin. Ilang araw na mula ng iwasan niya ito at hindi nga maganda sa pakiramdam niya. Sumulyap siya da digital clock niya na nasa ibabaw ng side table. Pasado alas y diez pa lang ng gabi. Mabilis na dinampot niya ang longsle

