Nanginginig ang mga palad na hinaplos ni Melody ang lapida ng ina ni Train. Nang minsan na mabanggit sa kaniya ng lalaki ang tungkol sa pagkamatay ng mommy nito ay totoong nalungkot siya. Alam naman kasi niya na ang ina lang ang naging kasama nito simula pagkabata nito. Nakagat niya ng mariin ang mga labi para lang pigilan ang muling paghagulhol niya. Naramdaman niya ang presensiya ng binata sa likod niya. Hinawakan siya nito sa balikat at maingat na pinihit siya paharap dito. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin siya sa labis na pagkabigla. Hindi niya inakala na sa ganoon lang mauuwi ang sana ay masayang araw nila. Nagising siya kaninang umaga na wala na si Train sa tabi niya. Ilang beses niya itong tinawagan pero hindi naman ito sumasagot. Kahit masama ang pakiramdam at parang nahihi

