Ten years ago… “May kailangan ka ba?” “A-ah…” nahihiyang ngumiti si Train at ibinigay kay Melody ang hawak niyang pumpon ng mga bulaklak. Hindi nakaligtas sa kaniya ang hiyawan ng mga estudyanteng nakakita sa ginawa niya. Mabuti na lang kahit nararamdaman niya na galit sa kaniya ang dalaga ay tinanggap pa rin nito ang bigay niyang bulaklak. “Sorry…” mahinang sambit niya. Isang salita lang iyon pero hindi niya mapigilan na pumiyok dahil sa labis na kaba. Kahit wala na siyang klase at pwede na sana siyang tumambay sa library para mag aral ay mas pinili niyang puntahan si Melody para humingi ng tawad sa nagawa niya. Alam niyang nasaktan ito sa mga sinabi niya dahil nakita niyang umiyak ito. Mula din nang pagsalitaan niya ito ng hindi maganda ay hindi na ito lumapit o nangulit pa sa kani

