Ginugol ni Cielo ang buong gabi sa paggawa ng mga extra copies mula sa binigay sa kanya na flash drive ni Harry. She burned them to a CD, saved them to her online file storage account and, most importantly, forwarded them to Dan, her trusted friend in CIDG. Hindi man maintindihan ang mga iyon ni Dan dahil nga wala itong alam sa accounting matters, pero ang importante ay nabigyan na niya ng kopya ang kapulisan. Tinitigan naman niyang mabuti ang mga laman ng files at humahanga siya kay Harry dahil na kopya nga nito kahit ang mga kaliit-liitang detalye. It would take days or weeks kasi para makopya ang ganoong impormasyon, at kung may anomaliya man sa financial statement, malalaman rin niya iyon. Na stress nga lamang siya sa sinabi ng kumag na si Ash na nanganganib daw ang buhay

