Humakbang papalapit ni Cielo si Miggy na parang nanggagalaiti ito sa galit. Kung nandito lang sana si Ash. Hayan kanina pa nito inumbagan ang pagmumukha ng Miggy na yan. Ngunit bigla nalang niyang napatanto na hindi naman pala nakagapos ang mga paa niya, so may maliit siyang tsansa na makakatakas mula sa mga dumukot sa kanya. Nasa harapan niya si De Vera at abot lang ng kanyang mga paa kung sisipain niya ang eggpie nito. Hmm..titingnan ko lang kung hindi ito mamimilipit sa sakit. Akma na sana niyang sisipain ang hinaharap nito nang bigla namang pumasok ang isang naka hood na lalaki na may hawak na baril. "Bingo!" anito pagkapasok. Hinubad na ng lalaki ang suot nitong hooded jacket at nalantad sa kanya ang pagmumukha nito. "Dan! Salamat sa Diyos, ikaw nga." mangiyak-ngiyak na saad niya.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


