Ang inasahan talaga ni Cielo na dadalhin siya sa lugar na marumi, abandonado o sa isang bodega, hindi dito sa malinis na opisinang pinagtatrabahuan niya. Pinaupo siya ng mga ito sa silya at inilipat ang pagkakatali niya sa kanyang likuran. Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang pumasok si Miggy De Vera, ang head ng security sa kumpanya. Tama nga ang hinala niya na ito ang nasa likod ng kanyang pagkidnap. "Miss Homer." Tinitigan niya ito ng matalim. Ano bang kailangan ng lalaking ito sa kanya? Bakit kailangan pa niya akong ipakidnap? "Gusto ng employer ko na maibalik sa kanila ang pera, Miss Homer." Pera? Haller! Sigurado siya sa ibenentang niya? "Anong perang pinagsasabi mo?" bulalas niya. "Ang perang ninakaw mo sa Peridot." "Ako nagnakaw?" Nasisiraan na ba ang lalaking ito at p

