Chapter 2

1404 Words
Val's Pov: “Morning,” bati sa'kin ng kapatid ko na nag luluto sa kusina nang lumabas ako. “Morning,” bati ko pabalik. “Ano ba niluluto mo d'yan?” tanong ko habang nag mumumog. “Pancakes,” sagot n'ya. Tumango na lang ako at naupo sa sala. Binuksan ko yung tv at nanood ng balita. 'Sa panahon ngayon, ano ang masasabi mo sa presyo ng bilihin?' sabi ni Jane sa balita. Hayyy! Ayan nanaman sila! Makalipas ang ilang minuto ay nag tawag na si Hailey. “Pst! Ate Val! The breakfast is ready!” anunsyo n'ya kaya nag tungo na'ko sa kusina. Matapos kumain ay dumiretso na si Valentina sa cr at naligo. Nag cecellphone lang ako ngayon at maya-maya pa ay nakita ko na si Hailey na naka uniform. College student kasi s'ya. “Alis na'ko 'te! Bye mwah!” paalam nito at nag flying kiss. “Bye! Ingat! Mwah!” nag flying kiss din ako at umalis na s'ya. Few hours later/* “Hello?” sabi ni Jillian sa kabilang linya. “Hi! Ano, bihis ka naba?” tanong ko sa kanya. Plano kasi namin na mag sine ngayon. “Yes!” “Edi sunduin mo na'ko!” “Unfortunately, we can't go by car today. Let's just commute first. My brother is using my car now.” “Ohh? Ok!” Naka suot ako ngayon ng off shoulder na dress. Yung heels ko din kahapon ang sinuot ko ngayon. Lumabas na'ko at ilang lakad pa at sumakay ng taxi. “San po kayo, ma'am?” tanong nung driver. “Sa **** mall po,” sagot ko. Humarurut na ang taxi at nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. Its a chat from Jillian. Jil Lian Nasan ka na? Nandito na'ko! Nasa may entrance lang ako ng mall haaaa You Oo, nakasakay na'ko ng taxi, just wait!! Jil Lian Paki bilis po! You :| Tinago ko na ang cellphone dahil nandito na kami sa harap ng mall. Inabot ko na yung bayad sa driver at bumaba na. Kitang-kita ko rin naman si Jillian na nasa entrance ng mall kaya mabilis akong nag tungo don. “Ang tagal mo,” inirapan n'ya ako. “Aba'y sorry,” inirapan ko s'ya pabalik. Tumaas na kami at pumunta na sa sinehan. Naupo kami sa 4th row para maganda ang view. Ang papanoorin pala namin ngayon ay yung bagong zombie movie. Nag simula na yung movie at unang lumabas yung mag ina na natutulog sa kwarto. Tapos maya-maya pa ay may ingay sa labas ng kwarto nila which is asawa ata nung nanay tapos zombie na. “E-Eduardo?” parang may balak ata yung nanay na buksan yung pinto. Ba't ang tat@nga lang talaga ng mga characters sa mga palabas, huh? Well, as expected, binuksan nung nanay yung pinto at muntik na s'yang makagat nung lalaki. Pero tumakbo naman s'ya agad palayo at binitbit yung 7 years old ata n'yang anak. Di ata nakakakita yung zombie kaya kitang-kita naman na nag tago sila sa closet. “Maganda ba?” nagulat ako sa pamilyar na boses na nanggaling sa likuran namin dahilan upang mapa tingin kami roon. “Dince?” yes, it's Dince with his friends. Nandoon sina Connor at Jacob. “What're you doing here?” Jillian asked him. “Manonood malamang,” pilosopong tugon n'ya kaya napa irap na lang si Jillian sa inis. “Hello there! Nice seeing you again, Val!” bati ni Connor kaya napangiti ako. Bumalik na ang atensyon namin sa pinapanood namin dahil may bigla kaming narinig na nabasag. Yun pala ay lumabas na ng closet yung mag ina tapos nung dahan-dahan silang lumabas ay nadanggil nila yung base. Eh kung bakit pa kasi may pa base base kayo dyan! Edi as expected, sinugod sila ng zombie! Tsk. “Ba't ba ang b*b*bo ng mga character sa mga palabas?” Jillian said in disappointment. “I agreed,” pag sang-ayon ko naman. “Ang boring dito, tara mag gala!” kinuhit kami ni Connor. Nag tinginan naman kami ni Jillian at di kalaunan ay sumang-ayon na. Lumabas na kami ng sinehan at nag-akit si Jacob sa arcade. “Ilang tokens kukunin n'yo?” tanong ni Jillian. “5 isa ohh,” si Jacob naman. “I think 200 pesos muna ako, kayo?” sabi ko. “Same,” sabi ni Jillian hanggang lahat sila ay ganon na din ang ginawa. Matapos makuha ang mga tokens namin, una kong sinubukan yung claw machine. Ang cu-cute kasi nung mga plushies na milktea ang design!! Naka ilang ulit na'ko pero wala talaga!! WAHHH! Padabog akong umalis sa claw machine at nag punta na lang doon sa may bowling. Nag try ako at naka tama naman. Umulit ako ng umulit hanggang di'ko na alam kung ilan yung tickets. Nang kinuha ko na ito ay naramdaman kong may presensya sa likod ko kaya nilingon ko ito. “Hey,” bati ni Dince and guess what? Hawak-hawak n'ya yung mga plushies na gusto kooo!!! “Ohh, here.” inabot n'ya sa'kin ang tatlong iba't ibang color ng milktea na plushies. May brown, green at white. “Ba't mo binibigay 'to sa'kin, huh?” kinuha ko naman yung mga plushies at wala ng balak pa'ng tanggihan ito. “Nag liliwanag na ‘yang mata mo, eh. ” pabirong tugon naman n'ya. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin at tinaas n'ya ang dalwa n'yang kamay na animo'y sumusuko. “Nakita kasi kitang nag dadabog matapos mong subukan na kumuha ng ganyan. Swerte ako sa mga claw machines kaya ayan!” nginitian n'ya ako. “Ok, thank you. Pero wag mo lang subukang gawin ako sa isa sa mga chicks mo.” I rolled my eyes. “Nah, di'ko naman gagawin yan. Hard to get ka eh,” well, that's good naman. “Hoy tara dito!” “Dito tayo!” “Tara!! Race dali!” “Let's sing!!” Rinig na rinig ko sila sa pag aakit kung saan-saan na parte ng arcade. Pero sa huli, nag akit si Dince na mag basketball kami na pinayagan ko naman. “5 tokens ang need,” akmang mag lalagay na sana ako ng limang tokens sa lusutan ay inunahan n'ya na'ko. “Let me,” nag lagay na nga s'ya ng limang tokens. “Ilagay mo muna ‘yang mga plushies mo d'yan sa tabi. Di naman mawawala ‘yan,” sabi n'ya at tumawa ng mahina. Inirapan ko s'ya pero ang pogi n'ya. Ang pogi talaga n'ya kaso chickboy eh. Sayang!! Nag laro na kami and we had fun! Nakakuha kami ng 35 points at sa 35 points na ‘yun ay naka sampung tokens din ang lagay ni Dince. Di nag tagal ay naubusan na rin ako at ang mga kasama ko ng tokens kaya yung mga tickets namin ay pinabilang na namin. “A total of 1,356 of tickets po mga ma'am and sir,” nginitian kami nung babaeng nasa counter. “Eto na'po yung receipt n'yo,” inabot n'ya sa'min yung resibo. Napag desisyunan din naming mag iipon muna kami ng tickets para mabili yung gusto namin. “I'm hungry, should we eat there? The food they serve looks delicious!” akit ni Jacob na di na namin tinanggihan kasi pare-parehas lang naman kaming gutom. Korean restaurant pala ‘tong napuntahan namin. Umupo na kami sa gilid na mayroong anim na upuan. Hiwalay ang boys sa girls. “Here's the menu, ma'am and sir!” inabot sa'min nung nag tatrabaho doon ang menu. Ang pinili ni Jacob ay Gimbap. Si Connor naman ay Samgyeopsal at ganun din ang order ni Jillian. Si Dince naman ay Japchae. And me?? EWAN! Di naman nag tagal ang pag pili ko at in-order na lang yung Bulgogi kasi mukhang napaka sarap! “I can't wait to eat!!” nagulat ako sa biglang pag sasalita ne'tong katabi ko. Pero mabilis sila mag serve kasi maya-maya pa ay dumating na yung mga order namin. “Thank you!” sabay-sabay kaming nag pasalamat nang i-serve na sa'min yung mga order namin. Nag dasal muna kami bago tuluyang kumain. And di ako nag sisisi na yun ang in-order ko! Napaka sarap!!! “Ang sarap ng mga sine-serve nila dito, noh?” siniko ako ni Jillian kaya agad naman akong napa thumbs up. "Should we also bring Vanessa and the others here to taste it?" Jacob's suggestion that we immediately accepted.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD