26

1228 Words
[MAUREEN] I wanted to go out and breathe some fresh air, but I couldn't due to our parents. Kung bakit ba kasi naisipan ko pang ayain sila dito mag sleep over. I don't know what to think. What to do anymore. Parang lahat na lang mali. Wala na akong ginawang tama. Walang tigil ang paa ko sa paglakad lakad dito sa loob ng kwarto. Isa pa tong problema. I need to lock my room. Baka malaman nila Mama na hindi kami nagsasama sa iisang kwarto ni Jezra. Ganun na nga ang sunod kong ginawa. Nilock ko ang pinto ng kwarto ko matapos kong lumabas saka nagtungo sa space ni Jezra. Ayoko naman kasing bumalik sa kanila habang ganito pa kainit ng nararamdaman ko. Mabuti na lang at bukas ang kwarto ni Jezra. Ang ayos ng paligid. Napaka organize ng lahat. Malayong malayo sa akin. Naka ramdam naman tuloy ako ng pagka hiya. Mukhang kailangan kong mag ayos, mag ligpit sa kwarto ko next time. Naisipan kong tawagan, kamustahin si Aya. Mabilis naman itong sumagot. Ang dami na naming napag usapan ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. "I'll call you back, Aya." Saka ko binaba ang tawag para harapin si Jezra. "Umalis na sila. You can go back to your room." Hindi na ako nagtanong kung paano, kung anong nangyari. Sagad na ang utak ko para sa panibagong iisipin. Marahil gumawa siya ng way para sila Mama na mismo ang mag prisintang umuwi. O baka na sense nila na kailangan namin ng alone time ni Jezra para makapag usap. Yun nga siguro. "Wait.." Pigil niya sa braso ko ng malapit na akong lumagpas ng pintuan. Hindi ko siya tinitignan. Wala na akong energy para makipag diskusyun pa sa kanya. Kung ayaw niya edi wag. Napapagod na akong ipagpilitan ang sarili ko. Palagi na lang ganun. All the time nasa situation ako na palaging ako yung naghahabol. Na parang ako yung kawawa. I'm so tired of life with a bunch of stuff that I have no control. Gusto ko maramdaman yung sila naman yung takot mawala ako. Para kasing ang dali sa lahat ng mga taong importante sa akin na bitawan ako. Kagaya ni Papa.. Dahil may pamilya na siya nagbago lahat sa aming dalawa. Hindi na kagaya noon yung samahan namin. Pangalawa na lang ako sa priority niya. The same goes with Mama—Hindi nga ba at balewala sa kanya ang sapilitang pagpapakasal sakin kay Jezra. Nakuha pa niyang palabasin na may taning na ang buhay niya. Despite knowing that I have someone dearest in my heart. Laman lang din naman siya ng company niya. Hindi nga niya ko kilala. Meron ba siyang alam sa hilig ko, sa ayaw ko? Wala. Simula ng maghiwalay sila ni Papa parang pati ako nawala na din sa buhay niya. I felt alone, unwanted, and lonely. Hindi man ako iniwan ni Mama pero parang ganun na din. Priority niya ang trabaho kaysa sakin. And Margaux.. Akala ko mahal niya ko. Malabong isuko o bitawan na lang niya ako ng ganun kadali. Siya na lang ang meron ako. Ang masasabi kong totoong may pakialam sa akin, may pagpapahalaga sa akin pero kagaya din siya ng parents ko. Ang masakit pa, may bago na siya —Hindi ako nagkulang ipaliwanag sa kanya ang sitwasyun. Binigay ko din naman lahat ng assurance para hindi siya mangamba pero siguro talagang hindi lang ako ganun kahalaga sa kanya. Madaling kalimutan. Madaling palitan. I'm so f*****g tired. Kung ayaw nila sakin.. Fine.. "We don't need to talk.. I understand. Really. Rest assured, hindi na kita kukulitin." Binawi ko ang braso ko mula sa pagkaka hawak niya. Tinawagan ko uli si Aya ng nasa kwarto ko na ako. "Sure ka?" Paniniguro pa nito. Inaya ko kasi siyang mag bar. "Meet up na lang tayo doon. Commute na lang ako." Saka ko pinutol ang line. Nang makarating ako sa lugar agad kong hinanap si Aya. Ang daming tao. Kahit saan ako tumingin. Wala pa mang gabi pero parang naka rami na ang mga ito. Enjoy ang lahat sa pakikipag sayawan, kwentuhan habang umiinom. May malaking grupo meron naman double at hindi mawawala ang solo. Halong music, ingay ang maririnig mo. "Aira!! Over here!" Napalingon ako. Nakikipag siksikan ito hanggang makalapit sakin. Hinawakan niya agad ako sa kamay. "Hey.. Dahan." Nagmamadali wala naman kaming ibang lakad at maaga pa. "Hoo.. Pasok." Sabi niya ng matigil kami sa isang pinto mula dito sa 2nd-floor ng bar. "Huh?" Nagtaka pa ako. Ang discreet kasi ng gusto niyang pasukan ko. "Ang crowded na kaya kumuha ako ng private room." Nangunot ang noo ko. "Magtigil ka, Aira.. Ang dumi ng utak mo. Pumasok ka na." Siya na ang nagbukas at tinulak pa ako. Mukhang may alak na sa sistema niya. Medyo na late kasi ako ng dating dahil natagalan ako mag book ng p-pick up sakin. Ohh.. Okay.. Madumi nga ang utak ko. Parang KTV naman pala ang itsura nitong loob. Naupo ako sa couch na nakita ko—Pabagsak kasabay ng pagbuntong hininga na para bang nilabas ko lahat ng dala dalahin ko sa dib dib. "Oh.." Inilahad sa akin ni Aya ang basong sinalinan niya ng alak ng makaupo malapit lang sa akin. Nasa iisang mahabang couch lang kami. Kinuha ko yun ng walang pagda dalawang isip saka inubos. "Wow.. Lakas.." Ang totoo hindi naman ako pala inom so hindi ko alam kung malakas ba tolerance ko sa alak. Wala pa naman din akong naaalalang nag pass out talaga ako sa inuman. "So.. Simulan mo na ng makarami tayo." Tukoy nito sa problemang dala ko. Obvious na ba talaga ako masyado? Oo madami kaming napag usapan kanina sa phone pero wala pa naman akong nababanggit sa totoong dahilan bakit ako nagkakaganito. Kinuwento ko sa kanya lahat ng hinaing ko sa buhay. Ito ang isa sa nagustuhan ko kay Aya. Alam niya kung kailan siya mag iingay o kung kailan mananahimik para pakinggan ka. Marunong din naman siyang mag seryoso. "Alam mo.. Kung tama ka na nasaktan nga siya sa past kaya ganun si Ma'am, dapat intindihin mo kung medyo alangan siya." Nakatingin lang ako sa kanya habang pa minsan minsan nilalagok ang laman ng bote ng Smirnoff. Ito talaga brand ko. Mas keri ko ang lasa. Hindi din ako agad tinatamaan. "Idagdag mo pa na gusto pa lang. Siguro yung tao natatakot din syempre. And that's normal, Aira." "So anong gagawin ko? Hindi ba enough ang like para i work out yung kasal namin? Ikaw na ang nagsabi bakit hindi ko subukan." Baka lang naman nakalimutan niyang siya nagpasok sa isip ko ng ideya na yun. "Yes.. I did.. I said that. Ang sinasabi ko naman ngayon. Masyadong maaga para sumuko ka. Keep going lang. Amuhin mo, kunin mo ang loob." Pagtango na lang ang nagawa ko. "Gusto mo naman kasi mabilisan lahat. Result agad? Puso, tao ang pinag uusapan, Aira. Hindi bagay. Kailangan dito malalim na pag iingat.." "Wag mong madaliin. Go with the flow. Enjoy the moment.. Wag mo din pilitin. Chill ka lang, frenny. Masyado ka naman kasing mabilis." Dagdag pa niya. "Tapos ano? Sa hiwalayan din naman ang tuloy?" Sumilay ang pagka bagot sa mukha niya. "Tignan mo to. Pinangungunahan mo lahat." Iritang saad niya. Tumungga na lang ako ulit. Bahala na.. Ewan.. Di ko alam.. Basta pagod na ko. Sarili ko na lang ngayon ang iisipin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD