Palapit pa lang kami sa dining amoy ko na ang ginisang sibuyas at bawang. May naka ahin na nga doon na tanaw ko. Pinag hila niya ako ng upuan bago ko pa man magawa yun. "Anong iniinom mo sa morning?" Tanong niya habang abala sa pagkuha ng plato at utensils. "Plain coffee." Nasabi ko na lang. Tanaw ko na nagsalin siya sa tasa ng brewed coffee. Lumapag na lang iyon sa table sa harap ko bandang gilid. "Habang mainit pa." Nakangiti siya ng magtama ang mga mata namin. Umiwas agad ako ng tingin at marahang tumikhim sa kapeng prinipare niya. "What about you? Anong iinumin mo?" Tanong kong nasa ibang direksyun ang tingin. "Fresh milk." Nakita ko nga itong kinuha niya sa fridge. Nagsalin din sa baso. "Cornbeef and fried egg lang kinaya ko. Hope you'll like it." Napangiti ako na ag

