"Thank you for this.." Hawak ni Mau ang plaketa na gawa sa marble ng lumapit sa mic ang kanyang mapupulang labi.
I knew it right dahil department ko ang pumili ng materials for that.
Malaki naman ang budget na binigay ng President ng SU, si Miss Ice Queen Samson Blossom.
So why not maging pricey diba? Magdadala ng magandang imahi sa SU.
Grabe dahil hindi ko inasahang trip to New Zealand ang reward. Wala kasing nakakaalam maski isa about dun.
It was a surprise indeed gaya ng sabi ni Miss Ice Queen isang beses nung magkaroon kami ng meeting about sa gaganaping FD ng University.
Nakita ko na nga siya ng personal at sobrang goddess talaga. Kahit nasa 40's na to mukha pa ding bata.
Idagdag pa natin. May cash prizes din ang mga nagwagi sa game competition.
Worth it talaga kapag dito ka nag aral sa SU kahit ang mahallllll ng tuition fee. Magagaling at talagang nasala ng husto ang mga nakakapasok na Professor dito.
Isa na ako sa nagpaka hirap makapasok dito.
Ang mga student naman na dito nagtapos ay pinag aagawan ng mga company para sa kanila mag trabaho.
Kilalang kilala talaga ang SU lalo na ng si Miss Ice Queen ang namalakad nito.
Wala din akong masabi sa sobrang bait, busilak ng puso niya. Naalala niyo yung rant ko about sa pag oorganize, planning ng FD
Nagdilang anghel ata ako dahil nagbigay ng tila maagang Christmas bonus si Miss Ice Queen sa mga nasa likod ng success ng FD.
May pa bonus din sa mga janitor, janitress, at staff sa lahat ng cafeteria nitong SU dahil magiging matrabaho nga daw sa celebration ng FD.
"Thank you to everyone who appreciated my cutey, aptitude, and smarty in delivering my answer to the question earlier."
Pang standing ovation din naman kasi ang sagutan niya kanina sa question and answer portion.
I wasn't surprised kung na perfect niya ang score sa part na yun dahil above average and wisdom ni Mau.
She's a deadly genius—parang anak ni Einstein.
Naririnig ko, nababalitaan ang amazement ng mga Professor niya sa ibang subject. Maliban sa performance level niya sa class ko.
Mau is a complete package, indeed. Beauty and brain. Ligwak siguro siya sa love. I don't know pero ganun naman talaga.
Hindi sa lahat ng oras panalo ka sa love. That's a given already.
"Ikaw din ba.. si Mr. Samson ang nais maging +1?" Malandi at malokong tanong ng host. Nag iinit tuloy ang mukha ko maliban sa tenga ko.
Gatong naman ang isang to. Buhusan ko siya ng tubig ng kilabutan naman siya sa pinagsasabi.
"Honestly.." Napayuko si Mau na parang humuhugot pa ng bwelo sa sasabihin. Naging seryoso bigla ang kaninang naka ngiti niyang mukha.
".. I have someone already in my mind before I even won the prize.." Dumaan ata ang anghel dahil nanahimik ang lahat.
O baka nadala sa biglang pagsilakbo ng kakaibang emotion mula sa tinig, aura ni Mau na dumadagundong sa presensya ng lahat.
I guess it's about Margaux.
"...This someone I am talking about is.. Ammm, I'm gonna say special... I won't be a hypocrite, and I will admit that I'm uncertain about my feelings towards her.."
Nakuha niya ang buong interest at attention ko dahil sa mga binibitawan niyang salita.
Who is she referring to?
"...There is something about her I am keen to get by heart. I can't help but want to know more about her..."
Napahawak ako saking dibdib habang matamang nakikinig sa kanya.
"..If it's a crime to feel this way because maybe I am still stuck with my past, then I'm willing to be judged and sentenced to imprisonment."
Titig na titig ako sa kanya.
Hanggang magsalubong ang mga mata namin. Mau finally found me sa audience.
Gusto kong umiwas pero parang may kung anong energy ang pumipigil sakin.
Ginamitan ata ako ng power ni Elsa, freezing me so I could not move.
Nakaka tunaw ng mga tingin na yun na kung yelo lang ako kanina pa akong nag evaporate sa init na dala nito.
[MAUREEN]
Napalunok ako ng makita ko si Jezra. Akala ko kanina pa siyang nakauwi. Nag aalangan na ako tapusin ang sinasabi ko pero andito na ko.
It's now or never.
I just need to add some spice, a great idea. I'm gonna invite her in public para wala na siyang escape.
"Would you be my +1..." Nakaka basag eardrums na tilian ng lahat.
Napangiti ako sa cute niyang reaction. Kinakabahan ba siya? Dahil nakakakuha ng attention itong ginagawa ko? At damay siya don?
Tss.. I never made this kind of public declaration of something unusual. Yes. I'm an introvert, but I'm not shy or cowardly.
I can stand proudly, present, or show off to anybody if I want and choose to.
Fuck! What did I get myself into?
"...Would you be with me, spend time together... Please, my dearest wife?" Mas nakaka binging hiyawan.
"OH MY GOD!! She's married??" Hindi nakaligtas sa tenga ko ang malakas na remark na yun.
"Damn!! Sana all may isang MAUREEN!"
"Please.. Take my hand and hold me tight.. Let's dare to find out what's waiting ahead of us.. Should we give it a try? Please.. Jezra Renze Rendez, my beloved wife.. I want our marriage to work out. I don't want to be just your friend.. I want you.."
[JEZRA]
The f**k is she babbling?? Ganito na ba mga kabataan ngayon? What an impulsive move. Is she sure about everything she's saying right now?
And worst case scenario, publicly... Kaya niya bang panindigan yan? What about Margaux?? Paano kapag bumalik yun?
What about me when that happened? Bombang bibitawan niya ba ko??
Fuck.. She's crazy, literally destroying the walls I hardly build up around me.
And the last time I checked, I was f*****g straight...!
"You are out of your mind..." I mouthed, which I regret.
"What did you say??" Tanong ni Mau.
Ramdam kong napunta na ang lahat ng tingin sa akin ng tuluyan na ata nilang napag tanto na ako ang kausap ni Mau.
Malamang sabihin ba naman ang buong pangalan ko. The guts with this stubborn girl.
"Shoot.. Come up on stage, Professor Rendez.." This time, mas tumindi ang intense tension dahil si Miss Ice Queen lang naman ang nagsalita.
Oh.. I forgot na present pala silang mag asawa, kasama niya si Miss Avry Valeri Blossom.
[MAUREEN]
Sa loob loob ko ngiting tagumpay. Napaka priceless ng mukha ni Jezra. You can't acknowledge it.
"Aakyat ka din pala.. Pinatagal mo pa." Bulong ko ng nasa tabi ko na si Jezra. Siniko lang ako nito.
"Alam niyo guys.. Hindi nalalayo ang love story nyu sa amin ng mahal kong asawa..."
Panimula ng Ice Queen ang president nitong SU saka tumingin pa sa gawi ni Miss Avry, ang asawa niya na prenteng nakaupo pa din kasama ng iba sa gilid nitong stage.
"...Before, I didn't believe in saying that love moves in mysterious ways. At first, I didn't have a single drop of feelings towards my wife.."
Nagkatinginan pa sila mag asawa. Parehas na ngumiti na tila nagkaunawaan sa simpleng gesture na yun.
Seryoso ang lahat na nakikinig. Iba talaga ang nagagawa ng power ng isang to.
"...Takot din ako noon makaramdam ng mga bagay na hindi ako sigurado. That's understandable at a young age, but the thing is.. How would you know if you won't let yourself take you.."
Nakita ko ang pag tango tango ng nakakarami. Sang ayon din ako sa sinabi niyang yun at tila mas nalilinawan ako sa mga gumugulo sa utak at puso ko.
"Let us not allow fear to rule us. You should not be scared to tumble. Remember, we can always stand up, but with learnings that will bring us to the person we will be in the future."
Inilahad niya ang mga kamay na parang iniaalay ang buong sarili.
"Look at me.. This is where it brought me. With my wife and our kids. A happy family indeed.." Palakpakan ang lahat.
Ang gara.. Naka pag share pa ang famous, hot, and gorgeous hindi lang President ng SU.
Wow! Just wow...
"My advice to the both of you.." Bumalin siya sa gawi namin ni Jezra.
"..Follow your heart, whatever percent of admiration it has. That can be enough to have a happy ending.. If it's true love and you were really meant to each other, everything will fall in place."
Sinanggi ko si Jezra.."You hear that?" Sinamaan lang niya ko ng tingin. Arte.. Pakipot..
"I don't know you both. I have no idea what's struggling your marriage, but I can see the greatest future showered to you."
Lumapit na ang asawa nito at humalik sa sintido niya dahilan para mag sigawan nanaman ang lahat.
Mga kinikilig...