[JEZRA] HABANG nagtuturo tumatakbo din sa utak ko si Maureen. Gusto ko siyang makita, makausap, maayos yung hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin. Kating kati na akong tawagan siya or i chat pero hindi pwede. Panay ang tingin ko sa oras. Atat na akong makauwi. Si Maureen talaga ang hahanapin ko sa oras matapos itong last period ko. Forty-five minutes left.. Nagpatuloy ako sa topic. Nakikinig naman ang lahat at kahit nga hindi parang wala na akong pakialam. Tanging naglalaro sa isip ko ay ang dismissal. Pagtingin ko sa oras ko. Thirty minutes left pa—Pakiramdam ko ang bagal ng oras. Pwede na. Tinapos ko ang discussion at nag iwan ng assignment sa kanila. Twenty minutes pa pero.." Class dismissed. You may go." Tinapos ko na. Wala sa vocabulary ko to. Normally lumalagpas pa nga

