JENNA'S POV
"Isang magandang pagbati ng good morning para sa mga taong magaganda. Good morning sa inyo mga beautiful ladies." May bigla nalang sumulpot at sinabi yan kaya napakunot noo kaming apat.
"Isang nakaka bad mood na umaga para sa taong mayayabang!." Ani Athena.
"Zack! Wala ka pala e." Sinamaan lang ng tingin nung Zack yung isa sa tropa niya,tatlo kasi sila. Diko ngalang kilala yung dalawa at wala naman akong balak silang kilalanin.
"Miss sungit!." Inirapan lang ni Athena si Zack.
Naglakad na lang ulit kami papuntang room namin,Sino ba yung Zack na'yun at ang lakas maka fc ah.
Binuksan kona yung pinto pero nanlaki lang ang mata ko sa nakita ko.
"IKAW!."
"KAYO NA NAMAN." Sabay sabay naming sabing apat.
Anong ginagawa ng mga to sa classroom namin? Teka! Agad kong iniwas yung paningin ko ng magtama yung mata namin ng lalakeng nakakuha ng first kiss ko. Nabatrip na naman ulit ako,kainis. First kiss ko yun eh tapos sa kanya lang mapupunta.
Para sa first jowa ko sana yun! Hindi sa lalaking hindi ko naman kilala.
"Hi,Mina." Awkward lang na ngumiti si Mina, agad naman namin syang tinignang tatllo.
Kilala nya yon. Hindi manlang samin nagsasabi.
"Magkakilala kayo? Pano?." Nagtinginan yung apat na lalake na para bang may pinapahiwatig sa mga tinginan nila.
"So? Siya yung sinasabi mong si Clumsy girl na nagkabukol at natapilok." Agad na sumama tingin ni Mina dahil sa sinabi nung lalake na naka salamin,nagsalamin pa wala namang grado.
"Hello,Miss nahulog sa bubong." Napairap lang si Sabrina.
Agad naman na tumawa yung isang lalake.
"Miss spongebob?." Padabog na umupo si Athena at isinalpak sa tenga nya yung earphone niya.
Agad na nagtama ulit yung mata namin nung nakakuha ng first kiss ko pero umiwas ulit ako at naupo sa tabi ni Sabrina. Bat ba sila andito? At bakit kami palang mga tao dito?
Nasagot yung tanong ko ng magsidatingan mga iba naming kaklase,Medyo maaga pa pala.
"Oh my gosh!."
"Ang gwapo talaga nila."
"Buti naman pumasok na sila."
"Drei."
"Mkkkkk."
"Brixxx Jairus."
"Kevinnnn."
Grrr. Ang iingay naman ng mga babaeng to! Nakakainis naman. Sikat pala yung mga yun dito? Hindi namin nahalata ih.
"So sila yung mga lalakeng nang bwiset sa inyo kahapon?." Tanong ni Mina,nagsitanguhan naman kami.
"Nag search ako about sa goal university at diba may tinatawag silang mga prince dito?." Tumango ulit kami kay Mina. "Well silang apat lang naman ang prince dito. Yung nakasalamin ay si Kevin Pangilinan pinaka mabait sa apat,Yung lalake naman na naka blue backpack ay si Drei Perez-Guitarist at pinaka mapang-asar sa apat. Yung parang robot naman na'yun yung nakakuha ng first kiss mo Jenna ay si Brix Rivero-Di palatawa yun. At last ay si Mark Ken Reyes or Mk,Musician at pumapangalawa kay Drei sa mapang-asar. Lahat sila ay team ng basketball player dito sa goal university." Explain ni Mina.
Natahimik kaming apat.
"Ang panget pala ng mga prince ng school na'to." Ay putek! Nagtawanan kaming apat. Siraulo talaga si Sabrina,kung iba siguro eh pupurihin na sila.
"Gaga! Baka marinig tayo. Magkaroon pa tayo ng basher nyan ih." Mina. Nagtawanan nalang ulit kami.
MK'S POV
"There's something bothering me about those four girl's." Sabi ni Kevin kaya naman natuon ang atensyon namin sa kanya.
Tama nga naman sya,Nung interview pa lang parang kakaiba na sila e. Nacu-curious tuloy kami.
"Pre! Dahil siguro nakita mo yung short ni Miss spongebob." Biro ko pero binato niya lang ako ng eraser.
"Look!." Sabi ni Robot Brix kaya naman napatingin kami sa laptop niya.
"Yung sinasabi mo Drei na si Miss Clumsy ay si Mina Guertez-dating member ng volleyball team sa dating eskwelahan nila at english sya mas pinaka-magaling. Si Spongebob girl naman ay si Athena Velasquez,Top 1 simula pagkabata inshort matalino. Yung nahulog naman na sinasabi mo ay si Sabrina Alcantara-Sa Math naman sya magaling at guitarist sa school nila dati and the last ay si Jenna Villafuerte-Lutang minsan pero best in science."
Napatango naman kaming apat at napatingin sa apat na'yun na nagtatawanan lang. "I think mas kailangan natin silang pagtuonan ng pansin,scholar sila at kailangan natin malaman kung diserving ba nila yun." Ani Kevin,napatango naman kaming tatlo.
*Break time
"Una na muna ako ah." Paalam ko dun sa tatlo. "San punta,Tol?." Tanong ni Kevin.
Naks! Nagpapaalam palang ako miss na kaagad ako.
"Pre! Wag ka namang pahalata sakin. Mamimiss ko kaagad ako e,Dyan lang ako sa garden. Matutulog."
Binato ko ni Kevin ng papel sabay taas ng gitnang daliri nya,aba gago finuck you pa ako.
Agad akong pumuntang garden at agad na umupo,pasandal dun sa nag-iisang puno dito.
Magseselfie sana ako ng makita ko si Hulog girl.
"Miss! Hulog." Agad na kumunot noo nya. Tinarayan nya'ko. Aba aba! Wala pang nantataray sakin,sya lang.
"For you information,may pangalan ako. Wag bobo!."
"For your information,wala pang nangangahas na kausapapin ako ng ganya. Bukod tanging ikaw lang! Baka gusto mong mapalabas kita dito sa eskwelahan nato."
"Teka lang ha! Hindi porket isa ka sa prinsipe dito e ganyan kana. Gwapo nga demonyo naman,anong silbi ng pagka gwapo mo kung yung ugali mo demonyo." Halatang sobrang inis na sya. Aba kung sya sobrang inis na ako sobra pa sa sobra.
"Wala kang karapatan para sabihan ako ng Demonyo."
"At wala karing karapatan na asar asarin ako hanggat kailan mo gusto." Naiinis nyang sabi.
"Pakielam moba kung nakyu-kyutan ako sayo kapag naiinis ka." Natatawang sabi ko. Pero totoo yun ang cute nya kapag naiinis,para syang si angry bird.
"Ako cute? Gago." Sya na nga sinabihan na cute sya pa galit. "Hindi ako cute! Kainis."
"Cute kana nga ayaw mopa? Buti nga sinabihan kitang cute eh kahit hindi naman talaga." Natatawang sabi ko,tumaray naman sya. "Ang panget mo,gunggong!."
"Panget na pala yung gantong mukha? Wow! Nakakahanga naman."
"Ang yabang mo naman! Anong akala mo sa'yo gwapo? Wow kapal ng mukha nito. Nung nagpasabog siguro ng kayabangan lahat sinalo mo no? Grabe nayang kalevelan ng kayabangan mo e. Diko matake." Naiinis nyang sabi.
Ngumisi naman ako sa kanya. "Hahahaha,alam mo? Nakakatawa ka. You made my day Ms. Sabrina Alcantara."