"Hindi mo ba nakita ang mga mensahe at tawag namin sa'yo? Ang sabi mo ay alas diyes nandito ka na sa apartment mo. Malapit ng mag alauna!"
Napapikit si Raquel nang buksan niya ang pinto dahil sa malakas na boses ng kanyang ama. Hindi niya alam kung absent ba sa eskwela ang katabing kwarto na college student ang nakatira. Nasa dulo ang kanyang silid kaya wala na siyang problema sa kabila. Malaki ang building at mahaba ang pasilyo kaya tanaw na niya ang umuusok na ilong ng kanyang ama sa malayo. Pabalik-balik ito sa railings at sa pagkatok sa kanyang pinto.
Hindi niya inaasahang darating ang kanyang mga magulang dahil wala naman siyang natanggap na mensahe tungkol doon.
Ang maliit na tindahan ang dahilan kung bakit siya natagalan. Maraming sinabi ang matandang may-ari na tungkol sa mga
produkto nito na karamihan ay bago pa sa kanya. Nakabili pa nga siya kahit hindi naman niya iyon kailangan.
Nagtungo siya sa silid at nagbihis. Isinabit niya ang bag at dahan-dahang pinihit ang doorknob.
Nakaupo ang kanyang ama sa sala at may kinakalikot sa cellphone. Mabilis itong lumingon sa kanya. Alangan siyang lumapit at nagmano. Matigas ang katawan nito at ayaw pa sanang ibigay ang kabilang kamay na nakapatong sa hita.
"Pasensya na po kayo, tay. May binili lang ho kami ni Selma."
Pormal ang kasuotan ng kanyang ama. Kahit lampas bente na siya ay naiintimida pa rin siya rito. Marahil ay dahil sa malaki ang katawan nito at makapal ang kilay. Kahit mga kapit-bahay nila ay hindi gaanong nakikipag-usap sa kanyang ama. Hindi naman ito nanakit ngunit kapag galit ito ay talo pa sa matalas na gulok ang dila nito na sumusugat sa kanyang puso. Lumala pa ito dahil sa nagawa niyang kasalanan sa kanilang pamilya.
Napalingon siya sa larawan na nasa ibabaw ng kabinet. Larawan ito ng kanilang pamilya. Dalawa lang silang magkapatid at siya ang panganay. Ang kanyang kapatid ay tatlong taon na mas bata sa kanya. Ngayon ay siya na lang mag-isa ang anak ng mag-asawang Javier.
"Nagpunta lang kami rito upang malaman ang sitwasyon mo. 'Yun lang." Matabang na wika ng kanyang ama.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito at muling yumuko upang magsalin ng juice sa baso.
"Salamat po sa pagbisita ninyo ni inay."
Hindi nito ginalaw ang inumin. Hindi rin ito makatingin sa kanyang mga mata. Nasa kusina ang kanyang ina at nagluluto ng tanghalian. Nais niyang sumunod sa kanyang ina ngunit parang nadikit na ang kanyang pwet sa upuan.
"Malapit na ang anibersaryo ng kapatid mo." Tumango siya at yumuko. Isang taon na magmula ng maaksidente ang kanyang kapatid.
Hindi niya maintindihan ang sarili dahil kapag naiisip niya ang kapatid ay naiisip niya rin ang boses ng lalaki na tumawag sa kanya kahapon. Nagtataka siya dahil doon. Siguro ay dala lang ng pangungulila kaya niya iyon naiisip. Ayaw niya sanang pumunta ang kanyang mga magulang
"Kasalanan mo kung bakit siya namatay." Napapikit siya dahil sa narinig. Nakapinid ang kanyang mga labi kahit nais na niyang umiyak.
"Patawarin niyo po ako, 'tay."
"I can't do that. You're the reason why our family became like this. Kung sana hindi mo siya hinayaan na pumunta roon, hindi na sana nangyari ang traheya na kumitil sa buhay niya. Kasanalan mo ito, Raquel." Halos bulong na lang ito na nililipad ng hangin ngunit umabot pa rin ito sa magkabila niyang tenga.
Gusto niyang sumagot sa ama. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili. Gusto niyang malaman nito na hindi niya kagustuhan ang nangyari at araw-araw niyang hinihiling na sana ay siya na lang ang nawala. Malapit ng tumulo ang kanyang luha kaya mariin niyang kinagat ang ibabang labi.
Mukhang hindi naman nagsisi ang kanyang ama sa sinabi dahil blangko lang ang ekspresyon nito. Siya na ang hindi makatingin ng maayos sa kaharap.
"Hali na kayo. Kakain na." Wika ng kanyang ina. Parehas silang napatingin sa dako nito. Mabilis na tumayo ang kanyang ama at pumanhik na sa kusina. Sakto namang tumulo ang kanyang luha nang tumalikod ito. Agad niyang inayos ang sarili at sumunod na sa dalawa.
Mabagal ang takbo ng oras at mabigat ang hangin sa kanilang kusina. Halos hindi niya malunok ang kanin at ulam dahil sa sama ng tingin ng kanyang ama sa kanya.
"Mag-iingat ka rito, Raquel. Iba ito sa probinsya natin." Wika ng kanyang ina habang nagsasandok ng sinigang. Sa wakas ay muli na niyang matitikman ang luto nito.
Nakikinig lamang ang kanyang ama sa kanilang kwentuhan. Panay ang kwento ng kanyang ina tungkol sa trabaho nito.
"Ikaw, kamusta ang trabaho mo rito?"
Mabagal niyang nginuya ang karne at inisip kung sasabihin pa ba ang kakaibang nangyari sa kanya.
"K-Kahapon po sa calls ko, may tumawag po sa'kin na humihingi ng tulong nay. Sabi ng trainer ko na prank lang daw iyon."
Tumango ang kanyang ina. Siguro'y iniisp din nito na katuwaan lang ang tawag na iyon.
Nagulat siya ng sumabat ang kanyang ama. "Papano kung totoo pala iyon? Kasalanan mo kung may nangyari sa kanyang masama."
Yumuko siya at nagkunyaring hinahanap ang tsinelas sa ilalim ng mesa. Muli siyang nasaktan sa sinabi nito at parang konektado ito sa kanyang kapatid.
"Mahal, huwag mo namang isisi sa anak mo ang nangyari roon sa tao."
Nagkibit-balikat lang ito at tumayo. Lumipat ang kanyang ina sa nabakanteng upuan at hinimas ang maikli niyang buhok. Inipit nito ang takas niyang buhok sa likod ng tenga.
______________________
Pabalik-balik siya sa harapan ng kaibigan. Nais niya itong sampalin dahil sa kahibangan nito sa lalaki.
"Ano ba iyong nakita ko, Selma?!" Hindi ito makasagot sa kanya. Ilang beses na niyang inulit ang tanong. Alam naman niya kung ano ang nangyari. Kailangan niya lang malaman kung bakit iyon nagawa ng kanyang kaibigan.
"Are you two seriously together now, pagkatapos ng lahat? You told me Gideon was still with his girlfriend. So what, you both just decided to stab them in the back and cheat like it was nothing?!"
Nakayuko lang ito at pinaglalaruan ang mga daliri. Napasandal siya sa dingding at hinilot ang sintido. Hindi mawala-wala ang kanyang inis nang maabutan ang dalawa na nagtatalik sa fire exit.
Tapos na silang kumain at naghanap siya ng kape dahil sa lasa ng ulam na hindi maalis sa kanyang dila. Iniwan niya ang kaibigan sa cafeteria at nagpunta sa fifth floor upang bumili ng kape. Dala ang disposable cup ay dahan-dahan siyang bumalik sa elevator ngunit hindi maubos-ubos ang mga taong labas-masok doon. Nais na niyang makababa. Napalingon siya sa bakal na pintuan at lumapit doon. Hindi pa man siya nakakadalawang baitang ay narinig na niya ang mga ungol na galing sa isang babae.
Muntik na niyang mabitawan ang dalang kape. Tumalikod siya at muling umakyat nang marinig ang lalaki na tinatawag ang pangalan ng kanyang kaibigan.
"Bakit mo ba ginawa iyon and what the hell were you thinking? Is this what you call love?! Is this giving, huh? You actually let that pathetic bastard do that to you in the damn fire exit?! You make me sick!"
Nais niya itong sampalin dahil sa kahibangan nito.
"Sasabihin ko ito sa ate mo, Selma."
Mabilis itong tumingin sa kanya. Umiling-iling ito at agad bumuhos ang mga luha. Lumapit ito at mahigpit na hinawakan ang kanyang mga kamay. Parang ayaw nito na umalis siya sa lugar na iyon.
Ayaw niya itong makapanakit ng tao at ayaw niya itong masaktan. Hindi niya na dapat hinayaan na lumalim ng ganito ang nararamdaman ng kaibigan.
Siguro nga ay kagustuhan ito ng dalawa. Hinayaan nilang magdikta ang pangangailangan ng kanilang katawan kaysa paganahin ang utak.
"At hindi na matutuloy ang plano natin na pumunta sa malayong lugar. Matalino ka Selma. At alam kong kaya mong gawin ang mga bagay na nanaisin mo kahit nasa harapan mo lang ang hadlang nito."
"Hindi naman iyon lang ang dahilan kung bakit ko naisipan ang lakad na iyon, Raquel. Dahil din 'yon sa'yo!"
Natigilan siya sa sinabi nito.
"Para kang unti-unting namamatay magmula ng mawala ang kapatid mo! Ni hindi mo na nga naaalagaan ang sarili mo. This trip is meant for your healing. The reason there are eight of us here is to remind you that you’re not alone, we’re all here for you. Everyone knew the purpose of this trip, and we all agreed to do this for you. I only mentioned Gideon as an excuse to get you to come because I knew you wouldn’t let me do anything reckless. I understand that what we did here wasn’t right, and you have every right to be upset with me."
Para na nga ba siyang unti-unting namamatay? Limang klaseng gamot na ang kanyang iniinom. Ang kanyang buhok ay lagi niyang pinuputol at hanggang balikat na ito. Hindi rin pantay-pantay ang pagkakagupit. Pumapayat na rin siya at ang kanyang timbang ay malapit ng tumuntong ng trenta y nuwebe kilos.
Kumakain naman siya ng maayos. Siguro dahil iyon sa depresyon na hindi niya masabi sa ibang tao. Hindi niya namamalayang lumalabas na pala ito sa kanyang katawan.
"I promise, for the entire trip, I’ll stay away from Gideon. Just let this trip happen. It’s only four days in the mountains. After that, we’ll go home. If you still feel the same way, then you can decide what you want to do. But please, just give this a chance."
Iwinaksi niya ang mga kamay nito at bumaba ng tuluyan sa ikatlong palapag gamit ang malalaking baitang ng hagdan. Malapit ng matapos ang lunch break nila at kailangan na nilang bumalik sa production area.