Kabanata 10

1375 Words
Hindi gaanong malamig sa Silent Peak. Kumpara sa Sable ay mas magaan ang pakiramdam niya sa bagong lokasyon. Nag set sila ng campfire sa gitna at nagkwentuhan. Nagiging komportable na siya sa mga kasama. Tapos na silang kumain at nagplano ng magpahinga. Tinabihan niya ang kaibigan na nakaupo sa damo. Sumandal siya sa balikat nito na nakagawian na niya. "I'm sorry for not trusting you, Selma." "Okay lang. Sana naging masaya ka rito." Tugon nito habang naghahanap ng kanta sa cellphone. "ROSALIE!" Natigil sila sa pagkukulitan nang marinig ang boses ni Gideon sa malayo. Tumayo siya at aalis na sana ngunit biglang hinawakan ni Selma ang kanyang kamay. "Saan ka pupunta, Raquel?" "Mukhang may nangyayari kina Gideon sa banda roon." Turo niya sa madilim na parte. Nagsitayuan ang lahat at isa-isa ng nagpunta roon ngunit hindi si Selma. Nanatili lang itong nakaupo at muling ipinansak ang earphones sa magkabilang tenga. Walang humpay ang mga sigaw ni Gideon kaya iniwan na niya ang kaibigan at sumunod sa iba. Kahit bilog ang buwan ay nahirapan pa rin siya sa pagsunod sa mga kasama. Naabutan niya si Gideon na puno ng putik ang mga paa at nawawala ang isang tsinelas nito. Nakasandal ito sa malaking puno at umiiyak. Nilapitan niya ito at inilawan. "Gideon, ano ba ang nangyayari sa'yo?" Nawalan siya ng balanse nang itulak siya nito. Muli itong tumayo at tumakbo sa mas madilim na parte ng gubat. Sumunod ang ilan sa kanila. "Raquel, okay ka lang ba?" Tanong ni Ismael at inalalayan siyang tumayo. Sa likod nito ay ang galit na mukha ni Gael. Nang magtama ang kanilang mga mata ay agad nitong binawi ang tingin at sumunod na kay Gideon. Kumunot ang kanyang noo dahil sa inasal nito. "Ano ba ang nangyari, Ismael?" "Rosalie is gone." Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa narinig. "They’re doing something here. I think they’re having s*x. He said he just went to the other side to pee, but when he came back, Rosalie was gone." "W-What?" "Gideon has been looking for her, but she’s nowhere to be found. The strange thing is, he didn’t hear a sound. She just... disappeared, like she was never here." Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Nagitla siya nang hawakan nito ang kanyang kamay. "Raquel, ang mabuti pa ay bumalik ka na sa pwesto natin. Baka napano na si Selma roon." Agad na bumilis ang t***k ng kanyang puso nang maalala ang naiwang kaibigan. Mabilis siyang tumakbo at iniwan si Ismael. Susunod daw ito kina Gideon. Naabutan niya si Selma na nasa duyan na at kampanteng nakahiga. Dahan-dahan niya itong nilapitan. "Selma, R-Rosalie is missing." Wika niya sa kaibigan. Tumalikod ito at muling nakinig ng mga awitin. Nagtaka siya dahil hindi man lang ito nakitaan ng pag-aalala. Hinawakan niya ang tali ng duyan at naupo sa paanan nito. Nilingon niya ang kaibigan na tulala lang habang nakatingin sa katawan ng puno. ________________________ "Hindi mo ba nakikitang delikado ang lugar na ito? We need to go home and call the police!" "We're not going home without my girlfriend, Nikki!" Kanina pa nagtatalo si Nikki at Gideon dahil nais ng umuwi ng una. Hanggang ngayon ay hindi parin nila nahahanap si Rosalie. May mga bakas kung saan siya dinala ngunit putol ang mga ito. Parang ginawa lang para malito sila. Nandito pa rin sila kung saan nila tinayo ang mga tent. Si Ismael ay nag-iimpake na. Siya ay sinimulan ng iligpit ang tent. Tanging tent nalang ng magkasintahan ang nakatayo. Kanina pa nagpupumilit si Ismael na umuwi na sila ngunit ayaw ni Gideon. Napasabunot ng buhok si Nikki dahil sa katigasan ni Gideon. Naiintindihan naman nila kung bakit ayaw muna nitong umuwi. Ngunit ayaw na nilang manatili roon. "What about us? We don't want to go missing too!" Sinipa ni Gideon ang katawan ng puno. Galit na galit ito at kanina pa nagwawala. Labindalawang oras na nilang hinahanap si Rosalie at ayaw na nilang abutin muli ng gabi roon. "You don't know how I feel, Nikki! So shut the f**k up! We're going to search for Rosalie, and that's final!" Naririndi na siya sa dalawa. Dapat ay hindi nalang sila nagpunta sa bundok na iyon. Sinisisi rin niya ang sarili dahil hindi naman magpaplano si Selma na pumunta sa The Lost Mountain kung inaayos niya ang kanyang sarili. Kasalanan niya ang lahat. Tama ang sinabi ng kanyang ama noon. Na darating ang araw na sisisihin niya ulit ang sarili.Mabilis niyang pinalis ang tumulong luha. Hindi siya dapat panghinaan ang loob. Siya ang nagdala sa mga kaibigan sa bundok na iyon kaya siya ang sasalba sa mga ito. Isinuot niya ang backpack at binitbit ang tent. Iniwan niya ang isang bag na naglalaman lamang ng mga damit at pagkain. Hinanap niya ang kaibigan na sumali na sa pagtatalo. Nilapitan nito si Gideon at hinawakan ang braso nito na parang pinapakalma ang binata. Nagulat ang lahat sa malakas na sigaw nito. "Don't you dare touch me!" Bakas sa mukha ng kaibigan ang labis na gulat. Pati siya ay natigilan at mukhang may ideya na siya kung ano ang kasunod ng sigaw na iyon. "What now, Selma? Are you seriously pretending to care about me and my girlfriend? Do you actually think I could ever love you? Hell no! I only f****d you in that fire exit because you were pathetically desperate for my attention!" Mabilis niyang hinila si Selma palayo kay Gideon. Hindi matigil ang pag-iyak ng kanyang kaibigan. Nilingon niya ni Gideon na mukhang hindi nakonsensya sa sinabi nito. "And now you're crying? Tell me, did you plan this? Did you make sure we all got lost in this damn mountain? You wanted to put my girlfriend in danger, didn't you? Speak up, you scheming b***h!" Pulang-pula na ang mukha nito. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa kaibigan na humihikbi at sa galit na galit na si Gideon. Napatingin si Selma sa kanya na parang nanghihingi ng tulong. Bakit hindi niya ito magawang depensahan? Dahil ba totoo ang sinasabi ni Gideon o dahil...nais niya rin itong sisihin sa paglagay sa kanila sa ganoong sitwasyon. Wala siyang ibang naiisip kundi ang pamilya. Nais na niyang makauwi at malayo sa lugar na iyon. Madaling pumagitna si Teddy at nagbigay ng suhistyon. "Okay, bitches and assholes, why don’t we just split up? Ang mga gustong umuwi ay magsama-sama at maghanap ng daan. At 'yung mga gustong tumulong sa paghahanap kay Rosalie ay magsama-sama na rin." Naningkit ang kanyang mga mata dahil sa narinig. "Are you serious, Teddy? Ni hindi natin alam kung papano makakalabas sa lugar na ito. Tapos maghihiwa-hiwalay pa tayo?" Itinaas nito ang kamay at tinuro ang daliri sa gilid ng ulo. "This is why we should split up, Raquel. Are you even thinking? Hindi nga natin alam kung pano makakalabas. Pero kung may makalabas rito na isa man o dalawa sa atin ay makakahingi ng tulong sa ibang tao." "I saw some kids in this mountain, Teddy. N-Noong nasa talon tayo. That means there are residents here. Isa pa, may nakita rin kami ni Ismael na mga bakas ng paa noong naglalakad pa tayo patungo sa Sable." Nilingon niya si Ismael na tumango. "Then that will be a big help. But we need to find them and ask for their help. Since they live here, I'm sure they know the way out of this mountain." Tugon nito. Sumabat si Nikki at nagpresenta na tutulong siya sa paghahanap sa mga tao. Tumango siya at sumama na rin. "Sasama rin ako. Ayokong makasama itong isa." Wika ni Teddy. Nakatingin ito kay Gideon na may nakakatakot na mukha. Napailing siya. Dinala niya ang backpack. Ang ilang mga gamit ay iniwan nila sa lokasyon na iyon. Usapan nila na muling magtatagpo sa lugar na iyon kapag nagawa na nila ang mga kailangang gawin. Lumapit si Selma sa kanya at nakiusap na sasama sa kanilang tatlo nina Nikki at Teddy. Halata sa mukha nito na nasasaktan pa rin sa narinig kay Gideon. Unang umalis ang tatlong lalaki na hahanap kay Rosalie. Ang grupo naman nila ay nagtungo na sa kabilang direksyon. Hindi niya nasabi ang isang importanteng bagay kay Teddy. Na ang mga batang nakita niya ay hindi normal. Binato siya ng mga ito. Sana lang ay hindi sila mapahawak sa gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD