Tahimik ang paligid. Tanging huni ng mga ibon at kaluskos ng mga dahon ang maririnig sa paligid ng kakahuyan. Hindi pa rin siya gumagalaw sa kinauupuan, hawak pa rin ang malamig na kamay ng kaibigan.
Unti-unting nagising ang iba. Hindi pa alam ng mga ito ang nangyari. Lumapit ang lahat sa kanya nang makita siyang umiiyak.
Natulog sila kagabi na dala ang pag-asang makakauwi na ngayong araw ngunit sa halip na pag-asa, isang trahedya ang bumungad sa kanila.
"Anong nangyari?!" tanong ni Teddy habang lumalapit, hawak ang kanyang balikat. Hindi siya tumugon at pinagmasdan lang ang walang buhay na dalaga.
Hinawakan niya ang suot nitong singsing na balot ng dugo. Naisip niya ang lola nito at ang lalaking pakakasalan ng kaibigan.
Nang makita nila ang duguang dahon ng saging at ang katawan ni Nikki na tila natutulog lamang, isa-isa silang napahinto. Napalitan ang katahimikan ng hikbi. Walang kailangang ipaliwanag.
Wala nang ibang salita. Wala nang sigawan. Tanging sakit na lang ang naiwan.
Naghukay si Leon at Teddy ng paglilibingan ni Nikki. Ang nag-iisang kumot na dala ay kanilang ibinalot sa katawan ng dalaga.
"We need to stay here for a while. Samahan muna natin siya." Wika niya sa mga kasama. Mabilis na lumapit si Teddy sa kanya at mariing hinawakan ang kanyang braso.
"You're kidding, right? Raquel, the chance to get out of this mountain is just a few steps away. We can't stay here!"
"I agree with what Teddy said, Raquel." Segunda ni Selma. Ilang dipa lang ang umbok ng lupa kung saan nilibing si Nikki ngunit parang wala lang ito sa dalawa.
"Nikki just died." Tinuro niya ang lupa.
"So what?"
She looked at Teddy in disbelief. How could this man be so heartless? They had known Nikki for months, and this is how they reacted to her death?
"Look, Raquel, this isn’t about being heartless. But we can’t stop now just because we lost someone. That’s exactly what happened when your brother died, you froze."
Natigilan siya nang banggitin nito ang nangyari sa kanyang kapatid. "Huwag mong isali ang kapatid ko rito. Wala kang alam, Teddy."
Lumapit si Selma sa kanya. "We’re not trying to forget what happened to Nikki, ngunit hindi na tayo dapat na manatili rito lalo pa ngayon na alam nating hindi ligtas ang bundok na ito dahil sa nangyari kay Rosalie at dahil sa ulo na tinapon sa kung saan. Malay natin kung may madaanan pa tayong ganoon 'pag hindi tayo umalis ngayon. Makinig ka sa amin, Raquel. Kahit ngayon lang."
Tumango si Teddy. Ang mag-ama ay nagtinginan at mukhang may sariling desisyon. Napaatras siya at lumayo sa dalawang nangungumbinsi. "Look, I’m not trying to be an asshole. But the way out of this goddamn mountain is finally within our reach. We already gave her peace, she’s free from the pain now. It’s our turn to survive and to make sure her family knows the truth."
"Tama si Teddy, Raquel. We’ll just call the police to rescue Gael and the others… and retrieve Nikki’s body. Otherwise, all of us are going to end up buried here too or worst the Timbaws are going to eat our body, and I don’t want that."
"Ineng, tingin ko ay tama ang mga kasama mo. Kailangan na nating umalis ngayon dahil paniguradong nag-aalala na sa amin ang asawa ko."
Nauna na maglakad ang mag-ama. Kinuha na rin ni Teddy ang gamit nito at sumunod sa matanda.
"Raquel, you're not always right. Sa sitwasyong gaya nito, kailangan nating makinig sa isa't-isa." Tinapon nito sa kanyang dibdib ang t-shirt na kulay puti. Sinalo niya iyon.
"Wipe the blood off your arms and neck. You look like shit."
Nagsimula na rin itong maglakad at siya na lang ang naiwan. Nilapitan niya ang pinaglibingan kay Nikki at naupo. Hinawakan niya ang umbok ng lupa at nag-alay ng dasal sa kaibigan.
"I know we only had a short time together but those moments meant everything to me. I’m sorry I have to leave you now. I know how much you hated being left behind. But I promise, Nik, I’ll watch every sunrise for you, carry your hope with me, and find a reason to keep going. I’ll get them out of here and we’ll take care of Lola. I swear to you, none of this will be in vain."
_____________________________
Sa lupa lang ang kanyang tingin habang naglalakad. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kay Nikki. Parang panaginip lang ang lahat. Kahit labag sa kalooban ay pumayag siyang magpatuloy na sa paglalakad.
Malayo-layo na ang kanilang nalalakad ngunit hindi siya nakaramdam ng pagod. Tila namanhid ang buo niyang katawan dahil sa pagkamatay ng kaibigan. Kahit halos tatlong buwan niya lang itong nakilala ay napalapit na ang loob niya rito.
Ayaw nitong kamuhian niya ang sarili kaya ngayon ay hindi niya alam ang nararamdaman. May parte sa kanya na inisip na hindi na mahihirapan si Nikki. Ilang beses na nitong sinabi na nais na nitong ipahinga ang sarili.
Bakit ba hindi niya mapagaan ang sitwasyon para sa mga kasama? Ginawa niyang impyerno ang buhay ng mga ito. Naalala niya ang mga sinabi ni Teddy, na siya ang nagdadala ng kapahamakan sa mga kasama. Na mas mabuti pang iwan na lang siya sa gitna ng bundok na ito. Hindi niya namalayan ang pag-agos ng mga luha.
Muntik na siyang masubsob sa lupa nang itulak siya ni Selma. Mabuti nalang at maagap si Leon na nasa tabi niya at tahimik din.
"Paano nangyari 'yun, Raquel?!" Asik ni Selma sa kanya.
Natigil ang lahat sa paglalakad. Hinarap niya ito at hindi na niya na kontrol ang sarili. Tinulak niya ito ng mas malakas dahilan kaya napaupo ito sa lupa.
"You killed Nikki, didn't you?" Wika nito na may nakakalokong ngisi.
"Hindi ko ginawa 'yun, Selma!"
"Then why are you mad?" Tugon nito at dahan-dahang tumayo. Inalalayan ito ni Teddy at pinagpag ang mga alikabok sa damit nito.
Nilapitan niya ito at malakas na sinampal. Naghalo na ang kanyang pagod at inis sa kanilang kalagayan. "Wala akong rason para gawin 'yun, Selma! Akala ko ba maayos na tayo? Hindi mo alam ang nararamdaman ko! Araw-araw kong iniisip ang kapakanan niyo. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong ibalik ang mga araw nang sa ganon ay wala tayo sa sitwasyong ito!"
"Relax, no need to give us a whole monologue. It’s a simple yes or no, Raquel. Or maybe you just love wrapping your answers in fancy words, hoping we won't notice you're not really saying anything."
"Tama na iyan, Selma." Wika ni Teddy sa kanyang tabi. Nagtaka siya nang sumunod ang kanyang kaibigan sa sinabi ng binata. Hindi ganoon ang pagkakakilala niya kay Selma. Bihira lang itong makinig sa kanya simula pa noon.
Tumabi siya nang dumaan ang dalawa. Nanlilisik pa rin ang mga mata nito. Akala niya ay okay na sila ngunit mas kumapal pa ang pader sa pagitan nilang dalawa.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Leon sa kanya. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Naubo ang matanda at may ibinulong na nagpamula sa pisngi ng anak nito.
"Tara na dahil baka maabutan na naman tayo ng gabi." Wika ng matanda at iniwan sila ni Leon. Nakatinginan sila ng lalaki at sabay na lumingon sa magkabilang direksyon.
Malayo na ang kanilang nalalakad. Hindi nila ginamit ang mapa dahil tinapon na ito ng matanda. Sa tingin niya ay hindi na sigurado ang mag-ama sa kanilang dinadaanan dahil minu-minutong napapahinto si Mang Lauro at napapakamot sa ulo.
Hindi sila nananghalian. Tiniis nila ang gutom at uhaw. Walang nagreklamo ni isa sa kanila. Napakalagkit na ng kaniyang pawis dahil ilang araw na siyang hindi nakakaligo. Maitim na rin ang dulo ng kaniyang mga kuko sa kamay at paa dahil sa dumi.
Sa bawat hakbang ay ramdam niya ang bigat ng pagkawala, ng pagod, at ng takot. Parang unti-unti silang inuubos ng bundok—ang lakas, ang pag-asa, at ang panahon. Ngunit kahit walang katiyakan ang daan, tuloy pa rin sila. Dahil sa likod ng bawat sugat at gutom, may panata silang kailangang tuparin, ang makalabas nang buhay.
Kahit hindi maayos ang samahan nila ngayon, ipinangako niyang gagawin niya ang lahat para mailabas ang mga kaibigan niya mula sa lugar na ito kahit pa...kahit nararamdaman niyang may sumusunod sa kanila ngayon.