Kabanata IX
"How's your vacation, Blairelaidy?"
Napahawak ako sa aking dibdib at napaatras. Pinilit kong pakalmahin ang sarili at sinubukang ipakita sa kanya na hindi ako apektado sa mga salitang narinig galing sa mabaho niyang bibig.
Ang kapal ng mukha niyang hukayin ang pagkatao ko!
"Laira!"
I immediately hold a grip of Mievienne's hand as she approached me. Anwir followed her on stage and led me to the back stage. Nang tuluyang makapasok sa bahaging walang ibang nakakapansin sa amin ay doon bumuhos ang lahat ng pangamba at takot na pilit kong ibinaon sa ilalim ng impyerno.
"Namumutla ka." Nag-aalalang usal ni Miev na siyang binalewala ko lamang.
"Deadliest weapon?" I scoffed.
O baka gusto niyang mapatay ng isang deadliest weapon na siyang sinasabi niya?
"Maybe we should go home already." Anwir suggested.
"Right, umuwi na tayo Laira." Miev seconded but I refused.
Hindi ako aalis hangga't hindi ko sila nasasakal.
"Huwag ng matigas ang ulo witch! Let's go, c'mon!"
"Hey Laira, tara n-"
They both stopped from sputing non-sense as I stood up, straight with a fuming eyes. They tried to stop me barging at the stage but it didn't worked on me. Napangisi pa kamo ako nang sumaktong tinapos kaagad ng kalbo ang programa niya kaya't nagkaroon ako ng oras para ma-solo siya.
"How's my surprise? Got surprised?" Pang-aasar niyang tanong nang harapin ko siya.
Unti-unting nawala ang saya at giliw na dala ng tanggapan kanina at dahan-dahang pinatay ang mga ilaw na nanggagaling sa ikatlo at ikalawang palapag ng gusaling ito. Kataka-takang mabilis na naglaho ang mga bisita ng kalbo. Ang mga guwardiya niya at ang nag-iisang walang hiyang alipores niya na lamang ang natitira naming kasama dito sa entablado.
Miev at my side was pulling my arms trying to stop me from fighting while Anwir stayed calm yet alert of what might happen to us at this hour.
"So that was your plan?" I smirked. "Ganon ba ako ka-espesyal para sayo? Pinaghandaan mo pa talaga ako ng isang napaka-engrandeng pagdiriwang ah! So sweet of you, baldy." Mapanuya kong tugon.
He didn't uttered any words kaya lumingon ako sa lalaking katabi niya.
"At talagang pinagchismisan mo pa ako ha?" I glared at the guy before I turned my gaze back at him.
"Tell me baldy, ganyan ka na ba talaga ka uhaw sa atensyon ko para i-frame up ako sa gabing to?"
Pinigilan ko ang mga paa kong huwag gumawa ng kahit anong kilos na maaring ikapapahamak ko. Gustuhin ko mang hambalusin ang pagmumukha niya ay hindi ko magawa. Miev is with us. I can't let her hate me again for the possibilities that I can do for the people whom I dislike.
Maswerte pa rin sila dahil may anghel na magliligtas sa kanila sa gabing 'to. Pero dapat siyang mag-ingat, kasi paubos na ang pasensya ko para sa araw na to.
"Sinabi ko naman kasi sayong hindi ka makakawala sa bisig ko Ms. Guerra. Oh, sorry! I should be more specific- I mean Ms. Laira." Paglilinaw niya nang mapansing kasama ko ang nag-iisa at tunay na anak ng mga Guerra.
"You should be thankful to me, sweetie. I'm actually doing you a favor!"
"I don't need a help from you, dickhead." I hissed.
Mapakla siyang tumawa. Humakbang siya palapit sa dako ko at sinipat ako mula ulo hanggang paa.
"Look how perfect they created you." Namamangha niyang usal sabay hawi ng iilang hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko.
"What a shame they abandoned you."
Mabilis kong hinawi ang kamay niya at tinulak siya palayo.
"Woah, hey! Easy young woman."
Naramdaman ko naman ang pagkasa ng mga baril ng mga tauhan niya. Pati ang lalaking nasa likod niya ay mabilis na nagpakawala ng armas dahil sa ginawa ko. Samantalang ang dalawa kong kaibigan ay mas piniling wag makialam sa gulong sinimulan ko.
"Manang-mana ka talaga sa mama mong sobra-"
"Shut up!"
I quickly grab my knife as I swiftly flip the slit of my gown and throw it towards his direction. Pero mas mabilis pa sa kabayong kumilos ang taong nasa likuran niya kaya't nagawa nitong pabalikin ang kutsilyong inihagis ko sa direksyon na tinatayuan ko nang sipain niya ito. I made a loud howl as it landed at my left shoulder.
"Laira!"
Napaluhod ako dahil sa nangyari. Pilit kong hinawakan ang braso kong nasugatan na siyang hindi mapigil sa pagdurugo.
Ugh!
I yelped in pain when Anwir bailed the knife out from my system. Malakas masyado ang pagkakatulak pabalik ng kutsilyo kaya't napabaon ito ng malalim sa katawan ko.
Tungstenang atom!
Napapikit ako dahil sa sakit. Napamulat din kalaunan nang may humawi sa ulo ko paitaas. And then there I witnessed the mischievous smile of Lucifer, prying his nosy butt at me.
"Learn how to partake sometimes, darling. Because no matter what angle or side you are, you can't fight back on this game against us." He smirked. "You have nothing against us nor on me."
-
Isang malalim na hininga ang binuga ko nang magising sa isang madilim na panaginip. I moaned in pain as I felt the great tingle at my left arm. It was wrapped by a white cloth as a bandage already. Marahil ginamot to ni Anwir kagabi o di kaya kanina? I don't know. I lost my consciousness last night after I felt the real pain of my knife.
"Thank God, you're finally awake."
Napabaling ako sa lalaking nasa kanang bahagi ng kama ko. I frowned as I saw the same suit he was wearing last night. May pasa rin ang kaliwang labi niya.
Saan niya naman nakuha yan?
"Hindi ka umuwi?" I asked.
Humikab siya. Ngumiti sa akin bago sinipat ang sariling kasuotan.
"Para namang ang layo ng bahay niyo dito sa'min." I commented.
Tumawa siya. Bahagya akong napahawak sa braso kong sugatan tsaka pinilit na tumayo.
"Stay still, Lai. Hindi ka pa gaanong magaling." Saad niya pero inalalayan niya pa rin akong makaupo sa kama ko.
"I already sutured your wound, it's the best thing to do for triangular stabs." Tumingin siya sa kutsilyong nasa itaas ng vanity table ko. "Hindi basta-basta ang armas mo, kaya sana naman mag-iingat ka." Pangangaral niya. Dahan-dahan naman akong napatango.
"Pasalamat ka't may kaibigan kang nag-aaral sa pagdo-doktor, kaya naagapan yang sugat mo."
"Thanks doc." I teased.
He mocked then put his right palm at my forehead. Napangiwi nang maramdaman ang init na sensasyon sa katawan ko.
He heavily sighed. "Ipagluluto kita kaya matulog ka muna. It's still six in the morning, take more rest."
But I didn't move as he said. I looked at him, blankly. Nangalay pa ata ang braso niya dahil sa paraan ng pagtulog na ginawa niya.
"Umuwi ka na, I'll handle myself."
Umiling siya at pinitik ang magkabila kong tenga. Sinamaan ko siya ng tingin.
Potassium, ang sakit nun ah!
"Ikamamatay mo ba ang pananatili ko rito ha? Tsaka, pwede ba Laira, makinig ka naman. Napapahamak ka dahil sa katigasan ng malaki mong ulo, alam mo ba yun?"
Napatahimik ako.
"At nadadamay ang mga taong malapit sayo dahil diyan sa inaakto mo."
I turned my gaze at Miev when she entered my room. May dalang pagkain at gamot na siyang nilagay niya sa study table ko. Nakonsenya ako lalo nang makitang pati siya ay hindi pa rin bihis. Inirapan niya ako pagkatapos niyang umupo sa tabi ko.
"Anwir got fired." I almost gasped as she said.
Napasandal si Anwir sa inuupuan niya. Hindi man lang ako binigyan ng kasagutan.
"Inaway lang naman kasi niya si Dwyn." Iritang usal ng katabi ko.
Kaya pala siya may pasa.
"Ano bang pumapasok diyan sa mga kukote niyo ha?" Miev stood up and stared at us, madly. "You're kicking your asses at the wrong people! Hindi lang sugat at pasa ang makukuha niyo dahil sa kahibangan niyo na yan." She halted and then seriously laid her eyes at us.
"You're digging your own deadlines. You're slowly knocking your own death."
Napayuko kaming pareho ni Anwir. I wanted to apologize to her but I can't open my mouth to speak. Mas mabuti nang manahimik na lamang ako sa tabi kesa sa kontrahin pa ang sinabi niya.
She yelped in annoyance before she left the room opened as she walked-out.
"Kumain ka na." Anwir weakly smiled at me. "Don't worry about her, ako na ang bahala dun. Take your meds after you eat, okay?"
I nodded. "Magpahinga ka rin."
Ginulo niya ang buhok ko bago tumango. "I'll check on you later, hmm?" He said then left me.
Sinunod ko na lamang ang bilin niya. Bago naisipang kumain ay lumakad muna ako patungong banyo para makapagbihis dahil basa na ng pawis ang likuran ko. Pagkatapos ay dumapa ako sa kama at nagsimulang kumain.
I need to regain my strength immediately. May kailangan pa akong patumbahin na isang kalbo at isang asungot na n***o.
-
Ilang ulit akong napabuga ng hangin habang nakasandal sa headboard ng kama ko, inaaliw ang sarili. I smiled when my temperature decreased to normal temp. Pero nainis din nang kumirot ang braso ko.
"Potassium."
I wore my hoodie and went out of my room. I tried knocking at Miev's door, but I stopped as I got no respond from her. Bigla akong napabaling sa malaking bintanang nasa pagitan ng kwarto ko at kwarto ni Miev. I move towards the window glass and leaned my unwounded arms on it.
I closed my eyes as I feel the freshness of the air. Narinig ng mga tenga ko ang kaluskos ng mga dahon galing sa nagtataasang mga puno ng Mahogany na nakatayo sa likurang bahagi ng bahay nato.
"Hindi nga pwede ma."
Napasilip ako sa labas ng bintanan nang marinig ang boses niya. Nang makitang kausap niya si mama sa cellphone niya ay mabilis akong bumaba kahit medyo paika-ika. Mas sumasakit kasi ang sugat ko kapag kumikilos ako ng mabilis.
"I'm doing my best to protect her ma, don't try to ruin my plan."
Napahinto ako. Napansin kong tinaasan niya ng boses si mama kaya umeksena ako. Nagulat naman siyang lumingon sa dako ko.
"Laira."
Agad niyang pinatay ang phone niya at nilapitan ako.
"Bakit ka bumaba!? Okay ka na ba, ha?" She worriedly asked.
Marahan akong ngumiti. "Si mama? Kamusta siya? Nagkita na sila ni papa? Kailan sila uuwi?"
Inalalayan niya ako patungong sala bago sinagot ang mga tanong ko.
"Worry to yourself, witch." Pangangaral niya. "Maayos ang lagay nila mama, kaya dapat maging maayos din ang lagay mo."
Umupo ako sa sofa na katapat ng tv namin. Pumunta naman siya sa kusina upang kumuha ng maiinom tsaka ibinigay sa akin.
"Matatagalan pa bago sila makauwi."
I nodded.
"Masakit pa ba?"
"Hindi na masyado." Pagsisinungaling ko.
"I don't want to ravage their time together with papa kaya hindi ko na muna sinabi ang nangyari sayo kagabi. I don't want to rush them here because they worry too much on you."
"That's fine, thanks." I gave her a smile.
Silence covered every corner of our house as no one tried to mumble. Naalala ko ang kaganapan kagabi kaya napatingin ako sa kanya bago nagtanong. Napatigil naman siya sa pagtayo nang mapansing may sasabihin ako.
"C'mon, spill."
Huminga muna ako ng malalim bago nagtanong ng tuluyan.
"The guy last night, that was Ajaxdwyn right?"
"Uh yeah." She gulped before answering. "Pero hindi ko alam na may malaki pa lang siyang posisyon sa bayan na 'to. I just knew him as an ordinary one like us." In rattled, she explained.
"I'm sorry."
Umiling ako. "Hindi mo kasalanang napaka-loyal niya sa amo niya Miev. At isa pa, you were lured! Nabiktima ka rin kagaya ko."
"He was good to me Lai-"
"Anyone can act as a good one, Miev. Don't get fooled with such tactic."
She bit her lip and started playing her nails as she felt uncomfortable.
"Don't give too much attention to that guy. Huwag kang magpapaloko ulit sa lalaking yun, naiintindihan mo?" I intently looked at her brown eyes. Pero pagmamaktol lamang ang isinukli niya.
"Nahuhulog ka na ba sa lalaking yun?" May pandidiri kong tanong. Napahinto naman siya tsaka napasimangot.
"Hindi ah."
I crossed my arms trying not to argue with her statement.
"Hindi nga!" Sigaw niya.
"May sinabi ba ako ha?" I rolled my eyes.
"Kumukontra yung mga abo mong mata eh!" Turo niya sa bilogan kong mata.
Tumayo ako at hindi na lamang siya pinansin. I raised my feet and rested it on the ground as I stood up. Pero napahinto rin kagad nang makitang may taong nakatayo sa labas ng bahay namin.
"What the helium is he doing here?" Baling ko kay Mievienne.
Mabilis siyang sumilip sa labas at bahagyang napatili dahil sa nakita.
"I didn't invite him." She uttered without breaking an eye contact at the guy.
"Swear, I didn't."
Lumakad ako palapit sa pintuan namin at agad itong sinara.
"Hoy teka!"
Mabilis kong hinatak papasok si Anwir nang sumulpot siya. I was about to close the door when someone tightly hold it stopping me from closing it.
"Magandang araw." Bati niya.
Inis ko siyang tinapunan ng tingin. Pilit kong binabawi ang pintuan sa kanya para maisarado ito ng tuluyan. Pero mabagsik siya at malakas masyado kaya't nakuha niyang mabuksan ito ng walang kahirap-hirap. Muntik pa akong matumba sa kinatatayuan ko. Fortunately, Anwir was at my back, kaya madali niya akong nahawakan para makatayo ng maayos.
"Magandang araw din sayo-"
Miev quickly shut her mouth as I glared at her. Muntik pa siyang mabatukan ni Anwir na nasa gilid niya.
"Am I not welcome here?"
I dryly looked at him. "Obvious ba?" Halos magkasabayan naming tugon ni Anwir.
"You seem fine." Komento niya sabay dako ng tingin sa braso ko.
"Thanks to you." I sneered.
Ngumisi siya. Ipinasok niya ang kanyang dalawang kamay sa suot niyang pantalon tsaka nagkibit-balikat.
"Can we talk?"
"No-"
"-sure!"
I darted at Mievienne. Yumuko siya at tinakpan ang sariling bibig. Pinandilatan niya si Anwir nang binatukan siya nito ng tuluyan.
"Mievienne, hey!" Magiliw niyang bati sa kaibigan ko.
Tango lamang ang isinagot ng bruha dahil tinatakpan niya pa rin ang bibig niya kaya medyo napatawa tong lalaking nambwe-bwesit sa lungga namin.
"I have something to tell you." Nagulat ako nang tumingin siya sa akin. "Can we talk? In private, of course."
Marahas akong hinawakan ni Anwir sa magkabilang braso at itinago sa likuran niya.
Aray ha.
"She won't waste her time for you, so better leave." Ani nito.
Nang mapansin kong nagsimula silang magsubukan ng tingin ay pumagitna ako. I gently pushed Anwir towards Miev and glared at the guy who barged at our place.
Talking with this guy would be favorable to me, kaya pumayag na ako. Kahit labag sa kalooban ng dalawa kong kaibigan ay umalis akong kasama nitong asungot na n***o na 'to. I didn't leave without bringing my weapon, of course.
Kailangan ko pa siyang kalbohin, remember?
"Anong feeling ng kinatatakutan?"
Napairap ako sa tanong niya. Kanina pa kasi ako tinitingnan ng mga tao habang naglalakad kami ng asungot nato. Most of them were giving me a dire look. Siguro natakot nung nalamang ako ang bagong hinirang na lider ng pinakadelikadong grupo sa bayan nato.
"O ng hinahangaan?" Ngiwi niya.
Ang iba naman ay binibigyan ako ng isang malawak na ngiti. Maybe because they are one of the members of my family: Lanthanides. Sa kasong ito kasi, masasabi kong, kung may magaganap na gyera o digmaan, the lives of my group will be the safest among all. Kumbaga, mas priority ko silang ipagtanggol kesa sa ibang grupo. Kaya siguro sila nakangiti kasi kampante silang hindi sila basta-basta mamamatay kaagad pagnagkaroon ng gulo sa siyudad nato.
"Ano bang kailangan mo?" I halted from walking.
"Nagmamadali ka ba?" May panunuya niyang tanong.
Nang mapansing wala akong makukuhang matinong sagot sa lalaking to ay inunahan ko na lamang siya sa paglalakad. He wanted to talk in private, kaya't lumakad ako patungong kagubatan. Napangiti nang dinala ko ng mga paa ko sa tambayan namin nina Mievienne. Agad akong lumapit sa malinis na lawa. Gusto ko sanang hugasan ang sugat ko pero kakalinis pa lamang ni Anwir nito kanina bago ako umalis kaya wag na lang.
"May lawa pala dito?"
"Obvious ba?" Pambabara ko. Narinig ko naman ang pagtawa niya kaya napalingon ako sa kinaroroonan niya.
"Huwag kang umupo diyan, bahay namin yan!"
He innocently surveyed his eyes around the small hut. Prenteng sumandal sa pader na kahoy ng bahay at ngumisi.
"Pakialam ko?"
Napapikit ako dahil sa inis. Lumayo ako ng konti sa dako niya nang hindi ko siya mapatay nang wala sa oras.
"Now, tell me everything." I demanded. "Anong kailangan mo sa akin? Anong kailangan niyo sa'kin?"
He jumped the spaces between us as he stood up. Yumuko siya at pinulot ang isang maliit na bato na nasa paanan niya. Hinagis niya ito sa lawa na siyang nagpa-ingay sa tahimik na kagubatan. Pati ang mga ibon na tahimik na natutulog sa mga sanga ng kahoy ay nabulabog dahil sa pambabato niya.
"Magbabatuhan lang ba tayo dito?" May bahid na inis kong usal.
"Mainitin masyado nito."
Pinagpag niya ang kamay niya pagkatapos niyang magbato ng panghuling bala sa lawa. He crossed his arms and then looked at me, casually.
"Bakit nga ba ikaw?" He smirked.
"Do you really wanna die at this hour?"
"Look who's talking."
I sighed trying to cool down my temper. Isa pang hirit ay makakalbo ko na talaga siya.
"Can you answer my questions properly?"
"Okay." He shrugged then smiled like a fool.
Holy atom, ang sarap niyang sipain!
"Ano nga ulit yung tanong?" He innocently queried.
"Anong kailangan mo sa'kin!?" Hindi ko maiwasang mapasigaw dahil sa inis. "Why was I appointed to kill people for this helium shits!? Bakit ako!?"
He scowled. "Obviously. The superior keep you here in his city kahit maari niya itong ikamatay, kaya dapat lang na magbayad ka."
I frowned. "I didn't asked him to shelter me!"
"But someone does."
I halted. "Sino?"
He slyly smiled. "That's another chapter to unwrap."
"Nang-iinis ka ba?"
He tapped his chin as if he was thinking. He curved his lips making me tremble inside. Nagmumukha siyang takas sa mental kapag ngumingiti.
Nakakakilabot!
"No?" He laughed. "Next question."
I tsk-ed. "Am I the only victim?"
"Maybe?"
"Huwag mong idadamay ang pamilya ko kundi ako mismo ang papatay sayo." Nanggagalaiti kong usal.
"Pamilya?" He scoffed. "You don't even have one here."
I gave him a dagger look. "Ano bang alam mo?"
"I know you more than your family does." He mocked. "I know you deeper than them."
"Shut up! You don't know me at all."
He chuckled. "Uh huh? You're testing me Blairelaidy?"
Inis kong kinuyom ang kamao ko. "Are you playing with me?"
"Nope." Mabilis siyang umiling. "I am playing with your games, darling."
Naguguluhan akong tumingala sa kanya.
"Any question?"
"It seems like you're known outside of this walls kaya't imposibleng taga-rito ka talaga."
"Uh huh?" He arched his brow.
"Saan ka galing?"
"Sa earth pa rin naman." He smiled.
Napahinga ako ng malalim. Mapapatay ko na talaga 'to!
"More question?"
"Anong ginagawa mo sa lugar na'to?"
"I'm here to rescue."
"Rescue, who?"
"The queen's daughter."
Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Pwede mo namang sabihin ng malinaw sa'kin eh."
He baffled. "I'm helping the daughter of the devil." Sagot niya na siyang nagpataas ng kilay ko.
"You know who's the subject?"
"Malamang, hindi!"
He wiggled his brow at me. "It's you, darling." Turo niya sa akin.
A-ako demonyo!?
"I'm here to save you."
I snorted. Hindi halata sa ginawa mong pagsaksak sa akin kagabi.
"I'm here to help and train you."
"At para saan naman, aber?" Naiirita kong tanong.
"The havoc." Nanuyo ang aking lalamunan nang marinig ang seryoso niyang tinig.
Kasabay nang pagkabuo ng takot at matinding kaba sa dibdib ko ang pag-ihip ng malakas na hangin na siyang nagpadagdag ng kabog sa puso ko.
"Be strong and be ready, Blaire."
Hindi ko magawang maihakbang paatras ang mga paa ko nang lumakad siya papalapit sa akin. He rascally displayed his annoying smile as he draw his lips closer to my ears.
"Be brave enough to conquer the chaos you made few years ago."