Kabanata 6

1465 Words
"S-Sino ka ba, mister? At... at anong kailangan mo sa akin?"   Tumingin muna ito sa kanyang mga mata. Nanunuot ang titig. Kitang kita niya kung paano nito pasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan at naningkit pa ang mata nito nang dumako ang tingin nito sa dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit parang napahiya at napagkrus ang braso sa dibdib. Bagama't may bra siya, pang bahay lang na bra 'yon kaya talagang hubog doon ang malusog na dibdib niya.   Namula ang dalawang pisngi niya. "Tingin ko, wala kang importanteng sasabihin! Makakaalis ka na, kung ayaw mong tumawag ako ng pulis!" pagbabanta niya.   Tumawa ito ng nakakaloko. "Hindi mo magagawa 'yan dahil sa sasabihin ko sayo,"   "A-Ano...?"   "Let's not beat around the bush, Maxine, I'm Dimitri Finnegan," pakilala nito sabay abot ng kamay.   Namilog ang mga mata niya. Dimitri Finnegan! Ang biyudo! Ang asawa at ama ng dalawang inosenteng buhay! Oh!   Pakiramdam niya ay biglang nahilo siya, labis ang kaba at panginginig niya ngayon. Hindi niya ineexpect na ito si Dimtiri Finnegan, mukha itong mas bata sa edad. Ineexpect niya ay mukhang matandang pamilyado na. Mukhang binatang binata pa si Dimitri Finnegan...   "Now, let me close the door for you. I'm sure, hindi mo gugustuhin na marinig ng mga kapitbahay mo ang sasabihin ko sayo," sarkastikong sabi nito.   Tumayo nga ito at ito ang nagsarado ng pintuan ng apartment niya. Ni hindi niya man lang naaalala na ipagkuha ito ng maiinom o kahit anong pagkain. Nawiwindang siya, bakit naririto ang biyudo?! Maniningil na ba ito sa kanya?   "Oh, hindi mo kailangan umarte ng ganyan, Maxine. Hindi ka naman sa slaughterhouse dadalhin. But anyway, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want to talk about us..."   NAPALUNOK si Maxine. Ano ang ibig sabihin nito? "T-Talk about... u-us...?" utal na tanong niya. "Marami tayong dapat pag-usapan, Maxine. Ang nangyari, ang mangyayari at tayong dalawa," walang anumang sabi nito at feel at home pang pasalpak na umupo ng kanyang sofa. Namutla si Maxine. Maniningil na ba ito sa kasalanan niya?  "I suggest you to close the door, Maxine. Ayaw kong may ibang taong makakarinig ng paguusapan natin. At for sure, ayaw mo rin namang matsismis," nakataas ang isang sulok ng labi nito. Napakadominante nito. Nagsusumigaw sa katauhan nito ang kapangyarihan. Nanginginig na sinarado niya ang pinto at hindi malaman ang gagawin. Nginuso nito sa kanya ang sofa niya. "Maupo ka," alok pa nito na parang bahay nito 'yon. Sumunod siya pero parang sinisilihan naman ang puwitan niya. Hindi niya matagalan ang titig ni Dimitri. Nakakaintimidate ito. Pakiramdam niya ay ang hina hina niya laban dito. "Relax, Maxine. Wala akong gagawin na kinakatakot mo. Pumunta ako ritong tao, at tatratuhin kitang tao. Hindi mo kailangan mamutla at matakot sa akin. Ibang-iba sa mga reaksyon ng mga babaeng lagi kong nakakasalamuha," dagdag nito. Nag-angat siya ng tingin. Is he lowkey saying na sanay ito sa mga atensyon ng kababaihan? Is he lowkey saying na magandang lalaki siya? Hindi naman nakakapagtaka kung mangyari nga 'yon. God, this man is oozing with s*x appeal! "H-Hindi naman ako natatakot sayo..." pilit na sinabi ni Maxine. Pinakatitigan nito ang mukha niya. Na-conscious siya. Grabe, hindi naman niya akalain na napakagwapo pala ng biyudo ni Grace Finnegan. Para itong hindi pamilyado noon. Binata at bata pa ang itsura nito. Huwag nang sabihin kung gaano kagandang lalaki ito.  "That's good. Do you mind if I smoke here, Maxine?" tanong nito. Hindi. Hindi siya nagsisigarilyo at ayaw niyang magamoy yosi ang unit niya. Pero naaappreciate naman niyang hinihingi muna nito ang permiso niya. At natitiyak naman niyang hindi rin niya ito pagbabawalan dahil sa "laki ng kasalanan" niya rito. "O-Okay..." Hinugot nito ang sigarilyo sa bulsa ng coat. Nagsindi. Hinihithit nito at binuga kung saan opposite ng direksyon niya. Tila nasa malalim din  itong pagiisip at kinokondisyon ang sarili. Pinagpapawisan na siya ng malapot. Ito na ba? Sasabihin na ba sa kanya ni Dimitri Finnegan na hindi ito papayag na hindi siya makulong? Sinusubukan niyang maging matatag, pero napakahirap. Ayaw niyang makulong... Hanggang sa naupos na ang sigarilyo ni Dimitri ay walang nagsalita ni isa sakanila. Tanging ang hithit buga lang nito ang maririnig sa unit niya. Akmang tatayo si Dimitri upang itapon sa maliit na bin ang upos ng sigarilyo nito nang tumayo si Maxine. "A-Ako na r'yan. May ash tray nga pala ako rito. Doon mo na lang ilagay," Tumayo siya't kinuha ang ash tray. Napakunot noo ito. "Do you smoke?" gulat na tanong nito. Umiling siya. "Kahit kailan ay hindi ko sinubukan," "Then how come na may ash tray ka?" Paano niya ba sasabihin na si Jack ay nagsisigarilyo? Kaya may ganoon siya kapag pumupunta roon ang dating kasintahan.  "Ahm... nagsisigarilyo ang boyfriend ko..."  Hindi alam ni Maxine kung imahinasyon niya lang 'yon o kung ano, pero kitang kita niya ang pagdilim ng mukha nito sa sinabi niya. Pinudpod nito ang ubos ng sigarilyo sa ash tray. Parang may galit ang galaw nito. "I see," tumingin ito sa kanya. "Now, let's go back to the business," Matapang na hinarap niya ito. "N-Naririto ka ba para sabihin sa aking itutuloy mo na ang kaso?" "Believe me, Maxine. Iyon ang gusto kong mangyari. Hindi ako impokrito para sabihin sayong masaya ako ngayon dahil sa pagkawala ng mag-ina ko," madiin nitong sambit. Napapikit ang dalaga at nanghihinang napaupo muli sa sofa. Sa totoo lang, naiintindihan niya si Dimitri. Kahit sinong asawa na mawalan ng mag-ina ay baka mabaliw sa galit. "Pero, maging totoo rin tayo. Kapag nakulong ka, maaring 30 years, o life time imprisonment. Depende sa magiging hatol sayo. At hindi ka nga nakakagala sa mundong ito at hindi ka na nga makakaperwisyo, pero parang hindi sapat. Hindi naman ako ganoon kasama para hilinging mamatay ka na. Pero, hindi ako santo, Maxine. I don't think na deserve mo ang life time imprisonment. Dalawang buhay ang kinuha mo sa akin. Ang asawa't anak ko, kahit makulong ka pa habang buhay, hindi mo maibabalik ang sakit na pagkawala sa akin ng pamilya ko," may diin sa tonong sabi nito. Gusto niyang humanga rito dahil nanatili itong kalmado lang. Ramdam na ramdam na ng dalaga ang maiinit na luha sa paligid ng kanyang mga mata. Oh, she knows that. Alam na alam niya 'yon. "K-Kung gayon... a-ano ang gusto mong mangyari? Alam mo naman palang kahit makulong ako, hindi mawawala ang pait sa dibdib mo," mahinang sambit niya. "Ang gusto ko? Pagbayaran mo ang ginawa mong pagpatay sa mag-ina ko," Nagtuluan na ang pinipigilan niyang luha. "Believe me, Dimitri. Hiniling ko rin 'yan. Hiniling kong sana ako na lang ang namatay kaysa sa mag-ina mo. Hiniling kong may magagawa ako para mawala ang sakit d'yan sa dibdib mo,"  "Salamat naman kung ganoon. Pero, aminin mo, kahit anong feeling mo r'yan, wala pa ring magagawa diba?"  Tama ito. "Now, I have a decent proposal with you, Maxine. Natitiyak kong ayaw mo rin naman makulong. Ang isang babaeng may ginintuang kutsara sa bibig ay hindi makakayang makasurvive sa kulungan. Baka mapatay ka pa 'ron, paano mo pagbabayaran ang kasalanan mo sa akin? Itong sasabihin ko sayo, parehas tayong magebebenefit dito," Kinakabahan siya. Natitiyak niyang hindi niya magugustuhan ang lalabas sa bibig nito. "A-Ano 'yan?" "Buhay ang kinuha mo sa akin, dalawang buhay. Now, I'm asking you to return that life,"  Nalaglag ang panga niya. "Ano ako, Diyos? Paano ko magagawang ibalik sa buhay ang asawa't anak mo?" hindi niya mapigilan ang inis. Natawa ito. "Paganahin mo ang utak mo, Maxine. Ibabalik mo sa akin ang buhay na winala mo sa pamamagitan ng... anak. Bibigyan mo ako ng panibagong anak," seryoso itong tumingin sa mga mata niya. Natitiyak ni Maxine na hindi si Dimitri ang tipo ng taong magjo-joke. Kaya alam niyang seryoso ito. "A-Anak...?" Tumango ito na para bang ang tinutukoy lang ay business transaction. Yes. Bibigyan mo ako ng anak. Sarili kong dugo't laman. Kapag nangyari 'yon, matatahimik na ang buhay mo. Makakaasa kang hindi ka makukulong at hindi ko bubuksan ang kaso. Magkakaroon tayo ng kasulatan, Maxine. Hindi ko hahayaan na madungisan ang pangalan mo. I'll do everything in my power to protect you. Just give me a baby, at kakalimutan ko ang lahat," Parang nababaliw na napatayo si Maxine. Hindi makapaniwala. "Hindi ako makapaniwalang hinihiling mo sa akin ang napakahirap na bagay, Mr. Finnegan!" Tumaas ang isang kilay nito. "Paano ka mahihirapan? Hindi kita papabayaan sa panahong buntis ka. Wala kang gagastusin ni singkong duling. Wala ka magiging problema. Hindi kita hahayaan na mastress. Siyam na buwan lang, Maxine. At lahat nang nangyari sa pagitan natin ay kakalimutan ko. Magkakaroon ka ng bagong buhay na walang guilt sa puso mo," Napalunok siya. It sounds tempting... pero... impossibleng ganoon lang kadali 'yon. Natitiyak niyang may rules ito. "A-Ano ang kondisyon... Mr. Finnegan?" Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD