"Hoy, gising! Bilis!" Pupungas pungas pa ang mga ito habang inis na nakatitig sa kanya. "Ano ba 'yon? Natutulog 'yung tao eh, istorbo ka talaga kahit kailan, Jessica," inis na sambit ng isa. "Ah, bilis bumangon kayo! Habang wala pa ang sipsip na Sherly at si Nanay Ina. Tungkol ito kay Maxine," Nabuhay ang interest ng mga tsismosa kahit antok na antok. "Ano 'yon?" "Sinundan ko ang bruha sa library. Alam mo ba, narinig kong kinakausap niya ang larawan ni Ma'am Grace, medyo binuksan ko ng onti ang pinto kaya nakita ko. Alam niyo ba kung ano ang narinig ko?" pangbibitin nito. Tuluyan nang nawala ang antok ng lahat. "Ano?" "Ang Maxine pala na 'yon ang nakapatay kay Ma'am Grace at kay Jessie," Sabay-sabay na nanglaki ang mga amta nito. "Ano?!" "Oo, hindi nga ako makapaniwala eh," "Grab

