"Hindi pagmamahal 'yon, isang katangahan 'yon," "Kung ganoon man, wala ka nang pakialam 'dun. Buhay na namin 'yon. Hindi mo na saklaw 'yon. Hindi ba't ikaw ang laging nagsasabing ang role ko lang ay hanggang sa mapanganak ang anak natin?" Tinignan siya nito nang maanghang. "Mali, Maxine! Anak "ko" lang! Walang sa'yo! Akin lang ang anak ko. Hinding hindi mo siya makikilala. At mas lalong ayaw kong magkaroon siya ng step father!" Napabuga siya ng hangin. Hindi na niya mainitindihan si Dimitri. Ito ang nagsasabi na wala siyang karapatan. Tapos ngayon sasabihin nitong ayaw nitong magkaroon ng step father ang anak niya. Ang lagay ba, hindi nga siya nakulong, pero ang gusto nito ay hindi siya maging masaya habang buhay? Ang gusto yata nito papatayin niya ang sarili sa lumbay at hindi na gag

