Hindi makapaniwala si Candee sa kaniyang nakita. Hindi niya akalaing may taong takot na takot sa kulog at kidlat. Ang pagkakaalam niya ay mga bata lamang ang takot dito. Ngunit heto sa harap niya mismo ang nagpapatunay na totoo pala ang nakikita niya sa televisions. Mga taong may astraphobia o taong takot sa malakas na kulog at kidlat.
Tuloy ay nakaramdam siya ng awa dito. Ngunit hindi niya alam kung anong gagawin upang matulungan ang lalaking ito? Ngayon lang kasi siya nakaencounter ng ganitong uri ng taong may astraphobia.
“Hoy, ano bang ginagawa mo diyan? “ Pukaw niya sa lalaki nang bigla itong natumba.
Mabuti nalang at agad niya itong naalalayan kaya hindi naging malakas ang pagkabagsak nito sa lupa.
Nakita niyang namilipit ito sa labis na sakit at di niya mawari kung saang bahagi iyon nasaktan?
“Anong nangyari saiyo?” Tanong uli niya dito ngunit parang wala itong narinig at nakita.
Nanginginig ang buo nitong katawan at dumadaing ng labis na sakit , ngunit di niya maiintindihan kung bakit ito nagkaganon?
“Huwag ka ngang magbiro sa akin ng ganyan? Malapit na tayo sa kubo. Halika tumayo ka diyan.” Dagdag niya pa dito at sinubukang maitayo ngunit hindi niya magawa.
Ilang hakbang nalang kasi ay makapasok na sila ng kubo na iyon. Ngunit hindi niya maaring iwan ang lalaking ito dito sa kalagitnaan ng malakas na ulan.
Patuloy pa rin ito sa pamimilipit ng matinding sakit at hanggang sa tila hindi na ito humihinga. Nakaramdam siya ng labis na takot at pag-alala para sa lalaking ito.
Niyugyog niya ang balikat nito ngunit parang walang nangyari.
Hinawakan niya ang mukha nito at inilapit sa mukha niya.
“Hey, look at me..” Sabi niya pa dito habang tinapik tapik pa ang mukha nito.
Bahagya itong tumingin sa kaniya.
“Please calm down. Andito lang ako!” Seryoso niyang sabi dito at bahagya naman itong tumingin sa kaniya habang hindi parin nagbabago ang nararamdaman ng lalaki.
“We need to go, please be strong. Walang masamang mangyari sa iyo. Pangako ko yan saiyo. Kaya kailangan mong magpakatataag okay?” Puno ng pakiusap niya rito. Tumitig lang ito sa kaniya. Puno ng matinding takot at sakit sa mga mata nito.
Kinuha niya ang kamay nito at dinala sa mukha niya habang nakahawak ang isa pa nitong kamay sa mukha ng lalaki.
“Kailangan na nating makaalis dito. Sa akin ka lang tumingin para hindi ka matakot. Kailangan mong kayanin, andito naman akong kasama mo, okay?” Dagdag niya pa at tumango naman ito habang mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya.
Inilagay niya ang isang kamay nito sa balikat niya at inalalayang makatayo. Narinig niya pa rin ang mabilis na paghinga nito sa kabila ng malakas na ulan.
Dahan-dahan silang tumayo at dahan-dahang humakbang papunta sa kubo.
Bigla na namang kumulog at kumidlat ng napakalakas kaya agad na nabitawan ng lalaki ang mga kamay niya habang mahigpit na tinakpan ang mga taenga nito.
Labis ang awang nararamdaman niya para sa lalaking iyon. Doon ay nakaramdam siya ng labis na pagsisisi. Kung hindi kasi dahil sa kaniya ay baka hindi abutan ng malakas na ulan ang lalaking ito pauwi ng bahay. Ngunit hindi naman ganoon kadali magtiwala sa isang tao lalo na at hindi mo iyon kilala.
Ngayon niya pagtantong totoo ang sinabi ng lalaking ito. Na hindi ito masamang tao.
Ipinatog niya ang dalawang kamay sa magkabilang kamay ng lalaki na nakatakip sa taenga nito.
Diniian niya ng kunti upang hindi pa nito marinig ang malakas na kulog at kidlat.
Nararamdaman niyang parang hindi na humihinga ang lalaki. Nakapikit lang ang mga mata nito habang mahigpit na tinakpan ang mga taenga nito.
Hindi na niya alam ang gagawin at baka biglaang magkaheart attack ito dahil sa subrang pagpapanic ng lalaki.
Hindi niya alam ang kakaibang nararamdaman sa mga sandalling iyon. Nararamdaman niya ang bigat na nararamdaman ng lalaki at kawalan ng pag-asa nito.
Napakalamig ng buong paligid ngunit ang init ng pakiramdam niya. Subrang lapit ng katawan nila sa isa’t isa at may kakaibang damdaming nagsumiksik sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Hindi niya mawari kung ano at para saan iyon.
Hindi niya akalain ang sumunod na nangyari. Bigla nalang niyang hinila ang lalaking iyon saka hinalikan sa mga labi. Bahagyang nakaawang ang bibig ng lalaki, ngunit hindi niya alam kung paano humalik ng lalaki? Hanggang sa mararamdaman niya ang muling paghinga ng lalaki at ang paggalaw ng mga labi nito sa mga labi niya.
Napapikit nalang siya sa kakaibang sensasyong gumagapang sa buo niyang pagkatao. Parang may kakaibang kuryenting gumagapang sa kanyang katawan.
Hindi na niya namalayang nakapasok na pala sila sa loob kubo. Ngunit bago paman sila tuluyang makapasok ng husto ay biglang nahimatay ang lalaki. Mabuti nalang at agad niyang nayakap ito sa kaniyang mga bisig kaya hindi ito natumba sa lupa.
Bigla siyang natauhan sa kaniyang ginawa. Napahawak siya sa mga labi niyang hinalikan nito habang nanatiling nasa kaniyang bisig pa ang walang malay na lalaking iyon.
Iyon kasi ang first kiss niya. Hindi niya akalaing sa isang estranghero niya pa ito naibigay.
Bago paman siya makaramdam ng pangangalay ay mabilis niyang hinila papasok sa loob ng kubo ang lalaki. Napakabigat nito. Halos magkasing-laki ng katawan at magkasing tangkad ang lalaking ito ang mga kapatid niyang lalaki.
Medyo nangangapa pa siya sa subrang dilim ng paligid at muntikan pa siyang matumba ng masagi ang paa niya sa gilid ng maliit na kama nito.
Hindi alintana kung anong meron sa ibabaw niyon at dahan-dahan niyang inilagay doon ang lalaki. Nang masigurong maayos lang ang pagkalagay ng lalaki ay naghahanap siya ng mga bagay na maaring makakatulong sa kanila. Para siyang bulag na ngangapa sa dilim. Kung ano-anong bagay ang nasasagi niya at nahulog. Lumikha ng ingay ang bawat bagay na nauhog ngunit hindi sapat upang magising ang lalaki.
Binilisan niya pa ang paghahanap upang matingnan ang kalagayan ng lalaki at baka mapano pa iyon. Ilang sandali pa ang ginawa niya hanggang sa may makapa siyang isang lighter sa ibabaw ng cabinet. Laking pasasalamat niya at nakahanap siya nito. Sinubukan niya at nakaramdam siya ng tuwa ng gumana pa iyon.
Agad niyang pinuntahan ang parti ng kusina. Nalaman niyang kusina iyon dahil sa parang may nahulog na bagay doon at may nakapa din siyang mga panggatong doon.
Napangiti siya ng may makitang ilawan doon at agad niyang sinindihan. Naglikha iyon ng liwanag sa paligid.
Inilibot niya ang paningin niya. Tila isang maliit na bahay ito. May maliit na kusina at maliit na kama. Ang pinakasala nito ay doon na inilagay ang maliit na kamang gawa sa kahoy.
Agad siyang gumawa ng apoy gawa ang mga panggatong. Hindi kumpleto ang mga bagay na naroon kaya napagtanto niyang palipasan lang ng oras ang lugar na iyon.
Nakaramdam siya ng kaginhawahan ng makagawa siya ng maliit na siga. Kahit ilang ulit din siyang napaso sapagkat hindi siya marunong gumamit ng ganito. Kahit ang gawaing bahay ay wala siyang alam. May mga katulong kasi silang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay at ni minsan ay hindi siya pinapakilos ng mommy niya sa bahay nila.Nag-iisa kasi siyang anak na babae kaya malaprinsesa ang buhay niya. Doon niya inilagay ang apoy malapit sa kamang pinaglagyan niya ng walang malay na lalaki, upang kahit papano ay makaramdam iyon ng init…
Mabuti na rin ay may nakita siyang mga kumot na naroon at may mga damit din ngunit panglalaki lamang. Napakaluwag sa kaniya, ngunit wala siyang choice kundi ang isuot ang mga iyon. Pinilit niya nalang magkasya sa mga damit na iyon dahil basang-basa ang damit na soot niya.
Kumuha din siya ng maipapalit ng walang malay na lalaki.
“Hey, mister? Gumising ka.” Tawag niya dito ngunit walang sumasagot at hindi rin iyon gumagalaw.
Nagulat pa siya ng makapa ang balat ng lalaki. Napakainit ng buo niyang katawan. Inaapoy iyon sa lagnat.
Agad niya itong binihisan ng tuyong mga damit. Sanay na sanay naman siya magbihis ng mga taong pasyenti sa hospital na pinagtatrabahuan niya. Ngunit kakaiba ang isang ito dahil labis ang kabang kaniyang nararamdaman lalo na ng tumabad sa kaniyang mga mata ang makikisig na muscle ng lalaking ito.
Ngunit pilit niyang denidedma ang lahat ng isiping naglalaro sa kaniyang isipan at agad na binalot ng lahat ng kumot na naroon ang buong katawan ng lalaki. Nanginginig din iyon sa labis na ginaw dahil sa mataas na lagnat nito.
Wala siyang mahanap na anomang gamot doon hindi niya rin nadala ang bag niya na nasa locker niya. Para kasi siyang wala sa sarili ng umalis sa hospital na iyon. Kaya naiwan niya ang lahat ng mga gamit niya pati ang maglagay ng gas sa motor niya ay nakalimutan din niya. Kaya minabuti niyang punasan ng basing tela ang mukha at katawan ng lalaking ito upang kahit papano ay mababawasan ang pag-aapoy ng init ng katawan nito, dahilan sa mataas na lagnat.
Nakita niya sa kaniyang relos na pasado alas diyes na ng gabi at hindi parin tumila ang ulan. Napakalas pa din ng ulan sa labas na may kasamang malakas na kulog at kidlat. Nakakatakot ngang pakinggan ang parang nanggagalit na kalangitan. Mabuti nalang at sarado ang maliit na kubong ito at di tuwirang pumapasok ang malalamig na hangin mula sa labas.
Nakaramdam siya ng labis na guilt at pag-alala ng maalala ang pamilya niya. Natitiyak niyang hinahanap na siya sa bahay nila ngayon at labis na iyong nag-aalala sa kaniya.
Lalo na at masama pa ang panahon ngayon at umalis siyang may dinaramdaman.
Kinuha niya ang celphone na nasa loob ng bulsang suot niya kanina. Pati ang cellphone niya ay basang-basa rin. Hindi niya alam kung gagana pa ba ito o hindi na ? Ngunit hindi rin niya magamit dahil lobat.
Hindi niya alam kung anong meron sa kanya at minamalas siya ng ganito?
Bakit ba kasi siya nagkaganito? Hindi naman siya masamang tao, ngunit bakit parang pinarusahan siya ng langit?
Hindi niya namalayang napaiyak na naman siya gawa ng samo’t saring emotions. Sa loob lang ng isang araw ay marami ng nangyari sa kaniyang buhay. Una nabogbog siya ng isang pasyente na apo pala ng may-ari ng pinagtatrabahuan niya at nawalan siya ng trabaho. Hindi naman siya nalungkot at nasaktan na nawalan siya ng trabaho dahil mawawalan siya ng pagkakitaan. Kahit naman hindi siya magtrabaho ay mamuhay pa din siya ng maalwang buhay. Natitiyak niyang hindi siya pababayaan ng pamilya niyang maghirap lang lalo na ang mommy niya na mahal na mahal siya. Ang inaalala niya lang ay ang reputasyon ng daddy niya na kasalukuyang Director sa naturang hospital at ang kapatid niyang doon din nagtatrabaho. Parehong magagandang image ang mga iyon ngunit pagdating sa kaniya ay nasisira iyon.
Wala naman talaga siyang kasalanan kaya ginawa niya iyon ay upang ipagtanggol lang naman niya ang sarili. Pangalawa ay ang ginawa sa kaniya ni Alex. Sana ay ipinagtapat na nitong wala itong nararamdaman sa kaniya noong ipinagtapat niya dito ang nararamdaman niya para sa binata para sa gayon ay di na siya umasa pa.
Hindi siguro siya nasasaktan ng ganito kung sakaling sinabi lang sa kaniya ni Alex ang tototoong damdamin nito para sa kaniya. Tuloy ay labis na naghihinagpis ang kanyang puso. Pero naisip din niya kung sa ibang pagkakataon kaya niya nalaman ang tungkol kay Alex, mangyari kayang magkakaganito siya? Hindi din niya masagot dahil alam niyang pareho lang ang sakit na mararamdaman niya kung nagkataon.
Sa kasagsagan ng pag-iyak niya ay biglang gumalaw ang lalaki at kinapa ang ulo nito.
“Hey are you alright?” Nag-aalalang tanong niya rito sabay punas ng mga luha niya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa gilid ng kama habang pinupunasan ng basang tela ang noo at mukha ng estrangherong lalaki.
Umiling lamang iyon bilang pagsagot habang hawak pa din ang ulo.
Agad niyang inabot ang kamay nito na may hawak sa ulo niya.
“Its okay, magpapahinga ka na lang muna at kinabukasan ay natitiyak kung magiging maayos na ang pakiramdam mo.” Sabi niya rito at mahigpit na hinawakan ang kamay niya habang nakapikit pa din ito. Saka bigla siyang hinila nito papunta sa mga bisig ng lalaki. Agad siyang napasandal sa matitigas na dibdib nito. Naririnig niya ang malakas na pagtibok ng puso nito.
“Magpahinga ka na rin. Ayos lang ako.” Pilit na sabi ng lalaki sabay umubo pa. Napatingin siya sa namumulang mukha nito habang wala sa loob na hinagod-hagod ng kamay niya ang dibdib nito.
Bigla namang hinawakan ng lalaki ang kamay niyang nasa dibdib nito. Kaya napatigil siya sa kaniyang ginagawa. Kasalukuyan siyang nakahiga sa mga braso ng lalaki habang nakatingala sa mukha nito. Napakinis at napakalinis ang mukha nito. Halatang anak mayaman ang hitsura.. Napakagwapong tingnan ng lalaki na parang artista ang dating.
Nahiga siya sa mga bisig ng lalaki habang unan niya ang braso nito at hawak nito ang isa niyang kamay na nakapatong sa dibdib.
Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Nakatulog siya ng ganoong ayos ng isang estrangherong lalaki.
Hindi niya tuloy namalayang may mga taong pumasok sa loob ng kubo. Ang himbing na ng tulog niya.
Sa kalagitnaan ng mahimbing niyang pagtulog ay tila naalimpungatan siya na parang may ibang taong naroon sa loob. Akala niya ay isang panaginip lang lahat. Kinapa niya ang lalaki na nasa tabi niya ngunit wala na doon ang lalaking estranghero. Tuloy bigla siyang nagmulat ng mga mata at nakita niyang may nakaharang na puting tela sa gilid ng higaan niya.
Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Dahan-dahan siyang bumangon at sumilip sa likod ng putting telang nakaharang sa kaniya.
Napasinghap siya habang tuptop ang bibig ng may makita siyang dalawang lalaki maliban sa estrangherong lalaking kasama niya kanina. Isang may edad na lalaki at isang halos magkasing edad niya lamang na lalaki.
Naka-circle ang mga itong nakaupo sa harap ng apoy na ginawa niya kanina. May mga makapal na kumot na nakabalot sa mga sarili nila. Napagtanto niyang kasamahan ito ng lalaking estaranhero.
Hindi niya alam kung anong gagawin? Ngunit nababakas naman sa mga mukha nitong mababait ang mga ito ngunit paano naman niya nasisiguro ang bagay na iyon gayong hindi niya kilala ang mga ito? Napansin niyang tumigil na ang ulan sa labas at wala na din ang malaks na kulog at kidlat.
Biglang nawala sa isipan niya ang mga iyon ng makita niyang sinumpong ng hika ang estrangherong lalaki.
“Senyorito, kailangan niyo na talagang makauwi at baka lumala pa ang kalagayan niyo.” Puno ng pag-alalang sabi ng matandang lalaki.
“Huwag po kayong mag-alala dahil ayos lang naman ako.” Sagot naman nito.
Nagulat pa siya ng bigla itong lumingon at tumingin sa gawi niya.
Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa lalaking iyon.
“Gising ka na pala.” Mahinang sabi nito at tumingin naman sa kaniya ang iba pa nitong kasama. Kaya napaatras siya bigla habang ibinalik ang tela upang matakpan siya nito.
Nararamdaman niyang tumayo ang mga ito at lumapit sa kaniya ang lalaking estranghero. Tumayo ito sa likod ng telang nakatakip sa kama niya bilang harang sa kaniya habang natutulog siya doon.
“Huwag kang matakot sa amin. Mga kasamahan ko sila sa bahay. Labis silang nag-alala kaya hinanap nila ako. Hali ka rito at ng makilala mo sila.” Mahinahon sabi nito at nababakas ang sensiridad sa boses nito.
Saglit siyang nag-isip at tiningnan ang relos niya sa kamay. Nakita niyang pasado alas- tres pa ng madaling araw. Nanlaki pa ang mga mata niya sa kakaisip kung paano siya nakatulog ng ganoon? Kung bakit di niya napansing may mga ibang taong dumating at pumasok sa loob?
“Magtiwala ka sa akin. Hindi kami masamang tao. “ Dagdag pa nito.
Imbes na sagutin niya iyon ay tinanong niya kung anong oras ang mga ito dumating doon?
“ Anong oras dumating ang mga kasama mo?” Tila nahihiya niyang sabi rito.
“Ten-thirty pa ng gabi.” Sagot naman nito.
Bigla siyang napatayo at hinarap ang estrangherong lalaki.
“Anong sabi mo? Ten thirty pa ng gabi! Bakit hindi mo ako ginising? Nakakahiya naman sa kanila.” Naiinis niyang sabi ito, ngunit isang matamis na ngiti lang ang iginawad sa kaniya.
“Pasensiya ka na, masyado kasing mahimbing ang tulog mo. Mukhang pagud na pagod ka kanina. Kaya hinayaan na lang muna kitang makatulog. Nilagyan ko nalang ng harang ang higaan upang may privacy ka habang natutulog.” Paliwanag pa nito.
Gusto niyang magalit dito ngunit hindi niya magawa.
“Good morning maam” Halos magkasabay na bati ng dalawa nitong kasama. Nakayuko ang mga ito na tila nahihiyang tumingin sa kanya.
“Good morning din.” Magalang niyang sagot dito.
“Siya nga pala si Mang Lito ang aming katiwala at ang hardenero naming si Carlo.” Pagpapakilala niya rito.
“Siya nga pala si… Ano nga palang pangalan mo?” Alanganing ngiti ang ibingay ng lalaki sa kaniya habang napapkamot ito sa ulo.
“I’m Candee. Nice to meet you all.” Nakangiti niyang sabi sa mga ito habang inilahad ang mga kamay upang makikipagkamay sa mga ito.
Tila nahihiya ang mga itong makikipagkamay sa kaniya ngunit sa huli ay tinanggap naman nito ang nakalahad niyang kamay.
“Ikinagagalak po naming makilala kayo Maam Candee.” Halos sabay-sabay na sabi ng mga ito.
“Candee nalang. Napakabata ko pa para tawaging maam.” Seroso niyang sabi at tumango naman ang mga ito bilang pagsagot.
“ Ako ng apala si Leigh Dominic, Lyndon for short. Nice to meet you Candee” Nakangiting sabi nito sa kaniya habang inilahad ang kamay.
Agad niya namang tinanggap ang nakalahad na kamay nito at buong tamis na nginitian.
Bigla na naman itong sinumpong ng hika. Kaya agad niyang kinapa ang noo nito at braso nito naramdaman niyang mainit pa din ito.
“Ang init mo pa. Sana ginising mo nalang ako kanina upang makapagpahinga ka ng maayos. Tingnan mo tuloy ay parang lumala pa ang lagnat mo.” Magkahalong inis at pag-alala ang nararamdaman niya.
“Anong oras na at di ka parin nakainum ng gamot. Baka mapano ka.” Dagdag niya pa dito at ngumiti naman ito sa kaniya.
“Ayos lang ako. Hindi ko pa naman siguro ikakamatay ang simpleng hika at lagnat.” Pabiro niyang sabi dito. Inarapan niya lang.
Kinuha niya ang kumot na nakabalabal sa katawan niya upang ibigay kay Lyndon. Ngunit nagulat siya ng agad na hinarang ang katawan nito sa kaniya .
Nalala niyang nakihiram lang pala siya ng damit dito. Kaya mabilis din niyang ibinalik ang kumot na iyon.
Nahihiya siyang tumingin kay Lyndon habang seryoso naman ang mukha nitong nakatitig sa mukha niya.
“Huwag mo na ulit subukang tanggalin iyan mula sa katawan mo.” Seryoso pa nitong sabi. Tuloy ay parang umiinit ang mukha niya sabay baba ng tingin. Hindi niya alam kung bakit hindi niya nagawang salubungin ang mga titig na iyon.
“Dito ka lang sa tabi ko.” Sabi pa nito sabay hila sa kaniya. Nilagay sa likuran niya ang kumot na nakabalabal sa katawan ni Lyndon na ikinagulat niya. Naakbay ito sa kaniya.
“Ano bang ginagawa mo?” Nahihiya niyang tanong rito.
“Masyadong malamig sa labas at baka magkasakit ka pa.” Seryosong sabi nito sabay mas hinigpitan pa ang pag-akbay nito sa kaniya na halos nakayakap na sa kaniya.
Sinubukan niyang umalis doon ngunit masyadong malakas si Lyndon kaya wala siyang nagawa. Isa pa tila nagugustuhan niya naman ang ginawa ni Lyndon kaya hinayaan niya nalang iyon.
“Sandali lang at kukunin ko lang muna ang sasakyan. “ Biglang sabi ni Mang Lito habang pinatay naman ni Carlo ang siga.
Matapos maipark sa tapat ng pinto ang sasakyan ay inalalayan siya ni Lyndon palabas ng bahay. Nakaakbay parin ito sa kaniya habang nakayakap naman siya sa sarili niya.
“Lets go.” Mahinang sabi nito at tumango naman siya.
Pinagbuksan pa sila ng pinto ni Carlo at mabilis siyang sumampa sa sasakyan upang makaalis mula sa pagkakayakap ng binata sa kaniya.
Sumunod na sumakay si Lyndon sa tabi niya ito nakaupo habang si Carlo ay katabi ni Mang Lito na nagdadrive.
Bigla siyang nakaramdam ng lamig ng malayo ang katawan ni Lyndon sa kaniya kaya hinigpitan niya ang yakap ang sarili. Agad naman siyang hinila ni Lyndon, kaya napasandal nalang siya sa dibdib nito habang tinahak nila ang daan papuntang bahay nina Lyndon.