Chapter 3

3589 Words
Hindi malaman ni Nurse Abby ang kaniyang gagawin ng makita niya si Nurse Candee na umiiyak galling sa VIP room kung saan ito pinapaunta ng kanilang superior. Parang hindi kasi maipinta ang mukha nito sa labis na lungkot. Para rin itong wala sa sarili at di nga nito napansin na nilampasan siya nito habang naglalakad papunta sa office ni Dr. Draven. Tuloy ay nakaramdam siya ng labis na pag-alala para sa kasama. Sinubukan niya itong tawagin ngunit di siya nito pinapansin. Nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad papunta sa opisina ni Dr. Draven. Pagdating doon ay agad itong pumasok sa loob at di namalayang hindi nito naisara ng mabuti ang pintuan. Ilang ulit din niya itong kinatok upang makuha ang atensiyon ngunit parang wala ito sa sarili. Kaya dahan-dahan niya itong nilapitan. “Excuse me, Nurse Candee…” Nagitla pa ito ng makita siya. “I’m really sorry if I disturb you this time. Pero nag-alala lang kasi ako ng makita kang ganyan galling sa VIP room.” Magalang niyang paliwanag dito. Saglit naman itong pinunasan ang mga luha sa mga mata. Saka humarap sa kaniya. “Pasensiya na. May kailangan ka ba sakin?” Wala sa loob na tanong nito sa kanya habang hindi pa din tumigil sa pagpatak ang luha sa mga mata at medyo namamaos din ang boses ng dalaga. “Ah, wala naman.Nagtataka lang kasi ako kung anong nangyari saiyo? Kung naisin mo ay gusto ko sanang damayan ka ngayon kung ayos lang s aiyo? I know hindi tayo ganoon ka close sa isa’t-isa pero ikaw lang kasi ang nagiging kaibigan ko dito.” Nahihiya pa niyang sabi kay Nurse Candee. Saglit na nagulat ang dalaga sa sinabi niyang iyon at saka isang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. “Salamat sa concern mo Nurse Abby. Oo, kailangan ko nga siguro ng karamay at makausap ngayon. Ang sakit-sakit ng pakiramdam ko at parang sasabog ang puso kong ito, sa mga oras na ito. Hindi ko alam ang gagawin ko ?” Humahagulhol pang sabi nito. Bahagya niyang hinaplos-haplos ang likurang bahagi ng dalaga upang kahit papano ay gumaan ang pakiramdam nito. “Sige lang, hayaan mo munang mailabas ang mga iyan at baka sasabog ka nga kung iyong pipigilan.” Mahinahong sabi niya pa rito at tumudo naman ito ng iyak. Mabuti nalang at nailock niya ang pinto ng opisina ni Dr. Draven pagpasok niya rito at saka sound proof din ang silid na ito kaya di marinig sa labas ang pag-iyak ng dalaga. “Hindi ko akalaing magagawa niya sa akin iyon? Labis talagang nasaktan ang puso ko sa mga hindi magandang salitang pinagsasabi niya kanina . Hindi ko akalaing magagawa niyang ipahiya ako ng ganoon- ganoon nalang sa harap ng ibang tao. Sa tinagal-tagal na panahon ko siyang nakilala ay di naman siya ang tipong taong taong napakajudgemental. Ni hindi nga niya ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.” Umiiyak pa ring sabi nito. Nagulat pa siya kung sino ang tinutukoy nito. “Sino bang tinutukoy mo? Ano bang nangyari sa loob?” Puno ng pagtataka at pag-alala parin para sa kaibigan. Mataman itong nakatitig sa kaniya na tela nag-aalangang sabihin ang nangyari. “Huwag kang mag-alala at di ko rin naman sabihin sa iba. Nag-alala lang talaga talaga ako saiyo kaya nais kong malaman upang mas maintindihan pa kita. Pero kung ayaw mo naman ay wala na rin akong magagawa.” Paliwag niya naman dito. “Hindi naman iyan ang ibig kung sabihin. Sa akin lang kasi ay baka hindi ka rin maniniwala sa akin katulad nila.” Malungkot na sabi pa nito. Tuloy ay parang naiintindihan na niya ang ibig sabihin nito. Lalo siyang naka-idea ng makita ang kaliwang pisngi nito na namumula. Kahit kinubli ng maikling buhok nito ay makikita mo kapag malapitan. “Huwag kang mag-alala sapagkat hindi naman ako ang tipo ng taong makitid ang pag-iisip, in short judgemental na tao. Sige na sabihin mo na sa akin at baka sakaling may maitutulong ako saiyo?” Puno ng sensiridad na sabi niya rito. “Nakikilala mo ba ang pasyenting isinugod sa VIP room kanina lang?” Balik tanong pa nito sa kaniya at napatango siya bilaang pagtugon. “OO. Si Miss Jessica Vergara ang apo ng may-ari ng hospital na ito.” Paliwanag niya pa. “So parang lahat ay nakikilala siya at ako lang ata ang hindi.” Malungkot na sabi nito. “Hindi naman sa ganoon. Isa pa mahabang kwento kaya ko siya nakilala. Pero hindi rin naman madalas magpunta ito dito. Nagtaka nga ako sa loob ng mahabang pagkawala nito ay biglaan itong bumalik at nagpakita rito.” Seryoso niyang paliwanag dito. “Alam ko lang kasi ay may mga apo ang may-ari ng hospital na ito ngunit ni minsan ay di ko pa sila nakikilala o nakikita man lang. Matagal-tagal na din kasing nanunungkulan ang daddy ko rito pero wala naman itong masyadong nabanggit tungkol sa mga apo ng chairman.” Tugon naman niya rito. “Pero girl, ano ba talagang nangyari? Don’t tell me na si Jessica ang may gawa saiyo niyan?” May halong inis ang sabi niya rito habang itinuturo ang bahaging ng mukhang namumula. Napatitig naman uli ito sa mukha niya at mabilis na itinago ang bahaging iyon. “Huwag mo ng itago girl kasi nakikita ko na.” Sabi niya dito. “So alam mo na pala na ang apo ng may-ari ang isinugod doon kanina?” Tanong pa nito sa kaniya at napapailing siya. “Actually hindi ko naman alam na si Miss Jessica pala ang isinugod doon. Ang akala ko iba lang na kamag-anak ng mga stock holders. Saka ko nalang nalaman na siya iyon pagkalabas mo galling doon at nakita ko ang yaya niya.” Mahabang paliwanag nito. “How did you know her?Paano mo nakilala ang mga iyon? Gaano mo ba siya kakilala?” Puno ng kuryosity sa mukha nito. Hindi niya alam kung paano ipaliwanag dito ang totoo ngunit mas maigi na ring hindi nito malaman ang lahat. “ I know her more than you think. Pero kahit ganoon ang ugali niya ay di ko naman inaasahang manakit siya ng kapwa. Ni hindi ko pa kasi siya nakitaan ng anumang brutality na ginawa niya sa isang tao. Kaya di ko inasahang magagawa niya iyon saiyo. If that so…ako nalang ang humihingi ng sorry saiyo dahil sa ginawa niyang iyon.”Sensero niyang paliwanag dito. Nakita niya ang saglit na pagtataka nito sa sinabi niya ngunit agad namang nawala. “Bakit ka naman magsosory sa akin?” Biglang tanong nito sa kanya at di siya makasagot dito. “Hindi naman ako umiyak dahil nasaktan ako ni Jessica. Carry ko ang sakit niyon ngunit ang di ko lang makaya ay yung ginawa sa akin ni Alex. OO, nagalit ako sa ginawa ni Jessica pero mas nasaktan ako sa ginawa sa akin ni Alex.” Wala sa loob na dagdag pa niya rito. “You mean Alexander Hernandez?” Nanlaki ang mga mata niya sa narinig na iyon. “Yes, siya nga. Hindi ko lang matanggap ang mga pan-iinsultong ginawa niya sa akin sa harap ng mga taong iyon at pati na kay Dr.Draven. Hindi ko talaga maisip kong paano nagkaganyan si Alex, ni hindi nga ako nakarinig na nagalit ang isang iyon sa akin noon o sa kahit kanino man. Ngunit ngayon ay di ko na siya kilala. Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag , ngunit hinusgahan niya agad ako.” Malungkot na sabi pa nito saka bumalik na naman sa paghikbi. Halos hindi din siya makapaniwala sa sinabi ni Nurse Candee. Hindi man niya nakita ang totoong nangyari ngunit nababatid niyang nagsasabi ito ng totoo. “Kaya ka ba nagkaganyan dahil hindi mo matanggap ang mga masasakit na salitang binitiwan nito para saiyo o nasasaktan ka dahil hindi mo matanggap ang ginawa niyang iyon dahil, may gusto ka sa kaniya?” Diretsahang sabi niya rito at agad na nagbaba ng paningin ang dalaga. “Both… Bata pa lang kasi ako ay malaki na ang paghanga ko sa kanya at habang tumatagal ay napagtanto kung siya na ang sinisigaw ng puso ko. Mahirap lang intindihin na bigla nalang siyang nagkaganito sa akin. Hindi kasi ganito ang pagkilala ko sa kaniya. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip paano nangyari ang mga ito.” Seryosong pag-aamin nito. Hinila niya ang isang upuan malapit sa dalaga at naupo paharap dito. “Mukhang mabigat nga talaga ang pinagdaanan mo sa ngayon. Hindi kasi madaling tanggapin na kung sino pa yung lubos nating pinagkatiwalaan, yung tipong taong hindi mo akalain gagawa ng masama saiyo pero sila pala ang kauna-unahang taong mananakit saiyo.” Malungkot na sabi pa nito at agad namang napatitig ito sa kaniya. Halata kasing may pinagdaanan din siya. “Mukhang nakakarelate kang masyado ah? Ang ibig bang sabihin niyan ay nasaktan ka na din dati? “ Seryosong tanong pa nito at napatango naman siya bilang pagsang-ayon dito. “Oo, nararanasan ko na iyon. Look at this.” Sabay pahid ng panyong dala nito sa kaliwang bahagi ng noo niya. Laking gulat ni Candee ng makita ang scars na nasa noo niya. “Anong nangyari diyan? Huwag mong sabihing umabot na sa puntong sinasaktan ka niya?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. “No, hindi naman sa ganon.Nagkaroon kasi kami ng matinding pagtatalo. Akala niya kasi ay pumatol ako sa matandang mayamang lalaki dahil sa estado ko sa buhay. Hindi ko rin maipaliwanag sa kaniya ang totoo. Kaya nagalit siya ng husto. Mabilis niyang pinapatakbo ang kotseng minamaenho nito at sa subrang bilis ay sumalpok kami sa isang sasakyan. Mabuti nalang at walang masyadong damage at hindi rin ganoon kalala ang natamo ng dalawang kampo. Kaso ito, natamaan ng lumilipad na bubog kaya hayon nagkaganito na ito.” Malungkot na pagkukwento niya pa dito. Nakita niya ang sympatiya sa mukha ng kaharap. “I’m sorry to hear that..” “Its okay. Napakatagal na din niyon kaya halos nakalimutan ko na rin.” Seryosong sabi niya na walang halong anumang pagkukunwari. “How about him?” Tanong naman nito sa kaniya. Nagulat pa siya kung sinong ibig sabihin ng tanong niyang iyon. “Who?” Naguguluhan niyang balik tanong rin dito. “Yung boyfriend mo, I guess?” Diretsahang sabi pa nito. “Ah, siya ba. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hiniwalayan ko na siya at di ko na rin alam kung nasaan na siya ngayon. Mas mahal ko ang buhay ko kaysa kaniya eh, kaya ko siya iniwan. Mahirap kasing makikisama sa taong walang tiwala saiyo.” Sagot niya naman dito. Biglang namayani sa kanila ang katahimikan. “Kung ipahintulot mo ay gagamutin ko ang pasa mo sa mukha at baka lumala pa?” Basag niya sa katahimikang iyon. “Oo nga pala. Doon inilagay ang First Aid Kit ni Dr. Draven. Baka may mahanap kang gamot doon.” Sagot naman ni Candee sa kaniya. Agad siyang naghanap ng gamot at kumuha na rin siya ng ice. “Idis-infect ko muna ha.” Paalam niya pa dito. “Ayos lang.” Tugon naman nito. Matapos niyang madis-infect ay nilagyan niya ng cream upang hindi masyadong mangingitim sa bugbog. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nagawa iyon ni Jessica. “Hayan tapos na.” Sabi niya pa dito saka ibibalik ang gamot sa kinalagyan nito. “Thank you.” Usal naman nito. “Walang anuman.” Nakangiti niyang tugon. “Paano mo nga pala nakilala si Alex?” Biglang tanong niya rito at halatang hindi nito inaasahan ang tanong niyang iyon. “Best friend kasi ni Dr. Draven si Alex. Lage silang magkasama na dalawa noon. Kung minsan ay pupunta ito sa bahay kahit walang okasyon. “ Tugon naman nito. “Kaya pala nahulog ang loob mo sa kaniya dahil halos madalas mo siyang nakikita.” Diretsahang sabi niya dito at umiling naman ito bilang pagtugon. “Hindi naman sa ganoon. Noong bata pa kasi ako ay iniligtas nito ang buhay ko. Simula noon ay mas napalapit na siya sa puso ko. Siguro dahil sa utang ko ang pangalawang buhay ko sa kaniya. Simula noon ay labis na akong humahanga sa kaniya at inilaan ko na ang puso ko para sa kaniya at wala ng iba.” Mahabang paliwanag nito. Nakaramdaman naman siya ng paghanga sa sinabi ng dalaga. “Kunsabagay mukhang mabait naman si Mr. Hernandez. “ “OO, alam ko. Labis talaga akong nagulat sa ginawa niyang iyon at halos hindi ako makapniwala na kayang gawin iyon sa akin ni Alex.Kaya nga parang hindi ko talaga matanggap ang ginawa niyang iyon sa akin. Pero nangyari na. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Parang mas lumayo ata ang loob niya sa akin, kaya tuloy mas nawalan ako ng pag-asang matugunan ang inalay kong damdamin para sa kaniya.” Malungkot pa ding sabi nito. “Naku girl, huwag kang sumuko. Kakasimula palang ng laban. Malay mo may malalim siyang dahilan kaya niya nagawa ito saiyo.” Pampalakas loob na sabi niya rito. Kahit may kakaiba siyang hindi magandang nararamdaman sa pagkakataong ito. “Alam mo kung kayo talaga ang para sa isat-isa kahit isang batalyon pa o kahit gabundok pa ang kakalabanin ninyong dalawa ay malalampasan ninyong lahat ang mga iyan. Dahil sa huli ay kayo parin ang para sa isat-isa , iyon ang tadhana ninyong dalawa at walang makakapigil pa doon kahit pa ang panahon. “ May ngiti sa labing napatingin sa kaniya si Candee habang sinasabi niya ang mga katagang iyo. “Pero dapat ay masisiguro mong magkapareha talaga kayo ng nararamdaman para sa isat isa. Mahirap lumaban na nag-iiasa ka lang. Isa pa kailangan matiyak mo na ang nararamdaman mo ring iyan ay ang sinasabi nilang true love. Baka magsisi ka sa huli dahil huli na ng malaman mong iba pala ang nakalaan ng puso mo at utang na loob lang pala ang para kay Alex.” Dagdag niya pa dito at nakita niya ang paglukot ng mukha nito. Parang naguguluhan ito sa sinabi niyang iyon. Magsasalita pa sana si Candee ng biglang may malakas na kumatok sa pintuan ng opisina ni Dr. Draven. Sabay-sabay silang napatinging dalawa sa pinto. Siya na ang nagpresentang magbukas ng pintong iyon. “Ako na girl at baka ang kapatid mo na iyon.” Nakangiti niyang sabi rito at tumango naman ito sa kaniya. Nakita niya pang saglit na inayos ang mukha ni Candee at ganoon din siya bago niya binuksan ang pinto. Hindi nga siya nagkamal dahil ang napakagwapo at napakakisig na Dr. Draven ang napagbuksan niya. “What are you doing here” Buong pagtatakang tanong nito ngunit hindi siya nakasagot. ‘Where’s Nurse Candee?” Mahinahon ngunit nagbabadya ng galit na tanong nito. “Nasa loob pa siya.” Sagot niya pa dito. Nilakihan niya pa ng bukas ang pinto para makita nito ang dalaga sa loob. “How is she?” Sadyang hininaan nito ang boses upang hindi marinig sa dalaga. “ I think shes fine now pero hindi pa masyado.” Mahina rin niyang sagot dito. Napapailing nalang si Dr. Draven sa narinig nito mula sa kaniya. “Okay thanks for your time. You can go out now.” Maawtoridad na sabi nito. Napakastrikto tingnan ang binatang doctor na halos hindi ngumingiti. Sadyang nakakatakot ang awra nito na parang leon na gutom at labis na nakakatakot. Ngunit sa kabila ng ganoon ang ugali nito ay di niya narinig na ni minsan ay may taong sinisigawan ito o pinapagalitan ng husto. Kahit gaano man ito kagalit ay nanatili ang pagkamahinahon at pagkaprofessional nito. Bagay na hinahangaan niya ng husto maliban sa napakagaling nito na internal surgeon. Halos na kay Dr. Draven na lahat ng hinahanap ng mga kababaihan. Gwapo, maganda ang katawan, matalino at mayaman ngunit natatakot lang ang lahat dahil sa nakakatakot na panlabas na awra nito, ngunit mabait rin naman ito kahit napakastrikto na tao. Tuloy ay naisip niya kung paano kaya ito magmahal ng todo sa isang babae? Agad din niyang inalis ang isiping iyon at baka saan pa umabot ang pag-iimagine niyang iyon. Batid niya kasing hindi papatol ang tulad ni Dr. Draven sa katulad niya. Hindi niya alam kung bakit tila nakaramdam siya ng lungkot sa isiping iyon. “Please close the door when you leave.” Utos pa nito. Pahakbang na sana papasok si Dr. Draven ng bigla niyang pinigilan. Agad niyang hinawakan ang kamay ng binatang doctor. Nanlaki naman ang mga mata nito sa ginawa niya habang napatingin sa kamay nilang magkahawak. “Sandali lang Dr.Draven…” Agad niyang sabi rito. Nang mapansin niya ang ekspresyon sa mukha ng doctor ay agad niyang binitiwan ang kamay na hawak niya. Para kasi siyang nakaramdam ng biglang napaso ang balat niya. “Pasensiya na ho kayo.” Alanganing ngiti ang iginawad niya rito at di pa din maalis ang pagsalubong ng mga kilay ng binata dahil sa ginawa niyang iyon. Halatang hindi nagustuhan ang ginawa niya. Tuloy ay nakabitin sa ere ang sasabihin niya habang diretsong nakatitig sa kaniya ang binata. “May sasabihin ka pa ba Nurse Abby?” Malamig na tanong nito. Tuloy nakaramdam siya na parang binabalot ng yelo ang puso niya kaya medyo bumagal ang pagtibok niyon. “Eh- kasi. Gusto ko lang sanang malaman ang kalagayan ni Miss Jessica?” Nabubulol niyang sabi rito at mas lalong nagdilim ang mukha nito. Tuloy ay napuno ng mga katanongan at pagtataka ang mga tingin ng binatang ipinukol sa kaniya. “Bakit mo nais malaman? Magkakilala ba kayong dalawa?” Sunod-sunod na tanong nito at di niya malaman ang isasagot. “Naku, pasensiya ka na sa abala. Pero seryoso po talaga ako. Gusto kong malaman ang kalagayan niya dahil nag-aalala ako sa kaniya.” Mabilis niyang paliwanag dito ngunit huli na para mabawi niya pa. Mas lalong niyang binigyan ng hinala ang doctor. “Bakit di mo muna sagutin ang mga katanungan ko saiyo?” Mataman siyang tinitigan nito na tila may nais malaman. Tuloy ay naiwas niya ang tingin at di alam ang sasabihin. Maya-maya ay muli siyang nagsasalita. “Look Dr. Draven, napakadali lang naman ang tinatanong ko saiyo. Ngunit pinapalaki mo pa. Kung ayaw mo talagang sabihin ay wala na akong magagawa.” May halong inis at pagdaramdam na sabi niya rito. Bakit ba kasi nagtanong pa siya rito? Akmang aalis na siya ng muli itong nagsasalita. “She’s fine. Shes’s totally fine. Masyado lang siyang nastress sa ginawang pag-uusap ng lolo niya kanina kaya ito hinimatay. Wala naman akong nakitang iba pa base sa mga lab test results niya. Kaya nasisiguro kung nasa maayos na ang kalagayan niya.” Mabilis na paliwanag pa nito habang diretsong nakatitig sa mga mata niya. Tuloy ay nakaramdam siya ng inis dito dahil parang pinag-lalaruan siya ng binatang doctor na ito. “Nag-uusap? Sa ganitong mga oras? Nakakapagtaka naman ata? Ano na naman kayang bagay ang pinag-aawayan ng dalawang iyon?” Wala sa loob na nasabi niya. Akala niya ay sa isipan niya lang iyon nasabi di niya namalayang naisatinig niya pala ito at naririnig ng kaharap niya. “Anong sabi mo?” Nagtatakang tanong pa sa kaniya ng doctor. Nagulat pa siya sa tanong na iyon. “Naku, wala ho. Wala naman akong sinabi.” Pagsisinungaling niya pa at nakita niyang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya. “Ang gulo mo rin naman palang kausap. Sigurado ako sa narinig kung iyon. Pero kung ayaw mong sabihin, hindi kita pipilitin sa ngayon. Pero ito ang tandan mo na may utang ka pa sa akin” Seryoso pa nitong sabi sabay lapit pa masyado sa mukha nito sa mukha niya. Bigla ito ngumiti ng nakakaluko sa nagiging reaction niya sa ginawa nito. “Your blushing Nurse Abby…” Panunukso pa nito. Hindi niya alam kung matawa o magalit sa ginawang iyon ng doctor. Napaatras nalang siya ng ilang hakbang palayo sa binata at mas lalo pa niyang binigyan ng dahilan para mas lumapad ang pagkangiti nito. Pagkatapos ay akma itong aalis ngunit agad din niyang pinigilan. “Sandali ho…” Sabi niya pa rito. Nalukot na naman ang noo nito ng muling tumingin sa kaniya. “Ano na naman bang kailngan mo sa akin Nurse Abby? Baka gusto mong sabihin na sa akin lahat ngayon o mag-uusap uli tayo mamaya? May importante pa kasi akong kakausapin sa ngayon.” Magkahalong inis at panunukso ang mga titig na iyon ng doctor. “Isang favor nalang po…” Sagot niya pa dito. Bigla sumeryosyo ang mukha nito at blangko na naman ang ekspresyon sa mukha nito. “Kung maari lang sana ay sa atin lamang ang usapang ito? I mean maari bang wala ka ng pagsasabihan pang iba sa mga sinabi kong ito saiyo?” Puno ng pakiusap na sabi nya. Hindi ito sumagot at mataman siyang tinitigan sa mga mata. Agad niyang hinawakan ang kamay nito dahilan para magulat uli ito sa ginawa niyang iyon. “Please…” Puno pa rin ng pakiusap na sabi niya. Walang nagawa ang binata kundi ang sumang-ayon. “Sige. Hindi naman ako madaldal na tao.” Seryosong sabi nito. Kaya mas lumapad ang ngiti niya para rito. “Thank you Dr. Draven.” Masayang sabi niya. Nanatili pa din itong nakatitig sa kaniya . “Oh siya maari mo na siyang puntahan.” Nakangiting sabi pa niya rito. “Pero sana naman ay huwag mo siyang pagalitan. Intindihin mo muna siya.” Dgadag niya pa sabay sara ng pinto at di na hinintay pa ang sagot ng doctor. May dapat pa kasi siyang gawin ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD