Napagpasyahan ni Candee na manatili ng ilang araw sa mansiyon ng mga Ventura.
Ito’y udyok din ng kanyang dalawang kapatid upang makapagrelax muna siya bago bumalik sa bahay.
Ipinangako naman ng mga itong hindi siya papagalitan ng mga magulang at sila ng bahalang magpaliwanag sa mga ito kung bakit hindi pa siya umuwi.
Hindi kasi sanay ang mga magulang niyang mawalay siya ng matagal sa piling ng mga ito at labis itong nag-alala sa kanya.
Nauna na ring umuwi ang kambal at marami pa itong gagawin pag-uwi.
Naging maganda din naman ang pagtanggap ng mga taga rito sa kanya.
Mababait at magalang ang mga taong naroon.
Personal din siyang inasikaso ni Lyndon at nangakong hindi siya pababayaan hanggat nasa kanyang mga poder siya nakatira.
Hindi rin naman boring kasama ang binata sapagkat napakadaldal nito.
Halos walang tigil ito kapag nagsimula ng magsalita.
Sinamahan siya nitong ipasyal at libutin ang buong mansiyon pati na rin ang buong hacienda na pagmamay-ari ng mga Ventura.
Mayaman at kilala sa kanilang lugar ang mga Ventura dahil sa angkin nitong yaman.
Bukod sa farm ay may-ari din ito ng hotels at resorts.
Ngunit hindi kagaya ng ibang mayayamang tao na sikat sa media, ang mga Ventura ay tahimik lamang at ayaw nilang basta-basta nalang lumabas ang mukha nito sa TV o iba’t ibang pahayagan.
Bagay na mas lalong hinahangaan ng mga tao dahil sa pagiging mapagkumbaba nito at hindi ginagamit ang sariling yaman para sumikat sa lipunan.
Lihim niyang pinagmasdan ang binata.
Matangkad at meztiso ito na parang may lahing foreigner.
Napakaganda ng pangangatawan at masasabi mong mala-adonis ang anyo nito.
Kaya hindi nakapagtatakang napakaplayboy ng isang ito!
“Ano? Pumasa ba sa panlasa mo?” Pabirong sabi ng binata sa kanya ng mapansing nakatitig siya rito.
Tuloy ay nakaramdam siya ng kunting pagkapahiya sa binata at baka ano pang isipin nito sa kanya.
Inirapan niya lang ito bilang pagsagot.
Imbes na magalit ang binata ay matamis itong ngumiti sa kanya.
Mas lalo itong naging magandang lalaki ng ngumiti.
Ang lalim ng mga dimples nito at parang kumislap ang magaganda nitong mga mata.
“Hoy… ano na namang iniisip mo diyan? Parang wala ka na naman sa sarili mo ah?” Dagdag nito ng makitang hindi siya natuwa sa sinabi nito.
Pukaw nito sa kanyang katahimikan.
“Alam mo maganda ka rin pala kahit nakasimangot. Pero mas lalo kang gumanda kung nakangiti.” Seryoso nitong sabi sa kanya.
Batid niyang magandang din siya kahit medyo chubby at bilugan ang maliit niyang mukha.
Hindi din siya kasing tangkad ng mga kapatid niya ngunit hindi din naman siya magmumukhang kawawa sa harap ng mga naggagandahang beauty queen.
“Tigilan mo ako sa ganyang pambobola dahil hindi uubra sa akin yan.” Inis niyang sabi rito.
Napapailing nalang ang binata.
“Mukhang magdududa na talaga ako sa bestfriend kong iyon ah! Sapagkat ang kwento niya sa akin ay napakalambing mo raw na kapatid. Ngunit hindi ko akalaing napakataray mo pala sa personal.”
“Akala ko ba bestfriend mo siya? Bakit hindi mo alam na kabaliktaran lahat ng mga lumalabas sa bibig ng isang iyon.” Pabiro niyang sabi rito.
Natatawa nalang ang binata sa sinabi niyang iyon at sabay kamot sa batok.
“Siguro nga’t maraming itinatago sa akin ng isang iyon.”
Hindi niya alam kung bakit tila siya natatawa sa naging reaksiyon ng binata.
Kahit halos mga lalaki ang kasama niya paglaki ay hindi siya madalas nakipaglapit ng sinumang lalaki.
Kadalasan kasi ay mga babae lang ang nagiging kaibigan niya at mabilang lang ito sa kanyang daliri.
Mas gusto niya kasing mag-isa kaysa mayroong kasamang hindi rin sila magkaintindihan.
“Halika.” Tawag nito sa kanya at sabay abot ng isang kamay nito.
“Anong gagawin natin diyan?” Tila nakaramdam siya ng kunting kaba at mukhang may hindi magandang binabalak ang binata.
“Turuan kitang sumakay ng kabayo.”
“Ayaw ko nga diyan. Mas gusto ko pang sumakay sa humarorot na motorsiklo kaysa sumakay ng kabayo.” Tanggi niya rito ngunit tila ayaw sumuko ng binata sa kanya.
“Huwag kang mag-alala sapagkat napakabait ng isang ito.” Paliwanag nito.
“Ayaw ko nga. Baka ano pang maisip ng isang iyon at itakbo ako ng mabilis.”
“Trust me, hindi naman kita pababayaan. Hinding-hindi ko hahayaang masaktan kahit kunting galos pa sa katawan mo.” seryosong sabi nito habang direktang nakatingin sa mga mata niya.
Hindi niya maiintindihan ang sarili kung bakit tila siya nahihipnotismo sa mga tinging iyon.
Parang may sariling isip ang kanyang katawan at kusa nalang sinunod ang mga sinabi ng binata.
Kinakabahang tinanggap niya ang kamay ng binata at nagulat pa siya ng tila siya napaso ng magkadikit ang mga balat nila.
Lihim siyang nanalangin at sanay hindi mapansin ng binata ang naging reaksiyon niyang iyon.
Maingat siyang inalalayan ng binata pasakay ng kabayo.
Pagkatapos siyang makasampa sa likuran ng kabayo ay nagulat siya sa ginawa ng binata.
Agad din itong sumapa sa likuran niya.
Ramdam niya ang matitigas na muscle nito sa dibdib habang lumapat ito sa likuran niya.
Mas lalo siyang magulat ng iniyakap nito ang isa nitong kamay sa kanyang baywang habang ang isa namang kamay ay ang nakahawak sa renda ng kabayo.
Hindi niya maintindihan ang sarili at tila nakaramdam siya na safe siya sa mga bisig ng binata.
Dahan-dahang pinalakad ng binata ang kabayo mula sa mahina at hanggang sa medyo mabilis.
Mahigpit siyang napahawak sa renda ng kabayo ng maramdamang medyo bumilis ng kunti ang takbo ng kabayo.
“Huwag kang matakot. Andito lang ako at hindi kita pababayaan. Isa pa mahina palang ang takbo natin.” Tila nakikiliti siya sa bawat salitang binitiwan ng binata sa kanyang tenga.
Matangkad kasi sa kanya ang binata kaya kinailangan pa nitong yumukod ng kunti para mas tumapat ang bibig nito sa taenga niya.
Pinilit niyang kumalma at ibaling sa paligid ang buong attensiyon.
Ayaw niyang mag-isip ng masama sa binata lalo na’t wala naman itong ginagawa ng masama sa kanya.
Kahit nakahawak ang kamay nito sa baywang niya ay ramdam niyang ang pagiging maginoo doon.
Sadyang sinuguro lamang nitong hindi siya mahulog sa pagtakbo ng kabayo.
Mabuti nalang at nagsimula ng magkwento sa kanya ang binata.
“Dito ako ipinanganak at nagkaisip. Matagal kasing nagkahiwalay ang parents ko kaya inuwi ako ng mama ko dito sa kanila. Kaya kabisado ko na ang pasikot-sikot sa lugar na ito. Huwag kang mabahalang maligaw tayo dahil ni minsan hindi pa ako naliligaw rito.” Pagkukuwento ng binata.
“Alam mo bang mala-fairy tale ang kwento ng pag-iibigan ng mga magulang ko? Sabi ng mama ko na matagal niya daw nililigawan ang papa ko masyado kasi itong pakipot na tao. Tapos noong naging sila ay sandali lang silang nagkakasama sapagkat nalaman ng mama kong ikakasal na pala ang papa ko sa iba. Isang kasal na ipinagkasundo ng mga magulang ng papa ko. Noong una ay hindi alam ng mama kong nagdalang tao siya sa akin ngunit kahit nang nalaman niya ay pinili niya paring lumayo at huwag guluhin ang buhay ng papa ko.” Masayang kwento pa nito.
“Paano nagkatuluyan ang mga parents mo?” Nakukuryos niyang tanong dito.
Parang silang mga batang walang muwang sa mundong nagkukwentuhan.
“Ang ibig bang sabihing tinanggihan ng papa mo ang itinanging pagpapakasal sa iba at pinili ang mama mo?”
“Oo at hindi. Oo noong una ay ayaw niyang magpakasal ngunit ng kalaunan at nalaman niyang ang mama ko pala ang nakatakda niyang pakasalan ay wala anumang pag-aatubiling pumayag na magpakasal sa mama ko. Nagulat rin ang buong pamilya niya ng malaman ang love story nilang dalawa at lalo ng malamang may anak na pala silang dalawa. Kaya pala huminto sa pag-aaral ng mama ko at bigla nalang umalis sa universidad na pinapasukan nito ay dahil nagdadalang tao. Hindi na rin nakatanggi pa yung mama ko sa papa ko ng malaman ang katutuhanan. “Masayang kwento nito.
“Napakaganda naman pala ng kwento ng parents mo. Kapag ang dalawang tao ang nakatakda sa isa’t-isa ay ang tadhana na mismo ang gagawa ng pagkakataong magiging sila” Buong paghangang sabi niya rito.
“Hindi naman ako naniniwala sa tadhana.” Seryosong sabi ng binata sa kanya.
Saglit pa siyang nagulat sa sinabi nito.
“Sapagkat tao pa din ang may hawak ng kanilang kapalaran. Nasa tao pa rin kung ano ang kanyang pipiliin at kapag ang puso ang humatol ay tiyak na wala kang pagsisihan.” Diretsong sabi ng binata sa kanya.
May punto rin naman ang binata.
Sadyang hindi hawak ng tadhana ang kapalaran ng tao sapagkat ang tao ang may gawa ng kanyang kapalaran.
Ngunit hindi niya maiwasang humanga sa kwento ng pag-iibigan ng mga magulang ng binata.
Napakagandang pakinggan.
Kahit nagkalayo na ang mga ito ay sa huli sila pa din ang nagkatuluyan.
Siguro ay sadyang mahal na mahal nila ang isa’t isa.
Hindi kagaya sa kanya na one sided love lang at batid niyang wala na itong pag-asa pa.
Heto’t nagsimula na naman siyang mag-isip kay Alex.
Batid niyang nagkasala siya kay Alex at Jessica sapagkat alam niyang magkasintahan na ang dalawa ngunit heto at tila nangarap pa din siyang mapansin ng binata ang nararamdaman niya para sa binata.
Sadyang mahirap talaga kapag puso mo na ang magdisisyon dahil tiyak na masasaktan ka ng labis.
“How about your parents Dee? Anong kwento nila?” Biglang tanong ng binata sa kanya.
Tuloy ay tila siya bumalik sa realidad.
Hindi niya alam kung anong isasagot kasi hindi niya alam kung anong kwento ng totoo niyang mga magulang.
“Hindi ko alam.” Wala sa loob na sabi niya rito.
Bahagyang nagulat ang binata ngunit pinili nitong manahimik.
“Hindi ko talaga alam ang totoong kwento ng mga magulang ko. Kung paano sila nagkita or paano nagsimula ang kanilang pag-iibigan? Ang alam ko lang ay magkasama sila ng hospital na pinagtatrabahuan. Siguro ay doon sila nagkakilala at doon din nagsimula ang kanilang pag-iibigan.” May pait sa pusong habang sinasambit niya ang mga salitang iyon.
Hindi na siya naglakas ng loob na magtanong sa kanyang mga magulang ngayon kung ano ang kwento ng totoo niyang parents.
Hindi na din kasi umabot pa sa kanyang isipan ang magtanong pa tungkol dito.
“Anong ibig mong sabihin Dee?” Hindi na naiwasang magtanong ang binata sa kanya.
“Mukhang hindi sinabi saiyo ng kapatid kung iyon na hindi talaga kami totoong magkakapatid?” diretsahan niyang sabi rito.
Hindi man niya nakita ang mukha nito ngunit batid niyang nagulat ito ng husto sa sinabi niyang iyon.
Hindi rin niya alam kung bakit bigla nalang niyang nasabi ang totoo sa isang estranherong lalaking ito.
“You’re be kidding right?”
“No, I’m not!”
“P-paano nangyari iyon? Walang sinabi sa akin si Draco tungkol doon?” Hindi makapaniwalang sabi pa nito.
“IIlang tao lang ang nakakaalam na hindi ako totoong anak ng mommy at daddy ko ngayon. Mahigpit kasing bilin sa akin ni Dad na huwag na huwag naming ipagsasabi ang totoo. Kaya walang ibang nakakaalam, ngunit marami ang nagbulong-bulungan.”
“I’m sorry to hear it from you Dee. Wala talaga akong idea. Pangako kong hinding-hindi ko sasabihin kahit kanino man” Puno ng sinsiridad na sabi nito.
“I trust you!” Buong pagtitiwalang sabi niya rito.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla nalang siyang nagbigay ng buong pagtitiwala sa binatang ito.
Biglang namayani sa kanila ang buong katahimikan.
Tanging yapak ng kabayo at ingay ng iba’t-ibang hayop lamang ang kanilang narinig.
Hanggang sa naramdaman niyang tila mas napapalayo na sila.
“Masyado na ata tayong napalayo ah!” Agad niyang sabi rito. Bahagya siyang nakaramdam ng pag-alala at baka naligaw na sila.
“OO nga eh! Nasa pinakadulong bahagi na nga tayo ng aming hacienda.” Napakamot sa ulo ang binata. Tila nahihiya ito sa kanya.
Mukhang ang cute nito tingnan.
“Magpahinga muna tayo dito saglit bago bumalik ng mansiyon. Doon tayo sa bandang iyon at may maliit na batisan at waterfalls doon.” Turo nito sa unahan.
Mukhang nasa kalagitnaan sila ng malatoreng bundok.
Ang tataas ng mga bundok na nakapalibot sa kanilang kinaroroonan.
Malalaki din at napakalabong ng mga halamang naroon ngunit makikita mong napakalinis pa rin ng buong kapaligiran. Hindi niya akalaing kahit sa dulo ng lupain ay namimaintenance ng maayos.
Unti-unti niyang narinig ang agos ng malakas na tubig.
Labis siyang namangha ng tuluyan silang napalapit doon.
May isang malaking waterfalls doon at ang linis ng tubig.
“Dito lang tayo banda sapagkat malalim na sa bandang iyon.” Sabay turo ng binata sa kabilang panig.
Mabilis itong umibis sa kabayo at maingat siyang inalalayan pababa ng kabayo.
Mahigpit na hawak nito ang baywang niya at napakapit siya ng husto sa mga bisig nito.
Dahan-dahan at maingat siya nitong ibinaba at muling nagkalapat ang kanilang katawan.
Subrang napakalapit ng mga mukha nila at magkaharap ang dalawa.
Mas lalo niyang natigigan ang gwapo nitong mukha.
Mas lalo itong naggandang lalaki at lalo na’t pinagpawisan ito ng husto.
Parang ayaw na niyang alisin ang paningin sa napakagwapong mukha nito.
“Ayos ka lang ba?” Tanong sa kanya ng binata pagkababa niya. Hindi pa nito binitiwan ang baywang niya at tila sila nagyakapan.
Doon din ay nakaramdam ng labis na hiya ang dalaga at tila nag-iinit ang kanyang mukha sa ganoong ayos nilang dalawa.
“A-ayos lang ako.” Nahihiya niyang sagot dito saka naman siya binitiwan ng binata at inalalayan sa bandang papahingahan nila.
Agad na naglatag ng maliit na kumot ang binata at doon inilatag ang mga dala nilang pagkain.
Banayad niyang pinagmamasdan ang binata habang ginagawa ang mga bagay na iyon.
May tuwa sa kanyang puso at nakita niya kung gaano kaswerti ng babaeng mapapangasawa nito.
Bigla ay napatanong sa kanyang isipan kung may girlfriend na ito, gayong wala itong nabanggit sa kanya.
Halos magkasing edad lamang ito at ng kambal kaya natitiyak niyang may kasintahan na ito o di kayay may asawa na ito.
Ngunit wala siyang nakitang may suot itong wedding ring kahit noong una nilang pagkikita.
“Halika’t kumain muna tayo habang mainit pa ang sabaw na ipinabaon ng aming katulong.” Agad na yaya nito matapos maihanda ang ginawang hapag kainan.
Ngayon lang siya nakaranas ng ganito sa buong buhay niya.
Madalas silang nagbabonding na mag-anak ngunit sa mga restaurants at malls lang sila nagpunta.
Isa itong kakaiba at hindi malilimutang experience.
Mukhang may maganda paring naiidudulot ng agarang pagpapaalis sa kanyang work.
Tuloy pa din ang kadaldalan ni Lyndon habang kumakain sila samantalang siya ay tahimik lang at natutuwag nakikinig sa mga kwento ng binata.
Pinagbalatan pa siya ng mga prutas na dala nila.
Pakiramdam niya ay sasabog ang tiyan niya sa labis na kabusugan.
Mas lalo siyang nasarapan sa pagkain lalo nat napakaganda ng kapaligiran.
Maya-maya ay nagyayang maligo ang binata.
Ayaw niya sana dahil wala siyang dalang damit. Wala kasi sa plano nilang maligo sa malamig na batisan.
“Ano ka ba, napakasarap kaya ng tubig” Buong pagmamalaking sabi ng binata habang palusong ito sa malamig na tubig.
“Maganda kaya ito sa katawan at makaramdam ka talaga ng labis na pagkarelax matapos kang maligo dito.” Dagdag pa nito.
Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang sinabi ng binata.
Tila kasi nanghihikayat ang tubig habang kanyang tinitingnan at wala siyang nagawa kundi tanggihan ito.
Totoo ngang napakasarap maligo at ang lamig ng tubig na tila nagtitheraphy sa kanyang katawan.
Masaya silang naglalaro at nagtatampisaw sa tubig. Tila mga batang walang ibang iniisip.
Ang sarap-sarap sa pakiramdam.
Tila nawala ang lahat ng kanyang alalahanin habang nalilibang maligo sa malamig na batisan.
Mabuti nalang at marunong siyang lumangoy.
Pinag-aral siya ng swimming ng kanyang mga magulang dahil sabi nito noong kabataan niya ay muntikan na siyang malunod sa pool.
Natatakot silang baka may masamang mangyari sa kanya kaya pinasok siya sa pag-aaral ng swimming.
Makailang ulit na siyang pabalik-palik lumangoy at ganoon din ang binata.
Marunong din itong lumangoy at kabisado nito ang buong batisan.
Sinasaway siya kapag pumunta siya malalim na bahagi lalo na at malakas ang agos ng tubig.
Baka hindi niya kayanin ang lakas ng agos ng tubig at baka maanod siya sa baba.
Kahit pakiramdam niya ay nasa paanan sila ng bundok ngunit hindi pala.
Nasa itaas pa din sila ng mga bundok at ang falls na ito ang pinagkuhanan ng tubig sa lugar ng binata.
Kaya kapag naanod ka sa baba, kahit gaano kapa kagaling lumangoy ay tiyak na hindi ka mabubuhay sa lakas ng agos at pressure ng tubig.
Magdapit hapon na ng magyayang umuwi ng binata.
Ayaw niya pa sanang umuwi ngunit nag-alala siyang baka abutan na naman sila ng malakas na ulan.
Mas lalo raw napakadilikado sa bahaging ito lalo nat gabi at masama ang panahon. Kasi masyadong lumalaki ang tubig dito at wala silang mapagkublihan.
Dahil hindi nakapagdala ng damit ay basa silang umuwi ng mansiyon.
Ngunit tila hindi niya nararamdaman ang lamig dahil pakiramdam niya ay nag-iinit ang buo niyang katawan habang yakap siya ng binatang nakasampa sa likod ng kabayo.
Pagdating nila ng mansiyon ay agad siyang pinaghanda ng mainit na pampaligo.
Pagkatapos niyang maligo ay doon niya lang nararamdaman ang labis na pagod.
Pakiramdam niya ay sumasakit ang buo niyang katawan.
Kaya hindi na siya bumaba upang kumain.
Agad niyang inihaga ang pagud na katawan.
Ang sarap sa pakiramdam habang nakadantal ang likod niya sa malambot na kutson.
Tila pakiramdam niya ay nakahiga siya sa himpapawid.
Maya-maya ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
Sa kalagitnaan ng gabi ay bigla siyang nagising.
Pakiramdam niya ay ang bigat ng katawan niya.
Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa buo niyang katawan.
Napakadilim ng buong kwarto.
Nakalimutan niya sigurong ion ang ilaw dahil sa labis na pagud.
Akmang babangon siya ngunit natigilan siya bigla ng maramdamang nakabaliktad o nakabitin ang buo niyang katawan.
Nararamdaman niyang unti-unting pumunta ang lahat dugo niya patungo sa kanyang ulo.
Nakaramdam siya ng pagkahilo at labis na sakit nito.
Ngunit kahit ang paghipo niya ng ulo ay parang di niya magawa.
Tuloy ay nakaramdam siya ng hindi maganda.
“Ano bang ginagawa sa kanya ni Lyndon? May masama ba itong balak sa kanya?” Nais niyang sumigaw ngunit walang anumang salitang lumabas sa kanyang bibig.
Wala siyang makita o maaninag sa buong kapaligiran at masyadong malakas ang aircon.
Tila nagyeyelow na ang buo niyang katawan dahil sa lakas ng aircon.
Ano bang nangyari?
Nagsimula na siyang magpanic.
Kahit anong gawin niya ay wala siyang lakas upang makaalis sa ganoon sitwasyon.
Ano bang balak na gawin sa kanya ni Lyndon bakit siya nito ginanito.
Patuloy siya sa pagpupumiglas kahit pakiramdam ay unti-unti ng nawalan ang kanyang kamalayan.
Sa mga sandaling nais ng panawan ng pag-asa ni Candee ay biglang may nakita siyang bulto ng taong unti-unting lumapit sa kanya.
Dahan-dahan itong lumapit sa kanyang kinaroroonan.
Pinilit niyang aninagin kung sino ito sakabila ng kadilimang bumabalot sa buong kapaligiran.
Pinilit niya ring idilat ang kanyang mga mata upang makita kung sino ang taong ito?
Nang tuluyan na itong lumapit sa kanya ay nananinag niyang si Alex pala iyon.
Walang ekspresyon sa mukha nito.
Kahit papano ay may maliit na tuwang gumagapang sa kanyang puso.
Tiniyak niyang mahalaga pa din siya ni Alex at sa ganitong pagkakataon ay dumating ito upang tulungan siya.
"Alexxx." Pilit niyang tawag dito.
Hindi niya batid kung narinig ba ito ng binata sapagkat wala naman itong ibang ginagawa kundi ang tumayo at tumitig sa kanya.
Tinipon niya ang lahat ng natirang lakas kahit pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya dahil sa tila nakabitin siyang patiwarik.
Buong lakas at dahan-dahan niyang inunat ang isa niyang kamay upang abotin ang binata.
Sa wakas ay nagawa rin niya ngunit buong pagtatakang hindi man lang nag-atubiling abutin iyon ng binata.
Tinitigan lang ito ng binata at hindi man lang nag-aabalang abutin ito.
Napababa nalang ng tingin ang dalaga dahil sa buong akala niya ay tutulungan siya ng binata at di niya akalang sa ganitong pagkakataon ay balewala pa din siya nito.
Ngunit hindi pa rin siya sumuko at pinilit inabot ang binata.
Hanggang sa nakita niya lang na unti-unting itinaas ang isang kamay ng binata upang abutin ang kamay niya.
Doon ay nakaramdam ng tuwa ang dalaga.
Ngunit sa mga sandaling malapit ng maabot ng binata ang kamay niya ay para itong nagulat at nagmamadaling binawi ang kamay nito.
"Alex please don't do this to me." Mahinang sabi niya.
Buong akala niya ay kulang ang effort niya upang maabot ang nakalahad nitong kamay.
Kaya nito binawi upang maghanap ng paraan upang iligtas siya.
Ngunit isa na namang disappointment ang kanyang nararamdaman nang bigla itong tumalikod at walang lingon-lingong umalis palayo sa kanya.
"Alex, please don't do this to me. Please don't leave me." Puno ng hinagpis na pakiusap niya sa binata ngunit hindi man lang siya pinansin nito.
Hanggang sa tuluyang nagdilim ang kanyang paningin at nawalan na siya ng ulirat.