Third Person's POV SOBRANG naiilang si Macy habang kinukunan ng picture ng photographer. Hindi siya komportable, siguro dahil hindi naman siya sanay. Hindi naman kasi siya mahilig sa mga pictures. Iilan nga lang ang mga pictures niya sa socmed at ang iba ay matatagal na. Bihira lang siya magselfie na hindi kagaya ng mga kakilala niya na halos araw araw yata ay may mga pictures na pinopost sa socmed. Kaya ngayong may photoshoot siya ay naiilang siya at magkakaroon pa siya ng billboard na idi-display sa maraming makakakita. Panay ang posing ni Macy at may nag-guide sa kanya kung paano gawin kaya nagagawa niya naman ng tama. Hanggang sa nasanay na rin siya at kahit papano ay nag enjoy siya. Nawawala lang siya sa focus kapag nadadaplisan ng paningin niya si Dax dahil katabi nito si Vicky.

